[62] Proving Identities

2.1K 114 38
                                    

EPISODE 62
Proving Identities

Kinakalikot ni Verdandi ang hawak na barya sa pagitan ng mga daliri. Nasa loob siya ng classroom at hinihintay nila ang susunod nilang guro. Nasa tabi naman niya si Kai--wala si Osiris dahil may meeting ang mga ito kasama ang iba pang school representatives.

Nakatanaw siya sa labas ng bintana habang nilalaro sa isang kamay ang barya na nahulog mula sa folder ng dapat sana'y kinalalagyan ng mapa. Malakas ang ulan ng nyebe sa labas.  Kahit Lunes ng umaga ay napakatahimik ng paligid.

Inikot ni Verdandi ang kanyang paningin sa loob ng classroom. Ang usual magulo at maingay nilang klase ay nababalot na naman ng katahimikan ngayon. Lalo pa't wala ang isa sa numero unong pasimuno ng kalokohan sa klase.

Tiningnan niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Ghost Girl.

Sean... aniya sa kanyang isip.

TWO DAYS AGO

Hindi niya alam kung dapat ba silang sisihin sa nangyari dito, dahil nasadlak lang din naman ang kaibigan nila sa nangyari dahil sa kagustuhang pagtakpan sila sa ginawa nilang pagtakas sa Academy. Nagtagumpay nga sila sa kanilang ginawa: nakaalis sila at nakabalik nang walang naghihinala sa nagawa nila, ngunit napahamak naman ang isa sa kanilang kaibigan.

Well, sino ba namang mag-aakala na nang dahil lang sa munting stunt na ginawa nito ay mapapahamak ito? Sanay naman ito sa kapahamakan at sadyang matigas ang ulo nito, pero hindi talaga nila inasahan ang nangyari. Kahit ang partner-in-crime nitong si Dardy ay nagulat sa kinahinatnat ng brilliant plan nila.

Nagawa nga nilang ilayo si Professor Steravnosky sa crystal ball kung saan nito minamatyagan ang mga kilos nila, pero sa paraang hindi nila plinano.

Noong araw na tumakas sila papuntang Archivium, ay gumawa naman sina Sean at Dardy ng stunt para maibaling ang atensyon ni Steravnosky sa kanila. Pumunta sila sa Forbidden Tower na nasa Bordering Woods nang pasikreto, ngunit pagdating roon ay sinadya nilang ibuko ang mga sarili nila para sila mahuli ng mga gwardya at dalhin kay Steravnosky para sa isang disciplinary action. Ngunit nagbackfire ang plano nila. Pagdating nila sa Forbidden Tower ay inatake sila ng kung anong nilalang na sinugod ang gwardya at pati na si Sean na nandoon. Nakatakbo si Dardy ngunit lingid sa kaalaman nito ay bumalik si Sean para tulungan ang isang gwardya roon na hinihila ng isang nilalang papunta sa isang butas. At pagbalik nila, nakahandusay na si Sean sa tabi ng Forbidden Tower ngunit halos wala ng buhay. Wala na rin ang psychus nito. At putlang-putla ang katawan kagaya ng nangyari kina Enrico at Lissa.

Wala na rin ang butas. At wala na ang nilalang.

Dinala si Sean sa infirmary ng Academy at ngayon ay nakahiga na ito katabi ng mga kama ng iba pang mga nabiktima. Pagbalik nina Verdandi nang hapong 'yon ay dumiretso sila sa dormitory para lang makasalubong si Azrielle at sinabi nito ang nangyari. Namutla si Verdandi nang marinig iyon, at dali-dali silang dumiretso sa infirmary para tingnan ang kalagayan nito. Natagpuan nila doon si Dardy na nakaupo sa tabi ng kama nito at sina Professor de Aulish at Professor Steravnosky na pinagsasabihan ito. Nang makita naman ng dalawang propesor sina Verdandi ay halos magwala ang puso niya sa kaba, ngunit laking gulat niya nang hindi man lang sila pinagalitan nito. Sa kabila nang nangyari ay hindi pala binunyag ni Dardy ang totoong dahilan kung bakit nila ginawa ni Sean 'yon.

Ang sinabi lang nitong dahilan ay gusto lang daw ng dalawa na sila mismo ang makahuli sa halimaw na umaatake sa Academy. Pinaniwalaan din naman 'yon ng mga professor at di man lang pinagdudahan. Ang previous records nina Sean at Dardy bilang pambansang troublemakers ay sapat na para sa mga propesor.

Nang makaalis sina Professor de Aulish at Professor Steravnosky ay nilapitan nilang magkaibigan si Dardy.

"Dardy," ani Verdandi tumakbo papunta sa kaibigan, saka ito niyakap. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. "Ayos ka lang ba?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon