[47] Verdandi's Training

4.1K 184 24
                                    

EPISODE 47
Verdandi's Training

Nalalapit na ang First Trimester exams kaya mas dumarami na ang mga ginagawa ni Verdandi. Dahil unang taon niya palang sa Academy bilang "morgor-born transferee", marami pa siyang kailangang habulin. Ilang libro din ang binigay sa kanya ni Professor de Aulish tungkol sa Vascilluxian Science, at ni Professor Marci tungkol naman sa basic geography at kaunting history ng Atlantis. Basics lahat pero kung hindi siya makaka-catch-up ay baka babagsak siya sa exams. At kung babagsak siya, ayun pa kay Professor de Aulish ay:

"Ang First Trimester exams ang pinakamahalagang exam mo, Miss Fiametta. Dito natin malalaman kung nababagay ka na ba talaga sa Tertiary Division. Kung halimbawa, babagsak ka, wala na tayong ibang magagawa, Miss Fiametta kung hindi ibabalik ka namin sa Elementary Division."

At mabilis namang napailing si Verdandi roon dahil ayaw niya namang mangyari iyon.

Madalas ay tumatambay na siya sa library upang basahin ang gabundok niyang libro. Buti na lang at hindi masyadong nagpapakitaan ng psychus ang mga kaklase niya sa bawat subjects nila na related sa psychus control. Kung hindi ay mas lalo siyang kulelat.

Minsan, sinasamahan siya ni Hapi para mag-aral at malaki din ang tulong nito sa kanya. Nagsisilbi itong reviewer niya sa mga lessons na ginagawa nila. At dahil may mga ibang bagay pang pinagkakaabalahan si Hapi (lalo na at gusto nitong bumalik sa pagiging First Class student ulit) ay minsan si Emi ang tumutulong sa kanya na mag-review. Kaya nga lang, mas strikta ito sa pag-aaral at disiplinado kaysa kay Hapi. Nang minsan naman na mag-offer sina Sean at Dardy na tulungan siya sa kanyang pagre-review. Ngunit tulad ng inaaasahan niya, ay dinadala na naman siya sa kalokohan ng dalawa. Ayaw man niya ay natatawa siya tuwing ginagawang comedy ng mga ito ang pag-aaral nila tungkol sa geography ng Atlantis. Tawa pa rin sila ng tawa hanggang sa biglang natahimik ang dalawa. Nagtaka naman si Verdandi kung bakit at dahan-dahan siyang napalingon sa kanyang likuran, at tumambad sa kanya ang half-giantess na librarian nila.

"Kung hindi kayo tatahimik sa library ko, buti pa hanapin na ninyo ang daan palabas," angil nito sa kanila. Napalunok naman si Verdandi at humingi ng pasensya. Kaya mula noon ay tinatakasan na niya sina Sean at Dardy tuwing nag-aalok ang mga ito na samahan siya na magreview.

Hanggang sa di katagalan, ay si Verdandi na lang ang mag-isang pumupunta sa library dala-dala ang kanyang makakapal na mga aklat.

Malaki ang library ng Academy. Para itong sirkular na kwarto kung saan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na shelves na umabot ata sa isangdaan ay puno ng samu't-saring libro. Ang bawat kisame nito ay napupuno ng libro, at idagdag pa doon ang hilera ng mga matataas na shelves. May mga magical ladders din na gumagalaw at humahaba depende sa librong hinahanap mo. Sa ibaba naman, ay ang mga mesa kung saan umuupo ang mga estudyante o faculty na nag-aaral roon. Habang ang kisame naman ay parang langit: napupuno ito ng mga bituin at planeta na para nitong sinasalamin ang panahon sa labas.

At dahil pumapatak ng nyebe sa labas ay maambon at kulay abo din ang kisame ng library nila.

Naglakad si Verdandi sa gitna ng mga shelves na may hinahanap na libro. May assignment kasi siya tungkol sa Stygian Era na isa sa kailangan niyang pag-aralan. Bukod kasi sa mga major subjects niya na kinukuha niya ng sabay sa mga kaklase niya, ay meron pa siyang Preparatory Subjects na parang make-up lessons niya sa Academy. At kabilang na doon ang history.

"Nasaan na ba 'yun?" bulong niya sa sarili habang ini-scan ang mga gilid ng libro sa shelves. Nang di niya makita ang hinahanap na libro ay lumiko siya papunta sa kabilang shelves. Marahang sumagi ang mga daliri niya sa mga pabalat ng libro. "Saan kaya dito ang may kinalaman sa era na 'yon?"

"Hanapin mo ang 'The Rise and Fall of Herakles Kastamerr," sabi ng isang boses sa likuran niya.

Napalingon si Verdandi ngunit wala siyang makitang tao. Nagpalinga-linga siya hanggang sa nakita niya ang isang paa na nakausli mula sa kurtinang tumatakip sa ibabang bahagi ng mga shelves. Napakunot-noo siya sa nakita. May tao ba sa likod niyon?

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon