[59] Planning the Impossible

3.5K 143 65
                                    

EPISODE 59
Planning the Impossible

"Saan naman natin mahahanap ang mapang iyan?"

Napatingin naman si Verdandi kay Osiris. Tama ito, kung mayroon mang mapa papunta sa palasyo ni Herakles Kastamerr, hindi magiging madali ang paghahanap nila doon. Ang mas malala, mahihirapan din silang kunin ito. Napaupo naman ulit si Verdandi at muling nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Sa library?" ani Rummstein naman pero sa boses at itsura nito mukhang hindi rin ito sigurado sa minumungkahi. Pilit nitong tinatago ang tawa nito.

"Ang mga ganyang klase ng dokumento, malabong hawakan 'yan ng Academy," sabi naman ni Osiris. "Walang maitutulong ang pagtago ng ganyang dokumento dito. Pero hindi naman imposible na may magtago niyan."

"Ano naman kayang klase ng lugar ang pwedeng may hawak ng mapa papunta sa palasyo ni Herakles Kastamerr?" ani Verdandi naman.

Natahimik naman sila. Lahat ay nag-iisip ng posibleng tao na pwedeng nagmamay-ari ng klase ng dokumento gaya ng isang delikadong mapa.

"May alam akong isang lugar," sabi naman ni Hapi. Napatingin silang lahat dito. "A-ang Archivium--Minora Secret Archives."

Napakunot-noo si Verdandi. "Archivium?"

Napapalakpak naman si Rummstein at tinuro si Hapi. "Oo nga no! Ba't di ko naisip 'yon?"

"Teka lang, teka lang," ani Verdandi na tinaas ang kamay. Lahat ng mga kasama niya doon ay alam kung ano ang tinutukoy ni Hapi maliban sa kanya. "Anong Minora Secret Archives?"

Tumingin naman sa kanya si Hapi. "Ang Minora Secret Archives, o Archivium, ay ang pinakamalaking taguan ng mga libro at records hindi lang sa buong Atlantis, kundi sa buong mundo. Doon sa archive na 'yon tinatago ang mga files, dokumento at kahit anong mahahalagang artifact at mula ito sa buong mundo. Mga orihinal na sulat, mga pinagbabawal na manuscripts, mga rare na mga bagay--kahit ano, makikita mo doon sa Archivium. Pati na ang kopya ng lahat ng mga historikal na dokumento, libro, scrolls, parchments at papeles nandoon din--mapa-Morgor man o hindi."

"At syempre, bilang state archive ng Minora City, doon din nakatago lahat ng mga papeles, dokumento at records ng syudad--pati na siguro ng buong Atlantis," kibit-balikat na sabi ni Rummstein. Pero malaki ang mga ngiti sa labi nito. Tinapik pa nito si Hapi sa balikat. "Galing mo, parekoy!"

Namangha naman si Verdandi sa narinig. "Kung ganoon, sa tingin mo doon sa archives na 'yon nakatago ang mapa ng dating kastilyo ni Herakles Kastamerr?"

Tumango naman si Rummstein. "Malamang, sino pa bang may hawak ng ganyang klaseng papel kundi ang secret archives ng Minora City," anito pa. "Kahit na gaano kasama si Herakles Kastamerr noon, parte pa rin siya ng kasaysayan. At kapag parte ng kasaysayan, may mga tao pa ring gustong ipreserba 'yon. Ganun talaga. Kahit na ang mga pinakamasamang tao sa kasaysayan, nagmamarka pa rin sa kamalayan ng mga tao. Bilang magsilbing aral at isang bagay na hindi na dapat maulit pa. Pero nauulit pa rin, kasi kokonti lang ang taong interesado sa kasaysayan. At 'yung mga taong hindi 'yon pinag-aaralan, maaaring ulitin nila ang bangungot na nangyari sa nakaraan. Pero di bale, hindi naman pala ako naglelecture about sa importansya ng kasaysayan kaya siguro dumadaldal lang ako dito ng walang dahilan. Saan na nga ulit tayo?"

"Sa Archivium," paalala ni Hapi. "Pero ang alam ko, ang kasalukuyang Mayor ng Dacarra City ang siyang nagmamay-ari ng Archivium."

Bumagsak naman ang balikat ni Verdandi. "Mukhang mahihirapan pala tayong makapasok doon."

"'Wag niyong kalimutang mas mahihirapan tayong pumuslit mula sa Academy," dagdag naman ni Osiris.

"'Wag muna kayong sumuko, ano ba," pangchi-cheer up sa kanila ni Rummstein. As usual, malaki pa rin ang ngiti nito. Mukhang hindi yata nauubusan ng energy itong si Rummstein--lalo na pag nakainom. Kahit sa malayo ay naamoy ni Verdandi ang vino na nagmumula rito. "Paano tayo makakapunta sa Archivium niyan kung ganyan na kayo ngayon pa lang?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon