[19] The Beauty and The Beast

5.9K 270 202
                                    

EPISODE 19
The Beauty and The Beast

"TABI!"

Pagbukas na pagbukas pa lang nila sa pinto ay isang lalaking lumilipad na kaagad ang sumalubong sa kanila. Napayuko sila. Babangga na dapat ang lalaki diretso sa mukha ni Hapi kung hindi lang naging mabilis si Emi at inilabas ang pana nito.

"Restraining arrow!" Sigaw ni Emi at isang palaso ang umeskipa sa pana na hawak nito. Nahagip ng talim nito sa kwelyo ng lalaki sa likod at mabilis na hinila naman ito pabalik ng palaso. Tumama naman ang kawawang lalaki sa katapat na pader at nabitin ito roon sa arrow.

"Bullseye," ani Sean.

Natahimik naman ang buong klase at napatingin ulit sa kanila. Eto na naman tayo with the grand entrance, ani Verdandi na naiiling.

"P-pakawalan niyo ako," pakiusap ng lalaki. Pinakawalan naman ito ni Emi at lumanding ito sa sahig. Tatakbo na sana ito palabas ng classroom kung hindi lang biglang sumulpot kung saan ang ga-dosenang lubid at pumulupot dito.

Nang tingnan naman nila sino ang nagkokontrol ng lubid ay nakita nila--walang iba, kundi si Marcus at tuwang-tuwa sa pananadista nito. Nakatayo ito sa isang desk, at sa paligid nito ay ang iba pa nilang mga kaklase na pinagkakatuwaan ang kawawang lalaki. Nandoon din sa tabi niya si Sebastien. At nakaupo sa pinakamataas na desk, ay si Kai na mukhang bored.

"Anak ng tokwa naman, sa dami sections bakit dito pa?" bulong ni Dardy.

"O, kayo pala!" Nakangising bati sa kanila ni Marcus. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Obviously magiging kaklase natin sila genius," tahimik na sabi naman ni Sebastien. Hindi naman ito nakatingin sa kanila, at sa halip ay nilalaro lang ang isang maliit na  bolang gawa sa tubig sa kamay nito.

"Alam ko! Anong tingin mo sa akin, tanga?" ani Marcus naman saka sinuklay ang tumatay at pulang buhok nito. Alam niya daw pero nagtatanong pa, naiismid na sabi ni Verdandi sa isip. "Hoy, kayo maghanap na lang kayo ng ibang seksyon. Wag kayo dito. Alis na. Shoo."

Nagtawanan naman ang ibang mga kaklase nila. Siguro nga mas maganda kung hindi namin magiging kaklase ang mga ito, para walang gulo, aniya naman sa isip.  

"You know Marcy, kung magagawa lang namin 'yon matagal na namin 'yong ginawa," sabi naman ni Sean. "We don't want to share the same room with roosters like you who tell humans to shoo. It's unsettling."

May ibang natawa. Ngunit si Marcus na parang pinaprocess pa ang sinabi ni Sean sa utak niya ay natahimik at napakunot-noo.

"Meanwhile, habang hindi pa na-gets ni Marcus Romagna ang sinabi ko ay maghahanap na muna kami ng mauupuan," ani Sean naman. "Tapos na kayong dalawa diyan?"

Nang lingunin naman ni Verdandi ang lalaking tinali ni Marcus sa sahig ay nakita niyang kinakalagan na pala ito nina Hapi at Emi. Nang makalaya na ito ay patakbo itong lumabas ng claasroom.

"Doon tayo," aniya at tinuro ang mga bakanteng upuan sa kabilang row. Lumapit sila roon at umupo. Sa isang mahabang desk ay tig-tatatlong estudyante ang pwedeng makaupo. Napagitnaan siya nina Emi at Azrielle (na nag-insist ulit na sa may bintana uupo). Samantalang sina Hapi, Sean at Dardy naman ay nasa likod nila.

May dalawang rows sa classroom nila, at bawat row ay may limang mahabang desk na nakaayos ng pahagdan. Ibigsabihin ay theater-type ang classroom nila. Nasa second to the last sila nakaupo. Sa kabilang row na malapit sa pinto ay nakaupo naman sina Kai.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon