[25] The Olympians Part I

4.8K 216 16
                                    

Hello! Maraming salamat po sa mga nagbabasa hanggang sa ngayon! Pasensya na po sa matagaaal na updates, at kung minsan di na ako nakakapagreply sa mga comments. Kung may nagbabasa pa, salamat talaga. Paramdam naman po kayo sa baba o hehe...! Siya nga pala, sa taas ay ang pictures ng GIRLS ng CLASS I-137. ID pictures nila 'yan, gone wrong haha! Thanks ulit sa pagbabasa. Enjoy!

CHAPTER 25
The Olympians Part I

"Hindi ako magnanakaw!" ani Verdandi sa kanila Kai na hinatak ang kamay niya. Nakawala naman siya kay Kai. "Malinaw ang sinabi ko na wala akong alam kung paano napunta sa akin 'yan. Lamia, sabihin mo sa kanila 'yung totoo!"

Nagpatuloy lang si Lamia sa pag-iiyak-iyakan, at nakahawak pa rin ito kay Kai.

"Kung nakita nila sa'yo, bakit nagpapaliwanag ka pa? T-tayo lang naman ang magkasama kanina pa ah," sabi pa ni Lamia. "Akala ko pa naman, mabait ka Verdandi."

Ngunit noon ay nakita na ni Verdandi ang munting ngisi sa labi nito. Uminit naman bigla ang dugo ni Verdandi nang mapagtantong niloko lang pala siya nito. Sa mga oras na 'yon ay gusto man niyang sumigaw at sabunutan si Lamia ngunit pinigilan na lang niya ang sarili niya.

"Ihahatid ka na namin kay Professor Steravnosky, ano?" ani Kai. "Siya na ang bahala sa mga kagaya mo. Seryosong bagay ang ginawa mo, Fiametta."

Muli siyang hinawakan ni Kai sa braso at pilit na kinaladkad. Nagpumiglas naman siya, pero dahil malakas ito ay hindi pa rin siya tuluyang nakawala mula rito.

Nang isang mahinhing boses ang biglang nagsalita mula sa likuran niya.

"L-lord King-Croix, tama na 'yan!"

Nabigla naman si Verdandi nang may humatak sa kanya patalikod kaya tuluyan siyang nakalaya mula kay Kai.

Lumingon si Verdandi sa likod at nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Syberria Fernace. Syberria? Ikaw?

"Hoy, ulilang lampang nerd. 'Wag kang mangialam dito," singit naman ni Marcus. "Umalis ka na nga bago ka  madapa na naman ng walang dahilan. Lampa. Sino bang mag-aakala na may mas lalampa pa pala kay Inglesor?"

Nagtawanan naman sina Bridgit at ang babaeng may makulay na buhok sa tabi nito.

Para namang natakot si Syberria sa tinuran ni Marcus. Hinawakan nit ng mahigpit ang uniform niya, at raladam niyang bigla itong nanginig. Pero mas lalo namang umusbong ang galit sa loob ni Verdandi. Sumusobra na talaga ang mga taong ito.

"Porke't kasi malalakas ang psychus niyo at mula kayo sa mayayamang pamilya, ay ganyan na kayo makaasta," sabi niya sa kalmadong boses. Kalmado nga ang panlabas niya, pero kumukulo ang kaloob-looban ni Verdandi. "Tingnan lang natin kung makakatatawa pa kayo ng ganyan sa susunod. Dalhin niyo man ako kay Professor Steravnosky, siguro naman ay makikita niyang hindi kamay ko ang naglagay ng kwintas mo sa damit ko."

Sinalubong niya ng titigan ang bawat mata nila, at panghuli si Kai. Alam naman niyang pinagtitinginan pa rin sila ng mga tao sa paligid. Pagkatapos ay nagsimula na silang umalis ni Syberria doon, ngunit tumigil din siya sandali at nilingon si Lamia.

"At Lamia," aniya dito. Tumaas naman ng kaunti ang kilay sa maamo nitong mukha. "Sa susunod, galingan mo ang pagpi-frame-up sa akin. Ang saklap lang, kasi akala ko pa naman mabait ka."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon