[32.2] Dese Gretā Du Part 2

4.1K 233 24
                                    

Hello guys...! Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang sa ngayon, pati na sa votes, comments at sa lahat-lahat hehe... Uh, ano ba sasabihin ko talaga? Parang wala naman yata hehe... Two updates po ako ngayon dahil mahaba po kasi masyado ang chapter na ito haha... Sana nabigyan ko ng hustisya ang mga nilagay ko dito, at sana di magulo ang mga scenes diyan sa baba... Votes and comments are hughly appreciated pa rin po hehe... Video po sa taas, Beethoven Virus ang title, pang-soundtrack lang haha... Thanks ulit at enjoy!

EPISODE 32.2
Dese Gretā Du [Part 2]

"Ladies and gentlemen! At eto na po tayo sa huling labanan ng araw na ito, sa CDA class ng sectiong puno ng nagagwapuhan at nagagandahan dito sa Atlantis Academy, ang Class I-137! Live on SDH TV! On the red corner, with her two charioteers Marcus 'The Red Head Menace Hulk' Romagna, and Sebastien 'Mermaid Slayer' Stingrein, let's welcome, weighing less than a hundred pounds and eating an average of 10 meals a day, Azrielle 'Armored Gorgon-Eater Barnacle' St. Athemis Morrigan!"

Naghiyawan naman doon ang mga tao sa bleachers. Pati na ang mga taong nanonood sa labas ng gymnasiums, sa grounds at sa kanilang mga classroom, may ibang mga estudyante ang nakikinood sa labanan gamit ang iba't-ibang devices--mini LCD screens at pati na sa mga maliliit na bolang kristal. Maraming estudyante yata sa labas ang nakatutok sa dapat sana'y simpleng physical activity ng klase. Walang kaalam-alam ang halos lahat ng kaklase nila--pati si Verdandi--na may iba palang nanonood sa kanila.

Kanina. Pero ngayon, na-realize na rin nila. Pati na si Ruvia na naiiling na lang. Narinig na yata nito ang hilig ng mga Atlantians na manood ng laban ng may laban, at wala namang school rule na nagbabawal doon. Kaya ano pa bang magagawa niya? Basta lang di sila pumasok sa gymnasium, hahayaan na lang ito ni Ruvia.

"And, on the blue corner with her charioteers, Kaizer 'The Flash-light' King-Croix and Osiris 'The Undertaker' Grimmcaster, let's welcome, weighing so much pounds and punching everyone in sight, Anastasia Verdandi 'Power Bank' Fiametta!"

Muling sumabog sa hiyawan at sigawan ang mga excited na tao. Napa-facepalm naman si Verdandi. Last time they all checked, isang class activity lang ito, right? Ngayon ay parang isang full-blown na sabong na ito na may live-coverage pa nang dahil sa kalokohan nina--sino pa ba?

Matalim niyang tiningnan si Dardy na nakaupo sa bleachers at may hawak na microphone. Ngumiti siya ng sarkastiko at tinaas ang kamao. Lagot talaga ang dalawang ito at lahat ng kasabwat nito mamaya.

Kahit hindi na tingnan ni Verdandi ay hula niyang gnakakuyom na ang kamao ni Kai sa sobrang pagkapahiya. Dinig na dinig na nga niya ang pagbubulong nito ng, "pagbabayaran nila ito. Mga lapastangan. Mga lapastangaaan!" Pupusta si Verdandi na namumula na ito sa galit.

Dalawang koponan na lang silang naiwan doon sa arena. Siya, at sina Azrielle, at sa gitna nilang dalawa ay ang malapad-lapad na damuhan. May puno pa nga doon sa gilid na ngayon lang napansin ni Verdandi, at kung hindi lang sa bleachers sa itaas ay aakalain niyang nasa isang totoong battlefield talaga sila.

Nagkatinginan sila ni Azrielle at mukhang sabay pang napabuntong-hininga. Pero nang sabay ding mapadako ang mga mata nilang dalawa sa ribbons na nahulog ni Emi kanina sa sahig ay naalala nila kung ano ulit ang ginagawa nila doon. At sa isang iglap, walang pasabing tinakbo ng koponan nina Azrielle ang natitirang hakbang papunta sa ribbons para kunin 'yon--

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon