[91] The Necessary Sacrifice

1.9K 121 29
                                    

Hi guys! Pasensya na at ang tagal kong nakapag-update! Busy lang po talaga ako sa mga bagay-bagay kaya ito, pero maraming salamat sa mga nagbabasa at naghihintay hanggang sa ngayon pati na sa mga nangingulit hahahahahaha... Kung may mga tanong kayo comment niyo lang at susubukan kong sagutin. Narinig ko rin na medyo may faction daw dito tungkol saga ships at nagpapasalamat at masaya pa rin ako na kahit papaano affected kayo at may kanya-kanya kayong boto kay Verdandi na mahaba na ata ang hair hahahahahahaha... Ilang chapters na lang po talaga tayo kaya I'm kinda taking it slow para maayos ang finale nito. But I'll be doing my best para balik sa regular update ang lahat ng stories ko dito, pati na 'yung iba (nagkaregular update ba talaga ako? Like, ever? Sinusubukan ko naman hahahahahaha) Video sa taas pang music background. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPISODE 91
The Necessary Sacrifice

Nanatili lamang silang nakatitig lahat rito na hindi makapaniwala. Umatras naman ng dahan-dahan si Rummstein hanggang sa nabangga nito si Verdandi. Habang ang iba naman nilang mga kasama ay halos hindi rin makagalaw sa kinatatayuan nito.

"Sa hudyat ko, 'wag kayong papalag pag may vines na humawak sa inyo," pabulong na sabi ni Rummstein sa kanya. Naguguluhan namang napatingin si Verdandi dito ngunit hindi na siya nagtanong. Mataman lamang itong nakatitig kay Syrius.

Napatingin naman si Verdandi sa lalaki. Walang duda, ito nga si Syrius Stoneheart. Subalit may napansin si Verdandi sa mga mata nito na naging dahilan ng pagtalim ng tingin niya rito.

"Hindi ba kayo makapaniwala na nandito siya?" masayang sabi ni Syberria sa kanila. "Kung nagdududa pa kayo, hawakan niyo siya. Pero masisiguro ko sa inyo na hindi siya isang multo, o ilusyon lang--dahil buhay siya."

Kahit na nagdududa pa si Verdandi ay hindi naman niya maikakailang nahahawakan nga ito ni Syberria. Nagawa rin silang puruhan nito. At higit sa lahat, taglay nito ang lahat ng meron kay Syrius--gaya ng tawagin nitong Dio si Rummstein.

Nanatili lang na nakangiti si Syrius sa kanila. Mas lalong humigpit naman ang hawak ni Rummstein sa staff nito. Bigla namang may kung anong sumabog at napuno ng mist ang paligid nila, saka naman naramdaman ni Verdandi na hinatak siya ng kung anong pwersa palapit.

Bago pa man siya makapagsalita ay nakaramdam siya ng pagkahilo kasabay ng pakiramdam na para siyang mabilis na bumabyahe sa kabila ng makapal na mist.

Hanggang sa ang sunod na namalayan niya ay bumagsak siya sa isang matigas na bagay kaya naman napaigik pa siya sa sakit.

Idinilat niya ang mga mata. Kahit na madilim ay may kaunti namang ilaw na nagmumula sa labas. Mukhang nasa loob sila ng kweba at wala na sila sa lugar na kinalalagyan nila kani-kanina lang.

Agad naman niyang hinanap ang mga kasama. Naroon din ang mga ito at dahan-dahan nang tumayo. Habang si Rummstein naman ay nakatayo sa entrada ng kweba at nagmamasid.

"S-sino 'yon?" basag ni Kai sa katahimikan nila. Napalingon sila dito. "Sino ang taong 'yon? Si Syrius ba talaga 'yon?"

Nanginginig ang boses nito. Putlang-putla ang mukha nito at tama sigurong sabihin na nakakita nga ito ng multo. Tiningnan nito si Sebastien na nanghihingi ng paliwanag subalit pati ang kasama ay windang din gaya nilang lahat.

"Bakit parang takot na takot ka?" malamig na sabi ni Rummstein. Binalingan nito si Kai. "Natatakot ka ba na makita ang mukha ng taong--ng taong dinala mo sa kamatayan ilang taon na ang nakakaraan?"

Hindi naman makasagot si Kai na napaatras.

"Rummstein," tawag naman ni Verdandi.

"Ano ba," sabi naman ni Rummstein na ikinumpas ang mga braso at kamay sa ere. Natawa ito ng mapait at muling hinarap si Kai. "Ilang taon ko na ring gustong itanong sa'yo kung bakit mo nagawa ang bagay na 'yon para lang dumating ang araw na makakalaban ko ang pinakamatalik kong kaibigan at maging kakampi ko ang taong kumitil sa buhay niya--"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon