[15] Maia District

6.2K 242 54
                                    

CHAPTER 15
Maia District

Gulat na napako ang tingin ni Verdandi sa lalaking bagong dating. Hindi niya alam kung bakit, ngunit para siyang nakakakita ng multo sa katauhan nito. Wala namang kaiba sa itsura ng lalaki: maliban sa mahaba nitong buhok na nakatali, sa suot nitong tunic na abot tuhod at itim na cloak. Bata pa ito at mukhang kasing-edad lang ng Kuya Budong niya.

Nakangiti ito, ngunit ang mga mata ay malamig at blangko.

Pero higit sa lahat, may isang bagay ang ipinagtaka niya.

"S-sino ka?" aniya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Ah," singhap nito. "Kung ganoon ay Fiametta pala talaga ang ngalan mo? Nanghuhula lang ako pero hindi ko alam na tama pala ako. May kamukha ka din kasi."

Mas lumapad ang ngiti nito at nagkibit-balikat pa. Lalo namang kumunot ang noo ni Verdandi. Hinulaan lang nito ang pangalan niya? At siya, may kamukha? Sino bang niloloko ng taong ito?

Sasagot sana siya ngunit napansin niyang nakapako na pala ang titig nito sa nabasag na mamahaling vase. Napatingin din si Verdandi sa vase at nabahala siya. Patay, wala pa naman siyang maipambabayad. Lagot na.

Naisip niya na baka isang empleyado ng opisinang ito ang lalaki o may mataas na katungkulan. Paniguradong mapapagalitan siya.

"P-pasensya na. Hindi ko sinasadya na mabasag iyan," aniya. Sa pagkataranta ay sinubukan niya pa itong pulutin at ayusin. Ngunit biglang lumutang ng mga piraso ng vase sa ere.

"Wag mo nang hawakan 'yan," anito sa kalmadong boses. Tumigil naman siya at nasaksihan niya kung paano, sa isang iglap ay kusang nagdikit-dikit ang mga piraso at bumalik sa dati. Na parang walang nangyari.

Lihim siyang napatingin dito. Anong kapangyarihan meron ang taong ito?

"S-salamat," bulong niya.

"Walang anuman binibini," anito at yumukod pa ng konti. Hindi alam ni Verdandi kung sinsero ba ito o ano. Tumingin ulit ito sa kanya. "Sa susunod, mag-ingat ka na lang."

"O-opo," aniya at babalik na sana sa kanyang upuan.

"Hindi mo na ba pagmamasdan ang magandang painting sa likod mo?" anito na naglakad papalapit sa kanya.

"H-hindi na," aniya. "P-pero maganda nga."

Hindi na talaga niya nagugustuhan ang taong ito. Ang weird kasi nito.

"Alam mo ba anong titulo ng painting na iyan?" Umiling siya. "Tingnan mo sa likod, nakasulat iyon diyan sa baba."

At para bang nahihipnotismo siya ay sumunod siya. At nakita nga niya sa ilalim na bahagi ng larawan, ang titulong nakaukit pa sa ginto:

The Second Before The End

Second before the end? Tanong niya sa sarili at pinagmasdan ulit ang painting na mukhang nag-iinuman at nag-aaway ang mga Olympians kasama ang babaeng hawig ni Queen Oërd. Di niya maintindihan kung bakit mukha silang nagkakasayahan at nagdidigmaan ng sabay. Hindi rin niya alam bakit ganoon ang titulo nito pero--

"Napakamisteryoso, di ba?" Bulong nito sa tabi niya. Nagulat siya dahil sa isang iglap ay nasa tabi na pala niya ito nang hindi niya namamalayan. "Alam mo ba na nagpakamatay ang pintor niyan pagkatapos niya ipinta iyan?"

"B-bakit naman?" Alangang tanong niya.

"Dahil hindi niya nakaya ang katotohanan sa likod ng imaheng naipinta niya. Dahil, huli na ng mapagtanto niya, na naipinta niya na pala ang magiging katapusan ng mundo."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon