[72.1] That Fateful Day Part 1

1.7K 82 18
                                    

Hi guys! Nakapag-update na rin sa wakas! Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta, naghihintay at nagbabasa pa rin hanggang ngayon. Pasensya na kung natagalan talaga. Ito na ata ang pinakamahabang chapter na nasulat ko, pasensya na ulit. Last chapter na ito ng Syrius Flashback Arc (parang anime lang hahahahahahaha) pero hinati ko siya sa tatlo dahil ang haba. Sana di pa kayo nauubusan ng pasensya. Next episode/UD ang simula ng Final Arc at sana di kayo bibitaw hanggang sa huli. Watch out for the clues. Babalik na rin si Verdandi next UD. O mast tamang sabihin sa next episode, hindi pa wholly dito, alam ko hinihintay niyo na siya. Thanks ulit at enjoy!

EPISODE 72.1
That Fateful Day Part 1

Nasa classroom si Sebastien habang si Azrielle naman ay inaayos ang mga libro na nasa mesa. Kakaunti lang ang tao sa paligid dahil unuwi na ang mga  estudyante kaya halos lahat ng mga estudyante ay nasa cafeteria at kumakain. Matagal silang nananghalian dalawa dahil in-assign sila ng guro na ayusin muna ang classroom, dahil sila ang class representatives.

"Nasaan ba sina Sean at Dardy?" tanong ni Sebastien na nagwawalis ng sahig. "Eh si Hapi, nasaan? Tumambay na naman ba sila sa cafeteria nang wala tayo?"

Si Azrielle ay nag-aarange pa rin ng mga libro at mga gamit at nagpapasipol-sipol pa. Ang babaeng 'to, inis na sabi niya sa sarili habang nakatingin sa likod nito.

"Hoy! Isang oras ka na diyang nag-aarrange ng mga libro at kung anu-ano, tapos sisirain mo na naman at iaarrange ulit! Umiiwas ka na naman sa trabaho eh!" sigaw niya.

Nilingon naman siya ni Azrielle. Lampas balikat ang buhok nito na may bangs pa rin ngunit kakaiba ang istilo, na sabi pa ni Ate Lissa ay para daw bumagay dito dahil nagdadalaga na daw ito. Di naman niya maamin na totoo 'yon.

"Di ko nga alam, diba?" anito na nakapokerface. As usual. Pero halos di naman nito matago na natatawa ito. Pinagtitripan na naman ba ako ng tomboy na 'to? Tumalikod ulit to at nagsimula ulit na mag-arrange. Binaba niya ang tingin sa palda nito at sa suot na lampad tuhod na leggings. "Tsaka naaasar ka lang kasi natalo kita kanina kaya ikaw ngayon ang nagwawalis at naglilinis ng mga upuan. Bilisan mo na nga diyan, magpupunas ka pa ng bintana, Cinderelly."

Napantig naman ang tenga niya sa sinabi nito. Inaasar nga siya nito. Lagot ka lang sa akin mamaya, aniya sa sarili. Gaganti talaga ako.

Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang tumuntong sila sa Secondary Division. Grumaduate naman sila sa Elementary Division mga tatlong buwan na ang nakakaraan. May nangyari pang kaunting kakahiyan dahil na rin sa kalokohan nila pero nakapagtapos naman sila ng maayos, at sa katunayan pa nga ay nakakuha pa sila ng awards. Bagay na di nila inasahan dahil noong mga unang taon nila sa elementarya ay ni halos di nga sila mapasa-pasa ng mga teachers nila dahil sa baba ng mga marka nila.

At dahil kilala na sila bilang mga matatalino (ngunit medyo maloko pa rin) na mga estudyante ay pinagkatiwalaan sila na maging class representatives ng taon nila. Maliban kina Sean at Dardy na kahit anong gawin ng mga teachers ay mas maloko pa rin talaga.

Hindi sila magkakaklase ngayong taon na ito, dahil na rin pinaghiwa-hiwalay sila papunta sa iba't-ibang section para din daw makipagsalamuha sila sa iba't-ibang tao. Sinadya nga ring ipaglayo sina Sean at Dardy ngayong taon na ito dahil sa infamous na mga pinanggagawa nila, pero sa inis ng isang teacher na laging panggagaya nito ng anyo ng iba at sa pagsi-sit in sa mga classroom ng mga kaibigan ay pinaalis nito ang lalaki sa seksyon nila. Wala namang adviser na gustong tumanggap kay Sean maliban sa pinakapasensyoso na teacher sa balat ng lupa, na siya ring adviser ni Dardy.

Kaya naman magkaklase pa rin ang mga mokong.

Sila naman ni Azrielle ang naging magkaklase, habang si Hapi naman ay napunta sa ibang section ng mag-isa. Ayaw pa nga ni Hapi noong una dahil first time itong malalayo sa barkada pero nangako naman sila na di ito iiwan at kahit magkakaiba na sila ng section ay lagi pa rin silang magkikita-kita at sabay pa rin silang kakain. Laki ngang pasasalamat ni Sebastien na kaklase pa rin sila ni Azrielle, ngunit may mga araw na pinagsisisihan niyang ginusto niya pang maging kaklase ito ulit.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon