[55] Spirals

3.6K 159 44
                                    

EPISODE 55
Spirals

Nakatingin si Verdandi sa labas ng bintana. Dahil wala si Kai ay solo niya ang isang bahagi ng upuan, at si Osiris naman ang nasa tabi niya. Hindi din niya alam kung bakit wala ito ngayon. Kitang-kita niya ang mga estudyanteng walang klase at ngayon ay naglalaro sa ma-nyebeng grounds ng paaralan. Mula sa malayo ay kitang-kita din niya ang anino ng Forbidden Tower na nakakulong sa mga naglalakihan at nagyayabungang puno ng Haunted Forest.

"Osiris," untag niya sa kaibigan. "Alam mo ba kung kelan itinayo ang Forbidden Towers?"

"Hindi ko alam eksakto," sagot naman nito. Nanatili lamang siyang nakatingin sa malayo ngunit ramdam niya ang titig nito sa kanya. "Pero sa pagkakaalam ko, mas matanda pa 'yun kaysa sa mismong Academy."

Napalingon naman siya dito. Kahit puro usapan, bulungan at tawanan ang buong classroom at nagsasaya dahil pansamantalang kanselado ang klase nila kay Professor Poppies ay mukhang masaya pa sila. Tumigil na rin ang pag-ulan ng nyebe sa labas at may suminisinag na araw kahit papaano. Umaagos ang malamlam nitong sinag sa matataas na bintana ng kanilang classroom.

"Ibig sabihin, mas nauna pa silang itayo kaysa sa Academy?" ani Verdandi naman na napakunot-noo. "Bakit?"

Nagkibit-balikat lang si Osiris at muling itinuon ang tingin sa binabasa nitong libro.

"Kailan ba eksaktong itinayo ang Academy?" tanong naman niya kahit parang alam na niya anong isasagot nito. Tulad ng inaasahan ay tinuro nito ang textbook sa ibabaw ng mesa. "Alam ko 'yun, pero kasi--kung tumagal na rin ng higit isang libong taon ang Academy, at kung ganoon, ganyan na rin katagal 'yan?"

Muli lang itong nagkibit-balikat, pero tiningnan siya nito. "Iniisip mo ba na doon dinala sina Enrico at Lissa ng kung sino mang kumuha sa kanila?"

Marahan siyang tumango. "Wala namang ibang lugar na pwedeng pagdalhan sa kanila diba?"

"Malaki ang academy, Verdandi. Maraming pasikot-sikot at tagong mga lugar. Maraming mga lihim na lagusan, dungeons at isa pa, higit isang daan ang tore ng kastilyong ito," ani Osiris.

"Pero kung nandito lang 'yong pinagtataguan niya, eh di dapat matagal nang may suspetsa ang mga guro kung saan nagtatago ang taong kumakain ng kaluluwa," sabi naman ni Verdandi.

"Bakit, wala pa ba silang natutuklasan hanggang sa ngayon?"

"Wala pa. S-sabi ni Rummstein," aniya. "Lumalagi siya doon para makasagap ng balita sa imbestigasyon. Tiningnan na nila ang Forbidden Tower kung sakaling doon pumupunta ang taong 'yun pero wala silang nakita. Tinanong ko si Rummstein kung mayroon bang sikretong lagusan ang Forbidden Towers sa ilalim nito o kung ano man, sabi niya, ayon sa mga pag-iimbestiga ng mga taga-faculty, wala naman daw. Wala ring kung ano mang indikasyon na pwede 'yung pasukin maliban na lang sa pag-akyat sa pinakamataas na bahagi ng kwartong 'yon. Argh! Ano ba kasing meron sa mga toreng 'yun?"

Muli siyang natahimik. Nangalumbaba naman si Verdandi, habang salitang pinupukpok ang mga daliri niya sa desk. Ngunit maya-maya pa'y napabalikwas siya sa pagkakasandal sa desk nang may naisip. "Alam ko na. Pumunta tayo sa Forbidden Tower mamaya."

"Maraming nakabantay sa hedges at mga kakahuyan, Verdandi. Siguro marami ding umaaligid na gwardya doon," ani Osiris naman. "Ano bang gagawin mo doon?"

"May kailangan lang akong tingnan," aniya naman sa determinadong boses. "Malakas kasi ang kutob ko na may koneksyon ang mga toreng 'yun eh. Sasama ka, diba?"

Napabuga ng hangin si Osiris ngunit di ito sumagot.

"K-kung hindi ka sasama, ako na lang ang pupunta," sabi niya.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon