[70] Almost Everyone's Friend, But A Whole Nation's Enemy

2.7K 88 24
                                    

EPISODE 70
Almost Everyone's Friend, But A Whole Nation's Enemy

Pinuntahan nilang magkakaibigan si Syrius sa infirmary ng secondary division. Nasa kabilang bahagi 'yon ng ilog na naghahati sa dalawang lower divisions. Pinayagan naman sila na bumisita ng nurse pero sandali lang, dahil may klase pa sila.

Pinilit lang din nila na sumama si Azrielle sa kanila pero kita naman nila na mukha naman itong nag-aalala din sa nangyari. Buti na lang at hindi ganoon kataas ang pinaghulugan ng lalaki kaya hindi naman seryoso ang tinamo nitong bali at may kaunting galos lang din.

"A-aray--aray--ang sakit, Lissa, magdahan-dahan ka naman," reklamo ng boses nito pagpasok nila sa loob.

Nakahiga ito sa kama habang pinapakain ni Lissa. May bandage din ang paa at kamay nito. Nakita naman sila ni Syrius at masaya itong bumangon para batiin sila--pero napahiga din dahil sa mga bandage nito.

"Ah! Nandito kayo! Aray--"

"Sabi na nga sa'yong 'wag ka maggagalaw eh! Ano ba naman kasing nakain mo at bakit mo ginawa 'yon?" sermon ni Lissa dito. Nagkatinginan lang sila ni Sean. Otomatiko namang napatago si Hapi sa likod nila dahil nagulat ito sa biglang pagsigaw ni Lissa. Napansin ng babae na nandoon na sila kaya lumingon ito at ngumiti ng malapad. Para namang natunaw ang puso ni Sebastien nang makita 'yon. "Kayo pala! Pasok."

"Ate Lissa!" masiglang bati naman nina Sean at Dardy at tumakbo papasok. Sumunod din si Hapi at nginitian ng konti si Lissa. Dahil mabait ang babae ay hindi na naman masyadong natatakot o nahihiya si Hapi dito, at madalas tuwing may lakwatsa sila kasama si Syrius ay kay Lissa sumasama si Hapi. May pagkakataon nga lang talaga na nakakatakot si Lissa, kaya kahit silang lahat ay medyo ilag din tuwing mainit ang ulo nito. Kanina pa pala siya nakatitig kay Lissa kaya nang mapansin siya nito ay mas lumapad ang ngiti nito.

"'Wag lang kayong tumayo lang diyan sa pinto, pasok kayo," anyaya nito sa kanila ni Azrielle. Nang magtagpo ang mga mata nila ni Lissa ay uminit ang mukha ni Sebastien at agad na iniwas ang tingin. Bumalik naman ito sa pagpapakain kay Syrius, at si Azrielle naman ay dumaan sa harap niya.

"Waya ka ng pag-asa sa kanya, huy," tukso nito. "Mukha mo parang sobrang hinog na kamatis. Parang kang tanga."

Naasar naman siya sa sinabi nito kaya sinamaan niya ito ng tingin. Ngumisi lang ito sandali ngunit lumamig ulit ang ekspresyon nito.

"May pinuntahan lang naman ako dun eh," pagdadahilan ni Syrius kay Lissa habang pinipilit nitong subuan siya. "Ang sama naman ng lasa ng lugaw mo. Galit ka ba?"

"Binilisan ko na nga ang pagluluto nito para may makain ka!" bwelta naman ni Lissa. Para na nitong sinaksak ang kutsara sa bibig ng binata. "Ang kapal mo din naman para magreklamo no. Tsaka mahiya ka sa mga bata, huy!"

"Ako na nga 'tong kinakawawa mo eh," kunwaring reklamo ni Syrius habang nginunguya ang lugaw. "Ang sakit na nga ng katawan ko, di mo pa ako pinapakain ng maayos."

Napapalatak naman si Lissa. "Ha! Bakit, kasalanan ko ba kung nahulog ka doon sa building na 'yon? Kung hindi mo kasi nilalandi 'yung nurse ng elementary division, eh di sana wala ka dito ngayon!"

Napasinghap naman sina Sean at Dardy, pati na rin si Sebastien. Kung ganoon, tulad ng patron deity nito na si Zeus, may pagkababaero din pala ito. Sana naman di siya magaya dito, narinig pa naman niya na pati si Poseidon ay may pagkaganoon din. Nakakatakot lang isipin.

Gusto niya, isa lang talaga ang babaeng mamahalin at papakasalan niya balang araw. Napatingin naman siya kay Lissa na nakikipagtalo pa rin kay Syrius. Ngumiti siya, ngunit habang nakatingin siya dito ay bigla itong tumayo para ayusin ang bandage ni Syrius sa kabilang bahagi ng kama, kaya naman napatingin siya sa batang nakaupo sa sulok na nakaupo sa likod ni Lissa at nasa sulok ng kwarto.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon