[73] The Trail He Left Behind, and The Path She Chose To Take

1.7K 89 57
                                    

EPISODE 73
The Trail He Left Behind, and The Path She Chose To Take

Humihingal at tumutulo ang pawis ay bumangon si Verdandi at napatingin sa bintana nila. Kakasikat pa lang ng araw. Napasandal siya sa headboard at napapikit.

Buti na lang. Nakaabot pa ako.

Nanginginig siyang tumayo mula sa kama at hinanap ang daan papuntang pantry. Gutom na gutom siya na para bang kagagaling niya lang mula sa mahabang pagtakbo.

Sandali niyang sinulyapan ang mga kama ng mga ka-roommates. Ganoon pa rin. Walang pinagbago. Bakante pa rin ang kama nina Emi at Syberria.

Nang tingnan niya ang kama ni Azrielle ay wala rin ito. Saan na naman kaya ito nagpunta? Habang si Ghost Girl naman ay tulog na tulog pa rin.

Pumasok siya sa pantry at naghanap ng makakain. Magluluto na lang siguro  siya ng mabilisan dahil kumakalam talaga ang sikmura niya. At hinang-hina talaga siya.

Ngunit nabigla siya nang makita ang mesa. May transparent na lagayan doon ng pagkain na puno ng mga sandwiches. Wala 'yon doon kagabi.

Nang tingnan din niya ang hot drink maker ay may laman 'yong mainit na tsokolate. Mukhang kagagawa lang ng mga 'yon. Sinubukan niyang hanapin kung may iniwan ba itong note doon. Usually kasi, nag-iiwan ito ng note sa kanila tuwing pinaghahanda sila nito ng pagkain at umaalis ito ng maaga. Pero wala siyang nakita. Kahit na sa ilalim ng mesa na inisip niya na baka inipit lang nito o nahulog lang doon.

Umupo na lang siya sa mesa at nagsimulang kumain. Inisip niya lahat ng mga nakita at nalaman niya kanina. Tama ba 'yung ginawa ko? tanong niya sa sarili habang kinakagat ang sandwich. Kahit na nag-away kami kagabi, ginawan niya pa rin kami ng agahan.

Napagdesisyunan niyang bibilhan ito ng sweet treats mamaya. Candy or mga pastries siguro. Para na rin makapagsorry at magkaayos na sila.

Inisip niya ang nangyari kay Syrius. Hindi niya inasahan na ganoon pala katindi ang nangyari. Akala niya, noong una niyang marinig ang usap-usapan na may namatay na sa Forbidden Tower ay simpleng aksidente lang ang nangyari.

Grabe, aniya sa isip.

Habang inalala niya 'yon ay may sumagi sa isip niya na imahe ng isa pang tao. Napailing siya. Binilisan na lang niya ang pagkain.

Kung anong nakaraan nila, kung ano mang gulo meron sila, labas na ako doon, aniya sa sarili. Pero itong kasalukuyan ngayon, kung nasaan ako, kaya sa ayaw ko man at sa hindi ay kasali na ako. Gagawin ko lang kung anong kailangan kong gawin, kung anong pwede ko pang magawa. Dahil hindi ako pwedeng tumunganga na lang. Lalo pa't--mayroon naman akong magagawa. Hangga't kaya ko. Susubukan kong gawin. Sa abot ng makakaya ko.

Ate Lissa. Emi. Syberria. Sean. Enrico. At silang lahat.

Ibabalik ko sila.

Tumayo siya at inubos ang tsokolateng nasa baso niya. Alam niya na anong dapat niyang gawin.

Mabilis siyang naghanda at nag-ayos ng sarili. Wala namang pasok ngayon pero may kailangan siyang puntahan. Ngayon mismo, habang hindi pa huli ang lahat para sa mga kaibigan niya at pati na rin sa buong Academy.

Kahibangan ang gagawin niya, pero wala ng atrasan.

Isinuot niya ang cloak at tahimik na lumabas sa kanilang dorm room.

Pagkalabas niya ng dormitories ay madali siyang naglakad sa daan papuntang Academy Area. Halos walang tao at kahit sumikat na ang araw ay makapal pa rin ang hamog at basa ang lupa, dala na rin ng ulan kanina. Halos wala siyang taong nakakasalubong o nakikita maliban sa ilang estudyanteng halos tumatakbo na at mga staffs na nanginginig sa lamig kahit ang kapal na ng mga suot na damit.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon