[65] Soul Binding Spell

2.5K 116 30
                                    

For best effects, play the multimedia above lalo na pag nasa may dulo na kayo. Thanks. At enjoy!

EPISODE 65
Soul Binding Spell

"Soul Binding Spell? Ano 'yun?"

Nakatayo pa rin sila ni Azrielle sa gitna ng hall. Solo pa rin nila ang hall at walang ibang taong naroroon. Naghalukipkip naman si Azrielle sa harap niya.

"Pero teka lang--bakit parang pamilyar ang tunog niyon? Soul Binding--" ani Verdandi na nagpalakad-lakad. Parang narinig na niya kung saan ang mga salitang 'yon. Pero parang may iba rin doon. Napapitik naman siya ng mga daliri nang may maalala. "Ah! Soul Splitting Curse! Ah--iba pala 'yon, 'yun nga pala 'yong sumpa na hinahati ang kaluluwa ng isang tao."

Tumawa naman siya ng kaunti.

"Pamilyar siya pakinggan dahil, ang Soul Binding Spell ay kabaliktaran ng Soul Splitting Curse," ani Azrielle naman. "Pero kung doon hinahati at tinatago ang kaluluwa ng isang tao, ang Soul Binding Spell naman ay nag-uugnay ng kaluluwa ng dalawang tao. Dalawang tao ang kailangan sa spell na ito."

"N-nag-uugnay ng dalawang kaluluwa?" ani Verdandi. "Paano 'yon?"

"Bale, ganito: ikaw ang may-ari ng katawan, tapos sasanib sa'yo ang isang tao para ma-combine ang mga lakas at abilidad niyo," ani Azrielle. "Parang ganoon."

"Para kayong magsasanib-pwersa?" marahang sabi naman ni Verdandi.

"Malapit doon. May sasanib sa isa sa inyo sa katawan ng isa pa, tapos pwede mo ng gamitin ang kapangyarihan ng taong sumanib sa'yo," anito. Tumango lang si Verdandi. Muli siyang umupo habang nakatayo pa rin si Azrielle sa harap niya. "Ito ang spell na dapat mong matutunan dahil magiging malaki ang tulong niyon sa'yo. Kaya lang, ang totoo niyan, nagdalawang-isip din talaga ako kung dapat mo bang matutunan 'to."

"Bakit naman?" usisa niya.

"May kaakibat kasing panganib ang Soul Binding Spell. Kapag capable na ang katawan mo na tumanggap ng soul bound, or ibang tao para makipagsanib ng katawan, pwedeng magamit 'yon para manakaw ang katawan mo," anito. "'Wag mong kalimutan na dahil sa maraming psychus energy na meron ka, posible nang matamo ang godhead. Ibig sabihin, magiging makapangyarihan ka na. Delikado 'yon. Buti na nga lang talaga at hindi ka isang vascillux."

"May tanong ako," aniya. Tumango naman si Azrielle. "Kung gagamitin natin ang Soul Binding Spell, sino naman ang pwedeng maging kasanib-katawan ko? Ako 'yung isa, sino 'yung isa?"

Natahimik naman si Azrielle na nag-iisip. "Pwedeng kahit sino. Basta isang vascillux."

"Kung ganoon, halimbawa ang sasanib sa akin ay isang vascillux na may patron deity, posible bang--" Napalunok si Verdandi. "Matamo namin ang godhead?"

Nanlabi naman si Azrielle. Saka marahang napatango.

"P-pero, tulad ng sinabi mo, delikado 'yon," ani Verdandi.

"Aaminin ko na oo. Pero, naisip ko din kasi na sa panahon ngayon, masyado ng mapanganib. May mga vascillux na may patron deities, na naghahanap ng paraan para makamit ang godhead nila," ani Azrielle. "Hindi natin alam, baka dumating ang araw na magiging banta sila sa buong Atlantis. Kaya mo kailangang malaman ang spell na ito, Verdandi. At kapag dumating man 'yon, baka ikaw na lang din ang magiging pag-asa ng lahat. Ikaw lang ang pwedeng lumaban sa kanila. Gamit ang Soul Binding Spell."

Napaawang naman ang bibig ni Verdandi sa sinabi nito. Hindi naman niya inasahan na may malaki na palang responsibilidad na maaaring iatang sa balikat niya. Maliban sa pagiging queen.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon