ACKNOWLEDGMENTS AND FAQ

1.7K 100 134
                                    

ACKNOWLEDGMENTS AND FAQ

First drafts, are, most of the time, just a big bloody heap of bollocks.

O diba, nag-British ako? Galing akong Arts Academy of Gaia Gettysburg eh, and there we drink tea and a lot of tea and eat scones and all that--yeah. Una sa lahat gusto kong humingi ng paumanhin sa kagaguhang British-British ng first episode. Ikalawa, magsososorry na rin ako sa introduction na parang essay ng high school. Ikatlo, I'm sorry kung ganito ang state ng draft na ito.

Pero nagpapasalamat ako at sa kabila ng lahat ng ito ay binasa niyo ang mahigit siyamnapung kabanata at sinuportahan niyo ito hanggang sa huli ang aking proudest work yet.

Thank you.

Syempre naman, proud ako dito. Kahit na sabihin nating nagsimula ito sa kalokohan, at simpleng pantitrip dahil wala ho akong trabaho noong mga panahong iyon, it grew into something that I loved and is loved by many others as well. Aaminin ko, na sinimulan ko ang AAGG dahil walang nagbabasa sa mga unang pinublish ko dito (na na-realize ko din soon kung bakit, dahil mas boring pa 'yung mga 'yon kaysa sa paa ni Peppa Pig) at sinabi ko na magsulat ako ng kwento na set sa magical academy na may magic powers and all that crap.

Kaya 'yon, habang naglalakad ako papunta sa job hunting, naisip ko 'yung ideya ng story. Lagi na lang elements-elements ang nakikita ko dito. Ihango ko kaya ang powers nila sa mga gods and goddesses ng mythology? Since pamilyar naman ako doon at paborito ko 'yung topic noong bata pa ako. Kaya ayon, pag-uwi ko, sinulat ko ang buong plot niya--'yung plot na hindi talaga nangyari.

But still, that seed grew into this gigantic tree that you have just read in full.

Naalala ko 'yung curiosity ko kung ano kayang nangyari kina Zeus pagkatapos ng era nila. Kasi, hindi gaya sa Norse Mythology, walang definite na ending ang mga Olympians. It's just like they kinda vanished and then reincarnated into the pantheon that is quite similar, you know, the Roman Gods. Pero kung may naging ending man sila, walang nakapagsabi. Still, there was this lingering thought about Zeus that I've heard somewhere that what he did to Cronus could still happen to him. At kahit hindi related lulong ako sa Game of Thrones noong mga panahong iyon at kababasa ko lang ng isang epic na libro based on the Fates of Greek mythology, ito, at 'yung mga binanggit ko kanina ang naging dahilan kung bakit sa isang iglap, sinilang ang ideya na magiging mitsa ng kwentong ito.

Ayon. Una kong nakita sa isipan si Azrielle, si Emi, sina Sean, Dardy, si Marcus Romagna, at si Hapi. Noong una, ibang-iba sila sa isip ko pero alam kong hindi sila ang magiging bida. At noong sinulat ko na ang possible characters, nabuo na rin sina Kai at Osiris. Doon na kung kailan ko sinulat ang mga unang salita ng unang kabanata ng mismong kwento nabuo si Verdandi.

Baliktad diba?

Oo nga eh. Siguro naman napansin niyo kung bakit masyadong maraming screentime ang barkada ni Verdandi, partikular na si Azrielle. Nakakatanggap nga ako ng mga reklamo dahil diyan eh, kesyo daw parang siya na ang bida at hindi na si Verdandi. Pero may rason po ako doon. Si Azrielle kasi, ginawa ko siya dahil na-amaze ako sa character ni Tyrion Lannister at gusto kong gawin 'yon sa sarili kong kwento. Kaya siya ang una kong pinagtuunan ng pansin. It was an experiment, para bang gusto kong subukan kong kaya ko bang gumawa ng very clever at complex character. Another reason bakit parang isa siya sa mga early focus ng kwento bukod sa bida, ay gusto ko siyang i-build up ng husto. Si Athena kasi ang usually patron, guide at mentor ng mga heroes sa Greek Mythology, example na doon sa Odyssey kung saan sinamahan at tinulungan niya ito pauwi sa Ithaca. Dinivelop ko ng husto si Azrielle dahil gusto ko siyang maging tagapagturo at gabay ni Verdandi. At the same time, mahalaga ang role niya sa buhay nila, and vice versa.

Dahil isa siya sa mga una kong ginawa, mas kilala ko pa siya sa ibang mga characters noong onset sa story, kaya marami siyang screentime. Gusto ko kasing gumawa ng gray character ('yung neither good nor evil) sa kwento at subukan ko kung kaya ko bang panindigan. Sana naman mapanindigan ko dahil mahirap gumawa ng complex characters, and Azrielle is one of my earliest experiments.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon