[63] Strange Coin

2.6K 116 51
                                    

EPISODE 63
Strange Coin

Nandoon pa rin si Verdandi at nanatiling nakaupo sa upuan niya. Inilayo naman niya ang paningin sa upuan ni Sean at tinitigan ang barya na nasa palad niya. Ito ba tinutukoy na susi ng papel na nakita nilang kasama nito? Pero paano kung ordinaryong barya lang pala ito? Isa na naman ba itong dead-end para sa kanila?

Napabuntong-hininga si Verdandi. Sana naman ay may mahanap pa silang clues kung saan matatagpuan ang kastilyo ni Herakles Kastamerr. Ngunit sa mga panahong ito, hindi na nila alam kung saan pa maghahanap ng bagay na makakapagturo sa kanila dito. Malawak ang Academy. At ang mapa lang ang tanging makakapagbigay sa kanila ng definite na lokasyon kung saan nagtatago ang salarin.

Maya-maya pa'y bumalik na sina Osiris mula sa meeting. Kasama nito sina Azrielle at Jareid. Nang makita ni Verdandi ang tatlo ay muli na naman niyang naalala ang isa sa school representative nilang si Syberria. Ano kayang ibig ipahiwatig ng pagpapakita nito sa kanya? Si Syberria ba talaga 'yon? O isa lang 'yung ilusyon? Wala siyang ibang pinagsabihan ng nangyari noong gabing 'yon. At tanging si Azrielle lamang ang nakakaalam ng bagay na 'yon.

Pero kung ilusyon lang 'yon, sabi ng isang boses sa kanyang isipan, hindi pa naman nakukuha si Sean nang mga oras na 'yon? Wala pang sapat na kapangyarihan ang salarin para gumawa ng ilusyon. Ayon kay Osiris at base na rin sa naobserbahan nila, limitado ang kapangyarihan ng taong gumagawa niyon. Pero kung mahigop niya ang psychus ng isang vascillux, magagamit na din nito ang kapangyarihan ng vascillux na 'yon.

Paano niya nagawa ang ilusyon na 'yon kung hindi pa niya nahihigop ang psychus ni Sean nang mga oras na iyon?

Pero kung hindi 'yon si Syberria, at hindi rin 'yon ilusyon, ano 'yung nakita ko? aniya sa sarili na napapikit ang mga mata. Multo?

Aish! Napasabunot naman siya sa kanyang buhok dahil sa frustasyon. Ano ba talaga? Naguguluhan na talaga ako. Pero baka nga multo lang 'yon.

Ang kastilyo ni Kastamerr, aniya ulit sa sarili. Paano ko ba makikita 'yon? Saan ko 'yon mahahanap?

Dumilat naman ang mga mata niya nang may mapagtanto. Teka lang...

"Multo," bulong niya sa sarili. "Tama! Ba't di ko naisip 'yon?"

Kung may nakakaalam kung nasaan ang kastilyo ni Herakles Kastamerr, iyon ay ang mga taong nabubuhay na noong panahong 'yon. At sino bang pwede niyang kausapin kundi ang mga taong nabuhay at namatay noong mga panahong 'yon? Napangiti siya sa naisip. Buti na lang at mga kaibigan na niya ang mga multong nakatira sa mansyong nasa likod ng Academy castle!

"Ang galing ko talaga," excited na sabi niya at napangiti ng malapad.

Napatingin naman sa kanya si Kai. Napa-smirk ito at umiling. "May nababaliw na dito."

"May pinariringgan ka ba?" banat naman niya dito. Hindi ito sumagot. "Kung may problema ka sa akin, Lord King-Croix, sabihin mo."

"Meron nga," anito pa. Tiningnan pa siya nito na may pagkadisgusto sa mukha. "Ang baho mo kasi."

Napasinghap naman siya at wala sa sariling hinampas ang braso nito. "Hoy! Ulitin mo nga 'yung sinabi mo!"

"Gusto mo pa talagang ulitin ko, ha? Iba ka talagang babae ka," anito sa kanya. Tumikhim naman ito at nilakasan ang boses. "Ang baho ng katabi ko!"

Natahimik naman ang buong classroom at napatingin sa direksyon nila. Hindi naman makapaniwala si Verdandi sa sinabi nito. Anong--!

Narinig naman niyang nagbungisngisan sina Lamia at Marcus sa likod niya. "Mabaho daw? Ew!" sabi pa ng boses ni Eurynne Myreen na nakaupo sa isang sulok ng classroom. Nagtagis naman ang bagang ni Verdandi at inirapan si Kai. Ang laki ng ngiti nito. Wala na talagang solusyon ang pagiging bully nito.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon