[16] Opening Feast

6K 264 162
                                    

Sa mga nagbabasa pa hanggang ngayon, maraming salamat! Sana suportahan niyo pa rin ito hanggang sa huli. Sinubukan ko pong tapusin ang nobelang ito nitong Nobyembre parte na rin ng pagsali ko sa NaNoWriMo. (Sinong nakatapos diyan? Saludo ako sa inyo haha!) Nakaabot naman ako ng 50k, pero di ko talaga natapos ang kabuuan.

Thanks and enjoy! Siya nga pala, nasa Act II na tayo ng kwento. Ano nga ba ang meron sa Crowning Ceremony?

PART II:
The Crowning Ceremony

CHAPTER 16
Opening Feast

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang umaga ay naghanda na sina Verdandi para sa pagpunta nila sa Academy. Sa loob ng mga araw na nanatili siya sa Saidouth Inn kasama si Emilyana Deianira, ay mabilis namang nasanay si Verdandi sa pamumuhay doon. Namamasyal siya tuwing umaga sa buong Maia district at kabisado na niya halos ang pasikot-sikot doon. Kinahapunan naman ay dumadaan si Professor Ravisolli para tingnan ang kalagayan nila. Tuwing gabi ay tumatambay siya sa balkonahe, at dahil nakaharap ito sa isang malapad at malinis na kanal ay inaaliw niya ang sarili niya sa panonood sa mga turista at bangkerong dumadaan.

Para na rin siyang nakapunta sa Venice.

Pag hindi pa siya inaantok ay sinisimulan niya namang basahin ang mga aklat na meron sila. Kung may mga termino syang di maintindihan ay andiyan naman si Emilyana para ipaliwanag sa kanya iyon.

And speaking of Emilyana, mukhang tama nga si Professor Ravisolli sa pagsasabing weird ito.

Kinaumagahan paggising niya ay ganoon na lang ang takot niya nang makita itong nakatayo ito sa harapan niya at nakalapit ang mukha. Kaya napasigaw pa siya.

Napaatras naman ito at binunot ang isang pana at palaso sa likod nito. Laking gulat niya nang biglang lumipad ang isang palaso, at muntikan nang tumama sa mukha niya. Buti na lang sa headboard ito tumama.

"Sino ka?/Sino kang pangahas ka?" Sabay pa silang napatanong.

Nauutal naman siyang nagpakilala at saka pa nito binaba ang pana at palaso nito.

Pagkatapos ay laking gulat niya nang bigla itong yumuko. Yukong-yuko, na nakaluhod at nakalapat ang noo nito sa sahig.

Saka nito sinabi: "Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, binibining Verdandi. Ako nga si Emilyana Penelope Safiria mula sa angkan ng mga mandirigmang Deianira, isang Artemei. Karangalanan ko pong ika'y makatagpo at makilala."

Kahit na-wirduhan siya noong una kay Emilyana (na sa katagalan ay tinawag na lang niyang "Emi") ay nasanay din naman siya sa kakaibang personality nito. Maganda si Emi, may maamong mukha, mas matangkad sa kanya ng konti, naka-braid ang mahabang buhok ngunit sa kabila ng parang prinsesa nitong kagandahan ay kabaliktaran naman ang ugali ito. Para bang isa itong samurai na binuhay sa modernong panahon.

Magkaibigan nga talaga si Emi at sila Azrielle. Ngunit dahil nakatira lang si Emi sa isang bayang malapit lang sa Minora City ay hindi na nito kailangang sumakay ng barko. Kahit hindi madalas nagsasalita si Emi ay sumasagot naman ito ng magiliw at maayos kapag tinatanong: iyon nga lang, ay malalim ito kung magsalita.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon