[72] That Fateful Day Part 2

1.4K 64 26
                                    

EPISODE 72
That Fateful Day Part 2

Kung akala nila ang protege apprenticeship at rejection ni Syrius na ang pinakamalaking balita noong buwang 'yon ay nagkakamali sila.

Dahil ilang araw lang mula nang mangyari 'yon ay parang sumabog ang eskwelahan sa balitang kumalat: nakipagkasundo na ang Foirdoris sa gobyerno ng Atlantis. At ang isa sa mga kundisyon ng mga ito ay ipasok sa paaralan ang tagapagmana at prinsipe ng kanilang kaharian, si Kaizer King-Croix.

"Ui, Azrielle!" tawag ni Sebastien mula sa labas ng bintana ng girl's dormitory. "Gising! Bilisan mo! Gising na! Gising na, Azrielle Morrigan!"

"Bakit ba?" sabi ng inaantok na boses mula sa loob. Binuksan nito ang bintana. Kinukusot pa nito ang mata at nakasuot pa ito ng pajama. "Ang aga-aga eh. Natatae ka na naman ba o nakalimutan mo na namang kumain kagabi?"

"Siraulo, bumaba ka na diyan!" aniya. "Bilisan mo nga! Magbihis ka na o aakyat ako diyan at bibihisan kita!"

"Ano bang meron ha?" ani Azrielle. "Kung minamanyak ka umagang-umaga maghanap ka ng ibang mapaglalabasan ulol."

Napikon siya bigla. "Hoy kung ikaw na nga lang din ang gagalawin ko magpapakuwan na lang ako sa pugita."

"Inaasar mo ba ako, huh?!" ganti nito. "Hoy hinding-hindi ko rin ibibigay sa'yo first time ko gago. Ano ba kasi talagang kailangan mo?"

Sasagot pa sana siya sa banat nito pero minabuti niyang 'wag na lang kasi wala rin namang patutunguhan. Kinalma niya ang sarili bago nagsalita. "Ngayong araw na darating ang mga King-Croix mula sa Foirdoris."

Nagising din ang diwa nito sa wakas. "Joke ba 'yan?"

"Pupunta ba ako dito ng ganito kaaga kung nagbibiro ako?" inis na sabi niya. "Bilisan mo. May welcome parade doon sa academy area natin."

"Hintay," anito at pumasok ulit sa loob.

Pagkatapos nitong maghanda at magbihis ay tumalon ito mula sa second floor at sumama na sa kanya. Suot-suot ang kanilang cloaks ay madali silang naglakad papunta sa academy area ng secondary division. Hindi ito kasinglaki ng sa tertiary division ngunit isa rin itong kastilyo na may malawak na lawn sa harap at sa likod naman ay ang karagatan.

"Akala ko ba di na matutuloy ang kasunduan sa pagitan nila at ng High Council ah?" ani Azrielle naman na hinigpitan ang cloak sa sarili. Mahamog noong araw na 'yon na at makulimlim ang kalangitan na para bang may nagbabadyang bagyo.

Kung si Sebastien ang tatanungin hindi magandang pangitain 'yon.

"Nagbago ang isip nila," sagot niya.

"Psh. At bakit daw? Lumuhod ba ang mga duwag ng High Council sa kanila?"  anito naman. "Kapag ginawa nila 'yon mawawala na ang katiting na respeto kong naiwan para sa kanila. Ano bang kinakatakot nila, 'yung totoo? Isang kaharian lang ang Foirdoris tapos lahat ng mga kaharian dito maliban sa kanila ay sakop ng High Council."

"Di ko alam," ani Sebastien. Dumilim ang mukha niya nang may maalala. "Pero 'wag mong kakalimutan. Sila ang dahilan ng pagguho ng isa sa pinakamalaking kaharian dito."

"Oo. 'Yung pinanggalingan mo, syempre," anito naman. "Mga traidor sila eh."

Nakarating na rin sila sa kumpulan ng mga estudyante na nanonood sa gilid ng kalsada at may dalang flaglets at banners. Ang iba, may simbolo ng High Council at tatak ng Academy, habang ang iba naman ay may sagisag ng Foirdoris.

"Ang tagal niyo naman dumating," ani Dardy nang makita nila ito kasama ang iba pa nilang kaibigan at mga kaklase. "Kanina pa dumaan ang mahal na prinsipeng initsa mula sa kawaling puno ng kumukulong mantika. 'Yung magarang tinted na sasakyang 'yon, nandoon siya."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon