[26] The Olympians Part 2

5.3K 241 27
                                    

Hello! Maraming salamat sa pagbabasa hanggang sa ngayon! Pasensya na kung medyo mahaba ang chapter hehe...! Siya nga pala, nasa taas ang picture ng mga BOYS ng CLASS I-137 haha...! Enjoy!

EPISODE 26
The Olympians Part 2

Doon pa lang tuminag sa kinauupuan nila si Osiris at si Kai. Olympian Vascilluxes, kaya ang ibig sabihin marami sa mga kaklase nila ang pupunta. Nagpaalam na rin si Professor Poppies at umalis na. Sumabay na si Sebastien at Marcus nang lumabas si Kai. Si Bridgit naman ay sumama kay Lamia at Eurynne. Taas noo pang naglakad ang ilan sa mga ito na para bang pinagmamalaki nilang Olympians nga sila.

Pati si Syberria, bilang Vascillux ni Hestia na isang Olympian din ay alangang naglakad papalabas ng classroom. Sumabay na sa kaniya ang babaeng 'mukhang multo' na tinawag na nilang "Ghost Girl" at isa pang kaklase nilang babae. Si Emi naman ay padabog na imiwan ang kanyang inuupuan at hinila pa si Rilley papaalis ng classroom. Dahil mas malakas si Emi ay wala ng magawa si Rilley kundi sumama.

Huli namang lumabas si Osiris Grimmcaster.

Ang ending, kaunti na lang silang naiwan sa classroom. Kabilang na siya, si Sean at si Dardy. Masaya namang lumingon sa kanya ang dalawa at ngumiti ito ng malapad. Pinaikot naman niya ang mga mata. Alam ni Verdandi na masaya lang ang dalawa dahil mahaba-haba din ang free time nila.

Maya-maya pa'y lumabas na rin silang tatlo ng classroom at naglalakad sa grounds. Balak nilang hanapin si Azrielle bago pumunta sa Dining Hall para kumain. Pero bago iyon...

"Alam mo, curious ako bakit pinatawag silang lahat. Ang ipatawag ang lahat ng teachers at Vascilluxes ng Olympians? How rare is that!" puna pa ni Sean. "Sa tingin niyo, ano kayang pagmimeetingan nila?"

Tiningnan naman silang dalawa nito ng makahulugan. Nilagay naman ni Dardy ang dalawang daliri sa ilalim ng baba nito, na para ba dawng nag-iisip ito ng malalim. Napailing na lang si Verdandi sa dalawa.

"Sa tingin mo, may kinalaman ito sa Ceremony of Crowns?" ani Dardy naman. Verdandi rolled her eyes. Ayan na naman 'yang 'Ceremony of Crowns' na 'yan na hindi niya maintindihan. Noong huli siyang nagtanong kay Azrielle, ay hindi naman klaro ang sinagot nito. Kaya tinanong niya ulit sila Sean at Dardy tungkol dito.

"Ang Ceremony of Crowns ay para siyang rite na ginagawa dito sa Tertiary Division ng academy kung saan, every four years, ay pinipili ang magiging Queen ng generation natin. Pati na rin ng iba pang pieces," paliwanag ni Sean at tumango-tango lang si Verdandi. "It's actually a fun event. Festivals, contests and tourneys. Swordfights sa hallways. Duels."

"Pagkatapos, magkakampihan naman ang mga tao para bumuo ng isang team. Dahil maliban sa Queen, pupunan din ang iba pang positions ng Council at Court. It's going to be a tough year, I guess," dagdag naman ni Dardy. "Maraming malalakas na Vascilluxes. Mantakin mo, ngayong taon lang magiging halos kumpleto ang mga Olympians."

"Oo nga no," pagsang-ayon naman ni Verdandi. Nagsimula naman siyang bilangin ang mga Olympian Vascilluxes na kilala niya.

"Nandiyan si Kai, na syempre Vascillux ni Zeus," aniya na binilang ang mga ito gamit ang mga daliri. "Tapos si Grimmcaster na Vascillux ni Hades. Si Sebastien--?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon