[8] Harry Phillip and The Order of the Pee-nix

8K 321 124
                                    

EPISODE 8
Harry Phillip and The Order of the Pee-nix

Mula sa loob ng cabin nila ay dinig na dinig nila ang kulog at hampas ng alon sa gilid barko. Hindi na alam ni Verdandi kung ano nang nangyayari sa labas, pero kanina lang ay naramdaman niya ang pagbulusok nito pababa--tanda na nilamon na ito ng vortex. Napatili pa siya nang mangyari 'yon. Akala kasi talaga niya ay mamatay na siya.

Kanina, nang tumindi na ang hagupit ng hangin (at nilipad na nga ang suot na sumbrero ni Azrielle) ay naging hudyat na 'yon ng pagpasok nila sa loob. Hindi naman na-orient si Verdandi na automatiko palang sinasarhan ang buong barko ng isang protective metal cover. From a cruise ship, naging isa na itong submarine.

Muntikan pa silang masarhan nito dahil sa katigasan ng ulo nila. Sinabi na ngang bawal nang lumabas, lumabas pa sila. Kaya ang nangyari, basang-basa na nga sila, muntikan pang naiwan si Hapi sa labas. As usual, nahuli na naman ito kanina sa takbuhan at nadapa pa sa sundeck, kaya hinila pa nila ito papasok sa cabin nila.

"Saan ka ba pinaglihi Hapi at parehong kaliwa yang paa mo?" Sabi ni Sean sa kanila. Si Hapi nama'y nanlabi na lang sa pang-iinis nito.

"Side effects of his psychus, brother." Ani Dardy na napabungisngis. "Para namang di ka na nasanay kay Hapi. Buti na lang talaga nakapasok pa tayo o baka--"

"Naging pagkain na tayo ng mga sirena." Pagtatapos ni Hapi ng pabulong. "Pero si Sean magiging seahorse-food."

Nagtawanan naman sina Sean at Dardy sa ganting banat ni Hapi. At maya-maya pa'y nag-aasaran na naman sila.

Nasa mini drawing room sila ngayon at pinapainit ang mga sarili. Maginaw din kasi talaga at kanya-kanya silang balot ng sarili nila sa kumot. Sa harapan nila ay may nilagay si Hapi na light-and-heat emitting lamp kaya doon sila nagpainit. Umiinom pa sila ng hot chocolate drink na nakita naman ni Azrielle sa pantry.

Kanina pa din tulala si Verdandi na di pa ma-proseso ng tuluyan ang mga nangyari. Totoo ba talaga yung nakita niya kanina? Kung hindi niya nakita kanina ang deadly whirlpool at mga higanteng halimaw na sina--sino nga ulit 'yon? Charybdis at Scylla--baka iisipin niya pang pinagtitrpan lang siya nila Sean at Dardy. Hindi ba siya nanag-inip? Kanina pa niya pinipisil ang mukha at balat niya--pero walang nangyayari. Nasa dimly-lighted cabin pa rin siya, at hindi panag-inip ang lahat.

Baka naman nababaliw na ako...

Ano nang gagawin ko? Tanong niya sa sarili. Gusto niyang maiyak pero wala namang luhang lumalabas sa kanya.

"Huy, Dandi. Okay ka lang?" Untag sa kanya ni Azrielle. Marahan naman siyang tumango at hinigop ang sarili niyang tsokolate. "Hayaan mo. Uh--gagawan natin ng paraan 'tong nangyari. Pasensya na talaga."

"Nagmamadali naman tayo kanina kaya aksidente lang 'yon. Pasensya na rin at nadamay pa kayo nang dahil sa akin." Aniya naman at pilit na ngumiti.

"Verdandi, wag ka na lang kayang umuwi? Pumasok ka na lang kaya sa Academy namin at dun ka na lang mag-aral din. Andito naman kami eh." Sean suggested with a grin.

"Oo nga. I bet you'll enjoy your stay here." Dagdag naman ni Sean. "Wala namang nakakaalam na hindi ka isang Vascillux diba?"

Napatingin naman silang lahat sa kaniya, maliban kay Azrielle na hinahati-hati ang cookies nito. Wala naman siyang maisagot.

"There's only one thing bothering me though. Kung sana na-swapped din ang documents niya, hindi sana tayo mahihirapang ipuslit siya sa school. Kasi by default, mae-enroll na siya." Ani Azrielle. "Pero, see? Paano siya ma-eenroll kung wala siyang seal pin at documents?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon