[34] The Pauper Prince

5.8K 241 133
                                    

Hello guys...! Isang buwan din akong nawala, pasensya na talaga. Busy lang kasi talaga at marami pa akong inaayos kaya di pa ako nakakapag-update. Sa mga matyaga at mabubuting taong naghihintay pa rin ng UD dito, maraming-maraming salamat. Binabasa ko lahat ng comments at messages niyo, kahit di pa ako nakakapagreply agad. Sa mga nagbabasa pa hanggang sa ngayon, salamat. Pasensya na kung medyo sabaw ang update ngayon haha... Tsaka medyo mahaba talaga siya hehe... Vid sa taas Basta Boi by Alfons, pang-soundtrack lang. Thanks ulit. Enjoy!

EPISODE 34
The Pauper Prince

Ilang araw bago ang Academy Festival ay binigyan sila ng adviser nilang si Professor de Aulish ng isang oras para magpulong kung anong gagawin. Lahat naman kasi ng sections ng mga first years ay gagawa ng booths. Kaya abala ang maraming estudyante sa paghahanda para sa mahalagang okasyon na iyon.



Ang Academy Festival ay tinataon tuwing first week ng November kung kailan ang anibersaryo ng eskwelahan. Nagkakaroon ng maraming kasiyahan at kadalasan, ay binubuksan ang Academy para sa mga bisita, outsiders at pati na ang mga mag-aaral sa lower two divisions. Kaya lang, nang dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo, ay mas naging mahigpit na ang seguridad sa mga papasok.



Pero para sa mga Atlantians, walang makakapigil sa kanilang maghanda para sa festival.



Ang sabi ni Sean, tanging mga taga-Tertiary Level lang ang gumagawa ng mga booths. Mas maraming events sa Tertiary Level kumpara sa lower two levels. Dati daw kasi, halos puro games at competition lang ang ginagawa nila. Ngayon, may cheerdance, may tournaments, sports competetions, at iba pa. Kaya maraming mga first years ang excited para sa isang linggong festival.



Nag-meeting ang buong klase nila kung anong gagawin. Nababahala na si Verdandi at ang iba pa nilang mga medyo matitinong classmates na isang araw na lang at wala pa silang booth. Habang ang ibang section ay abala na sa pagtatayo at pagpaplano ng kanilang booths.



Narinig pa ni Verdandi ang isang taga-kabilang section na nag-uusap habang nagtatayo sila ng booth:



"Hindi tayo pwedeng magpatalo sa kanila no," sabi pa ng isang babae sa kanyang mga kaklase. "Kahit mga malalakas ang psychus nila o mayayaman sila, hindi dahilan 'yon para di tayo mag-effort. Kapag nanalo tayo ngayong taon, hahangaan tayo ng buong Academy!"



Nag-cheer pa ang mga kaklase nito. Hindi na kailangan pang hulaan ni Verdandi kung sinong section ang tinutukoy nito. Siyempre, sila, ang Class I-137.



Naiinggit nga siya sa kanila dahil ang nag-ko-cooperate silang lahat sa isa't-isa. Habang ang mga classmates niya...



"C-classmates, m-makinig na kayo, p-please," pagsusumamo ni Syberria Fernace sa harap nilang lahat. Kita na ni Verdandi ang maiitim na bilog sa ilalim ng mata nito. Hula niya ilang gabi na itong walang tulog sa pagpaplano sa magiging entry nila sa Festival. "C-classmates, mag-meeting na tayo, p-please? C-classmates--"



Ngunit walang nakikinig maliban sa kanya at sa iilang taong nandoon. Ang ingay nina Bridgit, Lamia at Eurynne sa likod na nag-uusap. Ganoon din sina Marcus at Kai sa likod--mukhang may pinagkakaabalahan ang mga ito. Nakikusyoso na rin ang iba nilang mga kaklase. Pati ang mga kaibigan niya, ay iba din ginagawa. Si Sean at Dardy ay may pinaprank na naman sa may bintana. Kahit si Emi ay kabunong-braso ang isa pa nilang kaklaseng si Naomi Jungi. Napailing na lang si Verdandi sa ginagawa ng dalawang babae.



Si Hapi ay nakaupo lang at napatakip sa tenga sa ingay.



"C-classmates, a-ano bang ibu-booth natin--" tawag ulit ni Syberria pero masyadong mahina ang boses nito para marinig nila. Nakatayo lang ito sa may board at hindi alam kung paano tatawagin ang atensyon ng iba.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon