[IV] Aftermath Part 4: In the Hands of Order and Chaos

2.4K 157 172
                                    

Hi guys! Maraming salamat sa pagbabasa at sa mga comments niyo last chapter! Eto na po ang isa pang part ng epilogue. Haba no hahahahahaha pero finale na rin kasi ito eh. Bukas ko na ipapublish ang huling part nito! Video po sa taas pang music background. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPILOGUE IV
Aftermath Part 4: In the Hands of Order and Chaos

Malapit nang matapos ang schoolyear nila at si Professor Alderheid na ulit ang inatasan na pansamantalang headmaster ng Academy. Napagpasyahan naman nito kasama na si Professor Ravisolli na mas mabuti nga na manatili na muna si Verdandi roon hanggang sa mahasa niyang kontrolin ang psychus energy niya at mga abilidad na kaakibat niyon.

Isa lang ang ibig sabihin niyon: mananatili pa siya ng matagal-tagal sa Academy.

Kahit nami-miss na ni Verdandi ang pinanggalingang mundo ay hindi naman niya maitatanggi na natuwa siya nang malaman ang bagay na iyon. Ilang linggo na rin lang kasi at magtatapos na sila sa unang taon. Magbabakasyon sila ng ilang buwan bago bumalik muli sa Academy para sa kanilang ikalawang taon sa Tertiary Division.

Hindi pa niya alam saan niya gugugulin ang bakasyong iyon. Hindi rin kasi siya pwedeng bumyahe muna sa morgor world dahil hindi pa siya pinahihintulutan. Kaya napagdesisyunan niya na kung saan man magbabakasyon ang mga kaibigan niya ay makikisuyo na lang siya na sumama sa mga ito.

At mukhang sa masinsinang usapan nina Azrielle, Sean, at Dardy--ang tatlong utak ng lumalaki nilang barkadahan--ay may niluluto na na plano ang mga ito.

Excited na rin si Verdandi dahil ibig sabihin niyon makakapunta siya sa ibang lugar na hindi pa niya napupuntahan. At magkakaroon siya ng pagkakataon na malibot ang Atlantis.

Noong dinner party ng ikatlong araw ng final exams ay hindi naman inaasahan nina Verdandi ang sorpresa para sa kanila. Pinapunta ang mga parents, mga mahahalagang bisita mula sa High Council, pati na mga nobilities para ipagdiwang ang pagbabalik ng kapayapaan sa Academy pati na ang pagkakaligtas ng buong kontinente. Nalaman din nila na balak sanang ipasara ang paaralan dahil sa laki ng gulong nangyari ngunit pinagdiinan ni Professor Alderheid na kaya nailigtas ang Atlantis dahil sa mga magigiting na mga estudyante at propesor na produkto ng Academy, na handang ialay ang mga buhay nila para sa ikabubuti ng mga nakakarami.

Binigyan lang naman kasi ng parangal ang lahat ng mga lumaban at nagtanggol sa Academy noong araw ng pag-atake nina Cronus. Isa-isang tinawag ang pangalan ng tatlong propesor na namuno sa pakikipaglaban: sina Professor Ruvia, Professor Ravisolli, at Professor Steravnosky. Pinatawag ang mga ito sa stage at binigyan ng medalya. Hiyawan naman ang mga estudyante lalo na kay Professor Steravnosky na sinita rin sila pagkatapos dahil sa ingay. Natawa naman si Verdandi lalo pa't nakita niyang namula ito sa hiya pero tinikom din niya ang bibig nang mabaling sa kanila ang mga mata nito.

Sunod namang tinawag sina Azrielle, Dardy, Kaizer, Sebastien, Osiris, at Verdandi na binigyang parangal rin dahil sa kabayanihan nila. Binigyan lang naman sila ng special pins na may mahahalagang bato at gawa sa purong ginto, at nalibre rin sila ng pag-aaral sa Academy hanggang sa makapagtapos sila, na may kasama pang ibang incentives. Pumunta rin sila sa stage para parangalan at nagsipalakpakan naman ang mga tao lalo na ang mga kaibigan nila.

Hindi naman inaasahan nina Ghost Girl, Hapi, Lamia, Sean, Emi, Jareid at Lissa na pati sila ay bibigyan ng parangal para sa mga tulong nila sa likod ng mga eksena. Para sa mga tulong na binigay ni Ghost Girl kina Verdandi at Professor Alderheid ay binigyan ito ng espesyal na medalya. Ginawaran pa ng apprenticeship ni Professor de Aulish para lalong mahasa ang mga kakayahan nito. Kahit na hindi naman talaga tumulong si Lamia ay binanggit nila na ang mga gamit na dala nito ang siyang naging susi para mailigitas si Professor Steravnosky, at makapasok sila sa kastilyo. Inis namang napasulyap lang si Lamia sa kanila. Habang si Lissa ay hindi maintindihan kung bakit pati siya ay nasali. Kaya naman ay magugulat sila sa sunod na sinabi ni Professor Alderheid.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon