[88] Hope and Despair

1.9K 127 54
                                    

EPISODE 88
Hope and Despair

Isang nakakakilabot na ngiti ang sumilay sa katakut-takot na mukha ng pigura na nasa ibabaw nila.

Hindi, ani Verdandi sa sarili, na nanlamig ang manhid na katawan. Sandaling napabaling ang mga mata niya sa direksyon ni Syberria. Nakangiti ito.

Ano ng--mangyayari sa amin ngayon?

"Nagtataka ka ba kung paano ako nagkaroon ng hugis?" sabi ni Cronus sa kanya. "'Yon ay salamat sa dugo at psychus energy na inihandog mo sa estatwa kanina. At sa nararamdaman kong lakas ngayon, hindi nga ako nagkamali--ikaw nga ang nakatakdang maging vascillux ko, Verdandi."

Kung nakakagalaw lang si Verdandi ngayon ay baka napaluhod na siya sa sahig sa sobrang takot. Kahit na hindi niya maigalaw ang katawan ay ramdam niya ang panginginig ng buo niyang kalamnan. Para siyang nawalan ng lakas.

Bigla naman niyang naramdaman na inaangat siya sa sahig. Lumulutang na pala siya. Kahit nasa anyong ispirito ito ngayon ay nagagawa siya nitong igalaw.

Narinig naman niya ang pag-groan ng taong nasa baba niya. Kita naman niya na pinipilit makagalaw nina Osiris, Kai, at Sebastien. Ngunit kahit na ang mga daliri nito ay hindi nito matinag.

Iniharap naman ni Cronus si Verdandi at pinagmasdan siya. Mula sa kinatatayuan ni Syberria ay ngumiti lang ito. Takot naman siyang napatitig sa hari ng mga titan na natatakot sa kung anong gawin nito sa kanya.

Sinulyapan ng pigura ang tatlong lalaki na nagpupumilit pa ring makagalaw ngunit nabato na sa kinatatayuan nito.

"Bakit mga anak? Ganoon ba kahalaga sa inyo ang babaeng ito?" sabi nito. Tiningnan nito si Verdandi ulit. "Hindi na naman nakapagtataka, dahil kung nabuhay siya noong panahon ng rurok ng pamumuno niyo sa mundo, maaaring dinukot niyo na rin siya at binihag gaya noong mga marilag na dalaga na tanging sa mga alamat na lang naririnig ang mga pangalan nila."

Muling may dumaing sa baba na para bang gusto nitong sumigaw ngunit naiwan sa lalamunan nito ang gustong sasabihin.

"Sa kasamaang palad, nakalaan na siya para sa akin," sabi ulit ng titan. "Para sa muling pagbabalik ko sa kapangyarihan."

Tinaliman naman ito ng tingin ni Verdandi. Nagtagis ang bagang niya. Akala mo lang 'yon! sigaw niya sa isip. Hinding-hindi ako papayag na maging vascillux mo!

Ngunit dahil hindi niya maibuka ang bibig ay tanging daing lang ang lumabas sa lalamunan niya.

"Handa na ang lahat, Ama," sabi ni Syberria. "Ngayong nasa atin na ang tatlong vascilluxes  ng pinakamalaking hadlang sa plano mo, magiging madali na lang ang pagkuha natin sa mga natitirang Olympians na nasa labas."

"Magaling. Ikaw nga ang pinakamaaasahan kong anak sa lahat," sabi naman ng titan.

Inihagis nito si Verdandi sa ere. Napasinghap naman siya ngunit muli lamang siyang lumutang at nakulong siya sa isang bola ng enerhiya. Kinumpas naman ng pigura ng titan ang kamay nito saka lumipat ang bola niya papunta sa gitna ng inner throne room, at sumispinde sa ibabaw.

Naramdaman naman ni Verdandi na muli na siyang nakakagalaw. Ngunit nang hampasin niya ang energy ball kung saan siya nakakulong ay waring kasintigas iyon ng bakal. Nakikita pa naman niya ang nangyayari sa paligid ngunit dahil trapped siya doon ay wala siyang magawa.

Mula sa mga bakanteng cylindrical cells ay lumipad naman ang mga kadena papunta sa tatlong kasama ni Verdandi. Hinuli ng mga ito ang mga paa at kamay ng tatlong lalaki, saka hinila papunta sa kanya-kanyang cylindrical cells ng mga ito.

Nakita naman niya ang pagpupumiglas ng tatlo. Hindi pa rin makagalaw ang mga ito ngunit pinilit ng mga ito na 'wag magpadala sa kadena. At dahil nga pinipilit silang hilahin ng kadena ay halos bumaon na ang bakal sa kamay at paa ng mga ito kaya nagsimula na silang magkasugat-sugat.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon