[64] Unleash the Power Within

2.9K 121 30
                                    

EPISODE 64
Unleash the Power Within

See the truth through Apollo's eye
To pass through the labyrinth of time...

Paulit-ulit na binasa ni Verdandi ang mga salitang 'yon sa papel niya. Noong isang araw ay nagkasundo sila na kopyahin ang mga salitang 'yon sa papel at susubukan nilang i-decode 'yon. Nakiusap na rin si Verdandi kay Rummstein na siya na ang magtago sa mga barya. Pumayag naman din ito dahil memoryado naman daw nito kung anong nakasulat doon.

Hanggang ngayon ay di pa rin niya alam anong ibig sabihin ng mga salitang 'yon. Argh, para namang madali talagang i-decode 'to, aniya sa sarili. Hindi pa rin niya nasasabi ang tungkol dito kay Osiris. Maghahanap na lang siya ng tyempo para kausapin ito. At least, katulong naman niya sina Rummstein at Hapi sa pagdedecode.

"Verdandi."

Napaangat naman ng tingin si Verdandi mula sa binabasa at tiningnan ang pinto ng kanilang dorm room. Pumasok si Azrielle. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa pinto ng kanilang silid.

Pasimple naman niyang tinago ang barya sa kanyang bulsa at nginitian ito.

Tiningnan naman siya ni Azrielle ng seryoso. Hindi alam ni Verdandi kung naghihinala na naman ba ito sa kanyang ginagawa, pero dasal lang din niya na hindi. Ayaw niyang magkaroon na naman sila ng pagtatalo nito.

"Nakalimutan kong sabihin kahapon na may training ka pala ngayon," anito. Napaawang naman ang bibig ni Verdandi sa narinig.

"N-ngayon talaga?" aniya. Kung kailan walang klase at libre akong makasama kina Rummstein para ipagpatuloy ang paghahanap sa kastilyo ni Kastamerr.

"Bakit, may gagawin ka ba?" tanong naman nito. Alanganin naman siyang umiling. "Kung wala ka naman palang importanteng gagawin, magkita tayo sa usual training hall natin sa Colliseum, alas dyes, mamaya. Okay?"

Tumango na lang siya. Nang nagpaalam ito at lumabas ay napabuga siya ng hangin. Ano pa bang magagawa ko? aniya sa sarili.

Pagkatapos naman niyang pinakain ang baby dragon niya ay naghanda na siya para umalis. Tumalon-talon na naman ito sa kama niya at gumulong-gulong. Bumubuga na naman ito ng sparks at steam at nagpupumilit na sumama sa kanya.

"Hindi ka pwedeng sumama. Baka magalit sa'yo si Azri," ani Verdandi. Ngunit mas lalo lang itong tumalon at umungol hanggang sa nahulog ito sa kama niya. Saka siya hinabol at kinagat ang suot niyang trousers. "Aish! Ang kulit mo! Sabi ng maiwan ka lang eh."

Nagpupumiglas naman ito habang kagat-kagat ang trousers nito. Matatalim na ang ngipin ng baby dragon niya kaya naman napunit ng kaunti ang suot niya. Hinila pa siya nito papasok at nag-growl pa ito sa kanya. Pinulot naman niya ito at inilagay sa basket.

"Babalik din ako," aniya at patakbong umalis sa kanyang silid. Ngunit kung inakala niyang makakatakas siya dito ay galit itong lumipad papunta sa kanya at dinamba siya diretso sa mukha. Napasigaw naman siya ng kaunti at natisod. Saka siya tuluyang natumba sa corridor.

"Ano ba!" aniya dito. Pilit niyang inalis ang baby dragon sa mukha niya dahil hindi na siya halos makahinga. Ramdam naman niya ang matatalim nitong mga kuko na halos bumaon na sa buhok niya. "Ang kulit mo naman eh!"

Naramdaman naman niya na may lumapit sa kanya at binunot ang baby dragon na nakasalmapak sa mukha niya.

"Di mo siguro siya tinitrain ng maayos," sabi naman ng isang pamilyar na boses.

Agad naman siyang napatayo at tiningnan ang bagong dating. Si Osiris. At as usual, nakasimangot na naman ito.

"Aga-aga, nakasimangot?" biro niya dito. Hindi naman siya nito sinagot at bagkus ay tiningnan lang ang nagpupumiglas na dragon. Pinagsisipa nito ang kamay ni Osiris. "Ano bang ginagawa mo dito?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon