[V] Aftermath Part 5: In the Hands of Order and Chaos

1.7K 86 40
                                    

Hi guys! Maraming salamat sa pagbabasa at comments last part! Masaya ako at natuwa kayo kahit puro kalokohan at trashtalk 'yon hahahahahahaha... Eto na pala. Ang mga hinihintay niyong sagot at revelations. Video sa taas pang music background. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPILOGUE V
Aftermath Part 5: In the Hands of Order and Chaos

Sumunod na si Verdandi sa mga kaibigan. Pinag-uusapan pa rin ng mga ito ang nangyaring sagutan nina Kai at Osiris kanina sa hallway, ngunit maya-maya pa'y napunta rin sa ibang topic ang usapan ng mga ito. Syempre pasimuno na naman sina Sean at Dardy sa mga kalokohan.

Napangiti naman si Verdandi dahil ang tagal na yata mula noong huli silang ganito, na kumpleto at nagbibiruan. Pero syempre tuwing sumasagi sa isipan niya na may kulang sa kanila naiisip niya na sana nandito rin si Rummstein para mas lalo pa silang masaya. Iniling naman niya ang ulo dahil alam niyang mas lalo lang siyang lulungkot kung iisipin niya 'yon.

Isa pa, sinabihan siya ni Lissa na aliwin ang sarili niya para hindi niya laging maisip ang bagay na iyon. May klase ito ngayon kaya hindi ito nakakasama sa kanya. Natutuwa naman siya dahil tumataas ang marka nito at unti-unti na itong bumabalik sa dati.

"So!" sabi ni Dardy na tumigil bigla sa harapan nila at pinalakpak ang dalawang kamay. Tiningnan nito si Sean bilang senyas. "Nakapagpaalam na ako at pinayagan na tayo na doon na gugulin ang summer vacation!"

"Wow!" tuwang-tuwa namang sabi ni Hapi. "Talaga? Makakapunta na rin tayo doon sa wakas!

"Teka, saan ba 'yon?" tanong ni Verdandi na hindi maintindihan ang sinabi nila.

"Sa may southeastern Atlantis, malapit sa kaharian nina Sean," sabi naman ni Hapi. "Maganda doon, Verdandi! Sa pictures ko pa nga lang nakikita pero excited na akong makapunta roon!"

"Kung ganoon, makikita ba natin ang lugar ninyo, Sean?" tanong ni Verdandi.

Natahimik naman ito at nag-isip. "Hindi ako sigurado. Lalo pa't medyo nag-iinarte ang royal guards nina Papa dahil sa mga bagay na hindi ko alam," sabi ni Sean. Ngumisi ito. "Pero doon sa pupuntahan natin, nakaparomantic ng lugar na iyon na baka mainlove ka sa akin."

Nagsnort si Emi. "Mahiya ka sa sarili mo, Starkomir," sagot naman nito. "Pati kaibigan natin ginaganyan mo!"

Inakbayan naman ito ni Sean bigla. Si Emi na nagulat ay namula sa inis. "Pwede naman ikaw na lang, gusto mo?"

Walang anu-ano'y inilabas ni Emi ang kanyang pana. Otomatiko namang napatakbo si Sean at hinabol ito ng babae para puruhan. Sa lahat kasi ng pinaka-ayaw ni Emi ay hawakan siya ng isang lalaki.

Nagtawanan naman sila sa dalawa. Maliksi kasi kumilos si Sean kaya hindi ito maabutan ni Emi. Naglalakad pa rin sila sa hallway palabas ng kastilyo pauwi sa kanilang dorms dahil hapon na.

Hanggang sa nakasalubong nina Verdandi ang isang lalaki.

Nakasuot ito ng maitim na cloak. Malaking tao ito at may kahabaan ang mamula-mulang buhok na nakasuklay patalikod. Ngunit higit sa lahat ay may malaki itong peklat sa kalahati ng mukha nito na gawa yata ng sunog.

Para bagang nanlamig ang batok ni Verdandi nang magkasalisihan sila.

Subalit bigla niyang narinig ang isang pagsinghap sa tabi niya.

Napalingon siya. At nakita niya si Azrielle na biglang napaluhod sa sahig. Mukha itong nahilo bigla.

"Azri!" tawag naman niya na agad dinaluhan ang kaibigan. Hinawakan niya ito at nagulat sa sobrang lamig ng balat nito. "O-okay ka lang ba?"

Pati si Hapi ay napatigil sa paglalakad at binalikan sila. "Azri? May masakit ba sa'yo?"

Ngunit hindi agad ito sumagot. Itinaas naman ni Verdandi ang mukha nito na natatakpan ng buhok at nakita niya sa unang pagkakataon ang matinding takot sa mga mata nito. Nanlalaki ang mga mata nito na halos namumula na sa pagkabigla.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon