[33.2] The Cursed Play Part 2

5K 231 66
                                    

EPISODE 33.2
The Cursed Play Part 2

Sa tanong ni Azrielle ay biglang nabuhayan ang mga kaklase niya. Imbes na matakot ang mga ito, ay mukhang mas naging interesado pa ang mga ito. Lalo na siguro si Verdandi.

Ngunit tumawa lang ng pagak si Professor Albertus. "Arts and Literature 'yan, Morrigan. Di ko subject 'yan."

"P-pero nabanggit niyo po kanina ang tungkol sa The Graymalkin Company," pagpapatuloy ni Azrielle. "Ang s-sabi niyo, nagmula sa Tyrbennia City ang mga ito kaya tinuturing silang pride ng lugar na 'yon.

"Pero tumigil po kayo doon sa parte kung saan sila nagtanghal dito sa Minora City. Ang huling performance nila," ani Azrielle. Nasorpresa naman sila na nakikinig pala ito habang sila ay halos walang maalala sa mga sinabi ni Professor Marci kanina. "Ang 'Olympiadem' po ba ang huling play na tinanghal nila?"

Tiningnan naman ito ni Professor Marci ng maigi.

"History. Di pa sakop ng syllabus natin 'yan," anito. Bumalik ito sa mga mapa na naka-project sa board. "Kaya noong 1321, hinati sa labing-tatlong bahagi ang Dungeo Sanctuaris, sa hilagang-silangan ng--"

"Nabanggit niyo rin po na mula naman sa Dungeo Sanctuaris ang head ng performing group na 'yon, pero dito siya namalagi sa Atlantis," pamimilit ni Azrielle. Mukhang naiinis na si Professor Marci ngunit nakinig ito. "Gusto lang po namin malaman ang pinagmulan ng mga Vascillux, kung may kinalaman ba ito sa Olympiadem o wala. Kung bakit nahahati sa labindalawang kingdom-states ang Atlantis. Kung anong kaugnayan natin sa mga orihinal na Olympians noong unang panahon.

Sa direktang pagsasabi niyon ni Azrielle ay para silang kinabahan sa magiging reaksyon ni Professor Marci. Sa madilim na mukha nito ay akala nila magagalit ito at ipapadala si Azrielle sa detention, pero kumuha lamang ito ng kung ano sa cloak. Ang bote nito ng rum at lumagok mula roon.

"Gusto niyo talagang malaman?" anito. Nang kabado ngunit determinado namang tumango ang mga kaklase niya, ay may pinihit ito sa board. Akala nila ay pinatay nuto ang magical projection roon ng mapa, ngunit may pumalit lamang mula roon. Ang mapa ng buong mundo.

"Tulad ng pagkakaalam niyo," panimula nito. "Ang mundo ng mga non-Morgors--ang mundo ng mga gaya natin--ay nahahati sa anim na realms na nakakalat sa buong mundo, at nakatago mula sa mga mata nila. Sa hilagang-silangan, naroon ang Zhang-Mu. Malapit sa Europa, ang nagkakaisang independent territories ng mga wizards, warlocks at witches. May iba pang dalawa. Sa silangan naman, nandoon ang Dungeo Sanctuaris. At sa kanluran, ang ating Atlantis.

"Ngunit kahit na ganoon, ay magkakaiba pa rin ang paniniwala ng mga realms kung saan tayo nagmula. Halimbawa na lang, malakas ang paniniwala ng mga Dungeo Sanctuarians na descendants sila ng mga sinaunang Nephilims. Na ang mahikang alam nila ay nagmula sa dakilang arkanghel na si Raziel, at ang ilan sa kanila ay mga sinumpa ng langit.

"Samantalang tayong mga Atlantians, naniniwala tayong nagmula raw tayo sa mga Olympians. Kung sa paanong paraan natin namana ang kanilang mga kapangyarihan, hindi talaga natin alam. Kung sa paanong paraan nangyari na ang iba sa inyo ay taglay ang kapangyarihan ng mga sinaunang diyos at diyosa noon, walang nakakaalam. Maraming haka-haka, pero walang nakakasiguro kung paano. Hanggang sa lumitaw ang Olympiadem.

"Ang Olympiadem ay ang tawag sa tatlong plays na isinulat ng isang di kilalang playwright. May nagsasabing isa daw siyang Griyego, may nagsasabing isa daw siyang Romano. May mga nagsasabi ding isa siyang purong Atlantian. Wala ding halos may alam tungkol sa buhay niya, basta ang alam nila ay pinatay siya dahil sa sinulat niya. Dahil siya lang naman ang nagtagkang magsulat tungkol sa kamatayan ng mga diyos.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon