[74] Heading Into The Storm

2K 100 34
                                    

Hi guys! Nabasa ko 'yung mga comments niyo noong nakaraang update. Alam niyo ba na nagpanic ako ng konti dahil di ko akalin na ganoon magiging reaksyon niyo? Libre magcomment o magrant sa comment section. Kung may expectations kayo na di na-meet o mga bagay na nalilito pa rin kayo, comment lang. Susubukan kong sagutin. *sabay lunok* At tungkol kay Kai, malalaman niyo na rin soon kung bakit ginawa niya lahat ng ginawa niya. Hindi talaga ako mahilig sa conventional villains eh hahahahahaha... Enjoy the rollercoaster ride. Please 'wag na kayo magalit pero talaga kung may gusto kayong sabihin go lang... 'Yung bagong cover parang promotional poster. Hayaan niyo na ako hahahahahaha feelers lang. Thanks ulit hahahahahaha at sana maenjoy niyo ang chapter!

EPISODE 74 BU
Heading Into the Storm

"Verdandi?"

Unti-unting minulat ni Verdandi ang kanyang mga mata at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Kahit na nanlalabo pa ang paningin niya at nahihilo pa siya ay pinilit niyang tingnan ang paligid. Nasa sarili siyang kwarto.

"Gising ka na."

Tiningnan niya ang taong nagsalita noon. Nang humarap siya ay nakita niya si Sebastien.

"Ikaw?" bulong niya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ako--"

Bumaha naman sa isipan niya ang mga alaala noong isang araw. Gusto niyang magsalita at sabihin sa mga ito lahat ng nangyari pero hindi niya alam saan magsisimula.

"Nakita ka namin sa kakahuyan noong isang araw. Gumagapang ka palabas,  may mga pasa at sugat ka rin," aniya. "Anong nangyari?"

Kahit hinang-hina pa ay kinwento naman niya dito ang lahat. Mula simula hanggang dulo.

"Kaya pala," anito naman. Sinikap naman niyang tumayo pero nanghihina pa siya. "Saan ka pupunta? 'Wag ka munang masyadong maggagalaw, baka bumukas ang sugat mo. Baka nakakalimutan mong sinaksak ka noong isang araw lang."

"May gagawin lang--teka." Natigilan naman siya nang mapansing hindi na pala niya suot ang damit niya noong isang araw. Tiningnan naman niya si Sebastien na may kasamang ngiwi. "H-hoy--"

Tumawa naman ito. "'Wag kang mag-alala, di ako ang nagbihis sa'yo. 'Yung kaibigan mo," anito naman.

"Sino sa kanila?" aniya na nilista pa sa utak sinu-sino. Kung sana nandito lang sina Emi o Syberria o bati sila ni Azrielle, sigurado siya na isa sa mga ito ang gumawa. Pero parehong wala ang mga ito ngayon.

"'Yung medyo emo," sagot naman nito. Nanlaki ang mga mata niya at nakarinig naman siya ng tikhim mula sa labas ng balkonahe. "Hindi si Grimmcaster, 'yung babaeng emo."

"Si Ghost Girl?" aniya. Tumango naman si Sebastien. Hinanap niya ang babaeng kaibigan at ka-roommate pero wala ito roon. "Nasaan siya? Tsaka may tao ba sa labas?"

"Ah, bumili lang ng pagkain. Tsaka 'yung lalaking emo na kaibigan mo ang nasa labas. Kahapon pa siya diyan, nagbabantay," anito.

"Kung gising ka na, aalis na kami," sabi naman ng boses ni Osiris sa labas. Napakunot-noo naman siya. Alam niya minsan umaandar ang kasungitan nito pero parang lumamig na naman ang ugali nito gaya dati.

"Grimmcaster," ani Sebastien sa malamig na boses. Sumilip naman si Verdandi. Nakita niyang tumigil ito sandali habang nakahawak ito sa railings ng balkonahe. "Sa oras na may gawin ka sa kanya, sa akin ka mananagot. Pakiusap lang."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa silid. Saka sumagot si Osiris. "Hindi ako tanga, Stingrein," anito. "At pakisabi diyan sa kaharap mo na 'wag ng kikilos ng mag-isa dahil sa susunod, baka wala ng humila sa kanya mula sa kapahamakan."

'Yon lang at tumalon na ito at umalis. Nabigla naman si Verdandi doon. Hindi niya inakala na isang iglap muling babalik sa dati ang pakikitungo nito sa kanya--at mas malala pa.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon