[50] Forbidden Memories

3.8K 160 30
                                    

EPISODE 50
Forbidden Memories

"Wow..."

Napabuntong-hininga na lang si Verdandi dahil hindi niya maalis-alis ang mga kaklase niyang pumapalibot at manghang-manghang nakatitig sa dragon.

"Saan mo siya nakuha, Verdandi?" marahang tanong ni Syberria sa kanya. Kinuwento naman ni Verdandi ang nangyari kanina sa Bordering Woods dito. "Talaga? Ang galing naman--s-sana may ganito din ako."

"Ah kuchi kuchi kucheee," sabi naman ni Dardy na sinundot-sundot ang pisngi ng dragon. Bumuga naman ng steam ang dragon kaya napadaing si Dardy sa sakit. Binunot naman niya ang napasong daliri at hinihipan iyon. "Mana sa nanay. Amazona!"

Tumawa naman ng malakas si Sean at tiningnan si Verdandi. Inirapan naman ito ni Verdandi at binaling niya ang tingin sa baby dragon na tulog na tulog sa loob ng basket. Nilagyan niya na ito ng pinagpatong-patong na malambot na tela para higaan ng dragon. Naroon sila ngayon sa common room ng dormitory at tinitingnan nina Sean, Dardy, Hapi, Emi, Syberria, Ghost Girl at Osiris ang baby dragon niya.

"Anong ipapangalan mo sa kanya, Verdandi?" untag naman ni Hapi maya-maya. Kanina ay takot pa ito lumapit sa dragon pero ngayon ay parang bata itong nakadungaw sa basket.

Nalagay naman niya sa ilalim ng kanyang baba ang sariling kamay. "Hmmm," aniya na nanlabi. "Ano nga bang maganda?"

"Sunrise Melody Shine," sabi ni Sean. Napatingin silang lahat dito na parang nandidiri. "Bakit? Ang ganda kaya ng naisip ko."

"Mukhang brand ng panty, brother," sabi naman ni Dardy. "'Yung totoo? Nakuha mo 'yan sa mga pantyng sinilip mo no? Mas maganda kung Pamperince. Pampered Prince! Pamperince!"

Napanganga naman sila dito.

"Tunog brand ng diaper, brother. Ew," ganti naman ni Sean.

"Ang babaduy niyo pumili ng pangalan!" bulyaw ni Emi sa dalawa. Tumingin naman ito ng seryoso sa ere saka pumikit. Halos pagpawisan naman si Verdandi sa itsura nitong parang nagmemeditate. "Maharlika Patata. Pangalang nababagay sa kanya."

Nagkatinginan naman sina Sean at Dardy. Pati si Dandi ay napakagat-labi na nagpipigil na.

"Pffft--" sabay sabi nina Sean at Dardy. "M-maharlika--m-maharlika--patata? Patata?!"

Saka bumunghalit ng tawa ang dalawa. Pati ang iba pa ay di na napigilang matawa.

Kita naman ni Verdandi ang pamumula ni Emi at ang halos paglabas ng usok mula sa ilong nito. "Anong nakakatawa sa pangalang ibinigay ko? Kung hindi niyo alam, mga mangmang, ang Patata sa dayalekto ng aming angkan ay nangangahulugang 'marangal na mandirigma'! Kung ayaw niyo, 'di iba na lang!"

"Hellhound Dragonspawn."

Natigilan naman sila sa nagsalita. Nakatayo sa isang sulok at nakalagay ang kamay sa ilalim ng baba ay si Osiris Grimmcaster. Seryosong-seryoso ang itsura nito.

Nagkatinginan naman silang lahat at ramdam ni Verdandi ang biglaang pagbaba ng temperatura sa paligid. Napalunok naman si Hapi saka dahan-dahang tumago sa likuran ni Verdandi.

"Hindi ba maganda?" tanong naman nito bigla pero impassive pa rin as always ang ekspresyon sa mukha nito.

"Hell--'hound'. Mukha bang aso ang nasa basket na 'yan?" naiinis naman na sabi ni Verdandi. "At isa pa, masyadong mahaba ang pangalan na 'yun. Pwedeng maikli na lang, gaya ng--"

"Chinchan?" suhestyon naman ni Hapi. Nang tumingin silang lahat dito na may kanya-kanyang reaksyon ay tinaas naman nito ang dalawang kamay at winasiwas 'yon sa ere. "De, joke lang 'yun. Joke lang."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon