[14] Vessel of the Gods

6.6K 273 91
                                    

Si Pein mula sa Naruto ang nasa itaas. 'Yan ang inspiration ko sa fashion style ni Kai. Dejowwwk hahahahaha. Pero siyempre, yung piercings lang ang parehas sa kanila; hindi sila magkamukha. May rason nga din pala bakit mayroon siyang piercings sa katawan. Watch out for it! Pero pwede niyo din namang hulaan hahahahaha.

Trivia: May 21 piercings si Kai sa kanyang katawan. 20 ay visible. Ngayon hulaan niyo saang parte ng katawan EXACTLY nakalagay ang ika-21 piercing? Ang unang makakahula ng tamang sagot ay may flood votes haha! Magpi-PM ako sa makakatama.

Intended po talaga as fantasy-adventure-shonen series ang AAGG.
Okayyy tama na daldalan. Salamat sa pag-abot sa chapter na ito!

CHAPTER 14
Vessel of the Gods

Sa sinabing iyon ni Kai ay uminit naman ang dugo ni Verdandi bigla. Lalo na at ngumiti pa ng nakakaloko ang kaharap nila.

Itinaas naman ni Verdandi ang mukha niya at sinalubong si Kai ng titigan. "Sigurado naman akong hindi ako magsisi dahil alam ko naman na mabuti silang kaibigan," kalmadong sabi niya. "Kaya hindi mo ako kailangang takutin."

Ngumisi si Azrielle at nagkatinginan naman sina Sean at Dardy na napatango. Si Sebastien, na nakatayo lang pala sa gilid ay napatingin sa kanya.

Habang si Kai ay mukhang namumula na sa pagkaasar.

"Tandaan mo 'yang sinabi mo. At pagsisihan mo na sinagot-sagot mo ako at dumikit ka sa mga 'yan," inis na sabi nito saka pinasadahan ng nakakainsultong tingin sina Azrielle, Sean at Dardy. He smirked. "Sabagay, magsama nga kayo kasi mukhang pare-pareho lang din naman ang uri ninyo. Isang ulilang hindi alam ang pinanggalingan, isang kahihiyan sa kanilang angkan, isang mula sa mababa at hampaslupang pamilya at isang lampa--"

Sabay na napasugod sina Verdandi, Sean at Dardy kay Kai at kay Marcus na tumatawa pa, ngunit pinigilan sila ni Azrielle.

Rather, ng dalawang bakal na pamaypay ni Azrielle na hawak nito sa magkabilang kamay. Mahigpit itong nakaharang sa kanila.

"Azri ininsulto niya ang pam--" ani Sean na namumutla na sa galit.

"Ssshhh!" Kalmadong sita ni Azrielle. Ngumisi din ito, at tiningnan si Kai mula paa hanggang ulo. "Ano ba! Masama ang pakipagtalo sa isang poste ng kuryente, at sa isang pulang manok. Unfair para sa kanila."

Natawa silang tatlo ngunit napikon na talaga ng tuluyan sina Kai at Marcus. Buti na lang umawat na si Sebastien.

"Tama na, ano ba!" Mariin nitong hinawakan si Kai. "Umalis na tayo. Nagsasayang lang tayo ng oras dito. Hinihintay na tayo ng ama mo, Kai. Tara na."

Hinila ni Sebastien si Kai ngunit winaksi lang nito ang kamay nito at galit na naglakad palabas. Ngunit lumingon pa ito ng huling beses at tinuro pa sila. "Hindi pa tayo tapos. Sigurado akong pagsisisihan niyo ang taong ito at pumasok pa kayo sa Academy, tandaan niyo 'yan!"

Lumabas na rin sila. Si Marcus naman, bago lumabas ay tinulak pa si Dardy. "Pahihirapan namin kayo ngayong school year, mga ogag!" Bulyaw nito at tumawa pa na parang baliw.

Mukhang kinarma din ang loko at sa nang umabot na ito sa may pintuan ay nabangga ito sa pintong binalibag ni Kai. Napahiya ito kaya sinipa nito ang kawawang pinto at sa lakas ng pagkakasipa ay nasira tuloy ito.

Napahiyaw na lang ang kawawang may-ari na nakita ang pangyayari.

Samantala si Sebastien ay tumingin lang sa kanila na parang nanghihingi despensa sa ginawa ng kaibigan at pagkatapos ay lumabas na rin.

Naiwan silang apat doon kasama si Osiris na nanonood lang sa munting eksena nila kanina. Ngunit maya-maya pa'y kinuha na rin nito ang bag nito at lumabas.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon