[23] Haunted Forest

5.1K 250 90
                                    

Hello! Hahahahaha maraming salamat po sa mga nagbabasa hanggang ngayon. Votes and comments are highly appreciated pa rin po! Creepy music po 'yang nasa taas. Sa tingin ko lang naman babagay sa chapter na ito.

Siya nga pala, may plano akong baguhin sa mga early chapters. Kung pwede sana ipatingin ko muna siya sa inyo. I might publish it soon.

Malapit na tayo sa kalagitnaan ng kwento. May mga theories na ba kayo diyan so far? Hahahahaha ahem, ang daldal ko na masyado. Enjoy!

CHAPTER 23
Haunted Forest

Nakahiga si Osiris Grimmcaster sa kama niya na nakapwesto sa pinakadulo ng silid. Nakatingin lang siya sa bubong. Di siya makatulog.

Tahimik ang kwarto, ngunit maya-maya ay napapansin niya ang mga kaluskos at bulungan sa mga katabing kama. Tsk. Sina Starkomir at Dayome. Ang mga maiingay niyang kaklase at--ka-roomate. Hindi niya alam ano na naman kayang pinagkakaabalahan ng dalawa, pero parang may pinaplano na naman ang mga ito.

Noon pa man, ay narini na niyang madalas na pasimuno ng mga kalokohan ang dalawang ito. Ngayong taon lang niya naging kaklase ang grupo nila, pero hindi na siya lingid sa kaalaman nila. Si Azrielle, na Vascillux ng isang makapangyarihang deity. Si Dayome na anak ng isang commoner, pero maraming nagsasabing magaling daw itong knight. Si Sean Starkomir--anak ng Hari ng Ithacus. Maharlika kagaya ng ilan sa mga kaklase niya, pero hindi umaakto ng tulad nila. Si Emilyana Deianira, mula sa angkan ng mga mandirigma.

At ngayon, may dumagdag sa kanila. Ang babaeng tinatawag ang sarili niyang Verdandi Fiametta. Ang babaeng bigla na lang--

Tahimik na napailing si Osiris. Ang babaeng yumakap sa kanya at tinawag siyang Niccolo Rothermere.

Kumunot ang noo niya pagkatapos ay pinikit ang mga maya. Niccolo Rothermere...

Nagpatuloy naman ang kaluskos sa paligid. At tunog ng--ano 'yon? Mga daga? Pagkatapos ay narinig niya na din sa wakas ang bulungan ng mga ito.

"...tulog na siguro 'yan. Ano, tara na?" sabi ng boses ni Dayome.

"Kung mapansin niya man tayo, bahala siya. Mamaya na natin siya problemahin. Ano, wala na bang masyadong bantay sa baba?" si Starkomir.

"Ang sabi ng grupo nina Toodles, Doodles at Foodles, may mga bantay pa daw. Pero kung doon daw tayo dadaan sa mga archways ay makakalusot daw tayo papuntang Haunted Forest na walang problema," sagot naman ni Dayome. Narinig naman ni Grimmcaster na nagsitsitan ang mga daga--daga nga talaga!--na para bang sumasang-ayon ang mga ito sa sinabi ni Dayome.

Tch. Ang galing din pala ng ability nitong si Dayome, aniya sa sarili. Pero di niya naiwasang magtaka nang mabanggit nila ang Haunted Forest. Pupunta ba ang mga ito roon?

Narinig niya na parang nagsitayuan ang dalawa. At naglalakad yata ito papunta sa direksyon ng bintana nila.

May umirit bigla na isang daga.

"Ano 'yun, Toodles?" Si Dayome. Nagkaroon ng konting katahimikan, maliban sa pag-pwip-pwiiip-wiiip ng isang daga. At pagkatapos ay sinabi ni Dayome kay Starkomir: "Ang sabi niya, mukhang nakita daw niya ang babaeng matakaw--si Azrielle yata 'yon--at ang babaeng nananapak--di ko alam kung si Verdandi o Emi 'yon--na tumatakbo papuntang Haunted Forest. Hindi daw niya nakita si 'cutie-red-head' Hapi, pero may nakita daw siyang tumatakbong poste ng kuryente papunta sa Forbidden Tower. Baka tinutukoy niya si King-Croix. Ang bakla talaga nitong si Toodles."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon