[38.1] Thrones and Roses Part 1

4.4K 203 42
                                    

Hello...! Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang sa ngayon... Pasensya na naman sa tagal ng update, nag-break po kasi ako sandali dahil sa dami ng ginagawa ko hehe... Pasensya na din kung medyo sabaw at medyo mahaba na naman ang chapter na ito, at medyo nahirapan din po talaga ako dito hehe... Siya nga po pala, artwork diyan sa taas ay gawa ni akirasmithsan. Arigatou gozaimasu, Akira-san! Akira has a porfolio in Wattpad where she posts her amazing artworks. Parang kilala niyo na kung sino ang mga nasa taas, hehe... Medyo mas matangkad nga lang si Kai diyan haha... Sa tingin ko wala nang atrasan sa Wattys to? Bahala na nga haha...! Thanka ulit at enjoy!

EPISODE 38.1
Thrones and Roses Part 1

Sa loob ng ilang minuto lang, ang walang kabuhay-buhay na lumang mansyon kanina ay naging isa ng Halloween-themed Fun House. Tumulong ang mga multo, at iba pang halimaw sa pag-decorate ng buong bahay at i-finalize ang dadaanan ng mga tao sa maze. Kapag nakalusot sila sa mga challenges, ay mapupunta sila sa Throne Room kung saan tatanungin sila ni Hades himself ng isang riddle. Kung hindi naman ay babalik sila sa isang level, gaya ng sa larong Snakes and Ladders. Ang mga mananalo ay may premyong nakahanda para sa kanila. Nanatili na rin ang mga multo sa kani-kanilang stations at gamit ang pinagsamang psychus nilang magkakaklase, at may costume na rin ang mga ito. Ang iba sa mga multo, ay di na halatang kaluluwa na lang pala.



Mahirap man kumbinsihin ang mga napapadaang bisita na pumasok sa kanilang booth, ay naengganyo na rin ang mga ito di nagtagal ang mga ito. Maliban kay Salistein na siyang in-assign ni Verdandi bilang accountant ng mga kita (dahil ayaw nitong magpakita sa publiko), halos lahat ng mga multo doon ay halos isang dantaon ng patay. Hindi naman sigurado si Verdandi kung may ideya ba ang mga tao na multo na lang ang iba sa mga doon at hindi ginawa sa pamamagitan lang ng psychus.



"Welcome, welcome, to Class I-137's deadly palace full of charm and dreams, the Palace of the Dead!" bati ni Sean sa mga dumadaang bisita, na natigilan nang makita ang nakakamanghang mansion. "Pumasok po tayo sa loob at tayo'y sumabak sa isang pakikipagsapalaran sa mala-maze nitong pasikot-sikot. Experience the thrill of going to the underworld and see the throne of Hades firsthand! Try to save your soul or be imprisoned there until someone saves you back. And I, the Prince of the Undead, Seanus Starkomirus, your boatman and your own Virgil, shall be your guide."



Nang yumuko naman ito sa audience, ay nagpalakpakan pa ang mga tao sa labas at excited na pumila sa ticketing booth para makabili ng one-way ticket to the gloom, sabi pa ni Sean.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon