[92] Queen of the Underworld

1.8K 130 60
                                    

Hi guys! Pasensya na kung natagalan ang update. Sinisikap ko naman na at least maka-update once a week kaya eto. Maraming salamat sa mga nagbabasa at naghihintay pati na rin sa mga nangungulit pero alam niyo naman na medyo busy lang talaga ako at nilulubos ko kasi patapos na eh, so nahihirapan rin ako kahit papaano kasi kailangan i-tie up ang mga threads and all. Sa mga nalungkot last chapter eto pambawi hahahahahaha... Video sa taaa pang soundtrack sa chapter. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPISODE 92
Queen of the Underworld

Sa loob ng ilang minuto ay nanatili lang na nakatitig si Verdandi dito. Hindi niya pa rin mahanap ang mga salita na isasagot dito. Nanatili lang din itong nakatitig sa kanya.

Kumurap siya. "Huh?"

"Ang sabi ko gusto ko manumpa bilang knight mo," sabi ni Osiris. "'Yon lang ang tanging paraan para magawa natin ang Soul Binding Spell."

Hindi agad nakasagot si Verdandi pero bumuntong hininga siya. "O-oo. Naiintindihan ko na," sagot lang niya.

Pero hindi lang 'yon ang gusto kong sabihin! piping sigaw niya sa isip. Hindi ito ang inaasahan ko. Kahit na hindi ko sinabi--kahit na wala akong binanggit--kahit wala akong hiniling--ang inaasahan kong magiging King ay ikaw--

Ngunit hindi niya magawang sabihin 'yon. Inilayo niya ang tingin at pinigilang maluha dahil naninikip ang dibdib niya. Alam niyang wala sa tamang lugar at panahon ang nararamdaman niyang 'yon ngunit di niya mapigilan ang sarili.

Kung ganoon, ako lang pala ang umaasa na siya ang magiging King ko balang araw...

Napalunok siya at tumalikod para di nito makita ang luha niya dahil baka kung anong sabihin nito.

"Hoy. O-okay ka lang?" tanong naman nito at tinapik pa talaga siya. Wala sa sarili niyang inilayo ang sarili dito. Bakit ba ako nagagalit? aniya sa sarili. Wala akong karapatang makadama ng ganito. Binulong nito ang sunod na sinabi. "Ayaw mo ba akong maging knight, galit ka ba?"

Agad naman siyang lumingon at mabilis na umiling. "Hindi! N-nagulat lang ako!" tatawa-tawang sabi naman niya. "S-syempre kailangan natin 'yon sa Soul Binding Spell, syempre naiintindihan ko 'yon, syempre naman!"

Marahang tumango lang si Osiris bilang tugon. Ang lamig mo talaga, aniya na napakagat-labi. Ni wala ka man lang bang ibang sasabihin?

Natahimik ulit silang dalawa. Ang tanging naririnig lang ni Verdandi ay ang tulo ng tubig mula sa kisame papunta sa makulay at magandang pool sa palibot nila na puno ng kristales at diyamante sa ilalim. Naghintay naman si Verdandi na magsalita ito ngunit nanatili pa rin itong walang imik.

"Alam mo kung--kung wala kang alam anong sasabihin o paano gawin 'to--umalis na muna tayo dahil baka napahamak na sina Rummstein sa labas--"

"Tingin mo ba gusto ko rin manumpa sa'yo bilang knight?"

Natigilan ulit si Verdandi na nanlaki ang mga mata. Mas lalong sumikip ang dibdib niya at napalitan na nga ng yamot ang naramdaman niyang disappointment kanina. Inis niya itong nilingon at napaatras naman si Osiris.

"Eh di inamin mo na rin na ayaw mo talagang gawin ito!" bulalas niya bago pa napigilan ang sarili. Dinuro niya ang dibdib nito. "Alam mo ba na ginusto ko na sana ikaw ang magiging King ko?"

Hindi naman ito makapagsalita at nakanganga lang na nakatitig sa kanya.

"Ano? Nakakatawa ba?" sigaw niya. "Pero sige, maiintindihan ko naman kung ayaw mo, nirerespeto ko naman 'yon kung ayaw mo talaga sa akin! Pero itong knight ka na nga lang--magiging knight na nga lang kita--tapos 'yan pa ang sasabihin mo sa'kin? Na napipilitan ka lang din na gawin ito dahil sa tungkulin mo?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon