[21] Soul Splitting Curse

5.4K 232 97
                                    

Kung may mga explanations pong mahirap intindihin, feel free to ask it below. Medyo nahirapan din po akong ipaliwanag ito, pero ginawa ko po ang makakaya ko. Sana di niyo ako paslangin dito.

Siya nga pala, ang mga pictures na nasa taas ay: 1., ang Eastern Fobidden Tower; 2., si Enrico Romagna; 3., at si Hapi noong bata pa siya. 😁😁😁 Enjoy! At salamat po sa mga nagbabasa pa hanggang ngayon, hehe.

EPISODE 21
Soul Splitting Curse

Sa ilaw na nagmumula sa nakapalibot na apoy ay nakita ni Verdandi ang pangil sa mga ngipin ni Hapi. Alam niyang wala itong nga pangil noon. Animo'y lumiliwanag na parang brilyante ang mga mata nito--nag-aapoy at pulang-pula. Habang nakatitig siya sa taong nasa harap niya ngayon, ay di niya maiwasang makadama ng takot.

"Hapi," aniya na di pa halos maproseso ang mga nangyayari. "Hapi--"

"Blah, blah, blah, blah," nababagot na sabi nito. Tinuro nito ang sarili. "Sinabi ng hindi nga ako si Hapi. Ako, si Rilley."

Umiling siya na hindi naniniwala. Ngunit tumawa lang ito na parang baliw.

"Ah. Kung ganun, di mo pala alam ang tungkol sa akin. Nakakalungkot naman," nakuha pa nitong umiling-iling, pero ang totoo'y naaaliw ito sa nakitang pagtataka sa mukha niya. "Dami pa rin palang tinatago sa'yo ng mga kaibigan mo, 'no? Ah--di bale. Malalaman din naman nila mamaya na nagbalik na ako."

Tinalikuran siya nito at pinuntahan ang lambat kung saan nito kinulong sina Marcus at Bridgit. Napansin ni Verdandi na wala na palang malay ang dalawa. Binuhat ni 'Hapi' ang kakaibang lambat sa balikat nito gamit ang isang kamay.

"Oy." Lumingon ito sa kanya. Nakaupo pa rin siya sa lupa na gulong-gulo pa rin.

Lumapit si 'Hapi' kay Verdandi. Gamit ang isang daliri ay itinaas nito ang baba niya. Nagkatitigan sila sa mata.

"Sabihin mo kay Azrielle ang nangyari. Tapos sabihin mo," inilapit ni 'Hapi' ang bibig nito sa tenga niya at bumulong. "Pumunta siya sa  Forbidden Tower sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi--susunugin ko 'tong dalawa. At baka hindi na niya makita ang lampang si Hapi kahit kailan. Naiintindihan mo?"

Sa takot ay napatango na lang si Verdandi. Hindi niya alam kung bakit ibang klase ng kaba ang nararamdaman niya.

Ngumisi ito na klarong-klaro ang matatalim na pangil. Pagkatapos ay  hinaplos nito ang mukha niya. It felt weird, it felt scary; lalo na't ang mukha ni Hapi ang nakikita niya ngunit waring ibang tao na ang kaharap niya ngayon. Parang kunsinong demonyo ang sumapi sa kaibigan niya.

Hindi na niya ito kilala.

"Bilisan mo, babaeng Morgor. Hindi gaya ni Hapi," anito na tumayo. Biglang sumkilab ang isang apoy sa paligid ng katawan nito. Habang unti-unti itong nilalamon ng sariling apoy ay ngumisi ito. "Wala akong pasensya."

Pagkatapos ay tuluyan na itong naglaho sa apoy kasama sina Marcus at Bridgit.

Naiwan naman siyang sindak at nakatulala pang nakaupo sa damuhan. Hindi pa rin niya maintindihan ng buo ang nangyari. Ano bang nangyayari kay Hapi? Anong gagawin nito kina Marcus at Bridgit? Higit sa lahat, sino si Rilley?

Ano si Rilley?

Nasa ganoon siyang kalagayan nang may marinig siyang patakbong mga yabag papunta sa kanya.

Lumingon siya at nakita si Sebastien Stingrein. Nang makita nito ang apoy at mga bitak sa paligid ay nasindak din ito.

"A-anong nangyari dito?" Tanong nito sa kanya. "N-nasaan sila?"

Sa abot ng makakaya niya ay kinwento niya dito ang nangyari.

Nagdilim ang ekspresyon ni Sebastien. "Siraulo talaga magkapatid na 'yon," anito na napahilamos sa mukha. Nagpalakad-lakad ito na parang hindi alam ang gagawin. "Ang gumawa nito--si Rilley ba?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon