RTA: Happy To See You

141 6 0
                                    

Yil POV:

Lumabas na nga kami ng kwarto ngunit wala pa ring signal. Kung saan saan na kami nakapunta ngunit wala pa din.

"Ano ba yan walang signal pa din dito sa phone ko.", reklamo ni Lydie sa akin.

"Buti maghiwalay muna tayo at humanap ka sa kung saan may signal at tawagin mo na lang ako ha?.", makatwirang sabi ko. Lagot ako sa mama ko nito nagpromise pa naman din ako na itetext siya or tatawagan pero hanggang ngayon wala pa din akong mahanap na signal.

"Sige ingat ka.", sabi sakin ni Lydie.

"Ikaw din.", sabi ko sa kanya at naghiwalay na nga kami.

Pumunta ako sa itaas hindi ko alam na ito na pala ang waist and main deck part ng ship na aming sinasakyan. Napatingin ako sa langit at nabighani dito dahil sa sobrang ganda ng nagkikislapang mga bituin at buwan na siyang nagbibigay liwanag. Napakasimoy ng hangin sabayan ng paghampas ng mga tubig. Medyo malamig but it is so calm to relax. Napatingin ako sa cp ko kasi kahit nasa main deck na ako wala pa ding signal. Pumunta na ako sa upper deck pero wala pa din kaya bumaba na agad ako.

"Ano bato walang signal. Pano na yan di ko matatawagan ang nanay ko.", sabi ko na winawagayway ang phone.

"Please naman magkasignal kana. Please?...", pakiusap ko sa cp sabay talon-talon habang winawagayway ang aking cp na umaasang magkaroon ng signal. Habang ginagawa ko ito ay may nagsalita....

"Kahit anong gawin mo wala kang magagawa kasi walang signal dito.", sabi saakin na agad namang naalarma ako sabay lingon sa boses na pinanggalingan nito.

Stranger? Seriously?. Hindi ko alam kong anung ginagawa nito at bakit nagiisa ito. Wala atang kaibigan kaya nandito pero imposible naman. Nakasandal lang ito sa railings malapit sa head or privy gallery na nakatingin sa papawirin na mukhang malungkot at malayo ang iniisip. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha at medyo madilim sa part niya. Hindi ako nagsalita at inirapan lamang ito.

"Pano na yan diko maco-contact Nanay ko gusto ko pa naman siyang makausap.", malungkot na sabi ko at tumalon-talon na papunta-punta sa gilid gilid na nagbabaka-sakaling magkasignal.

"Huh! Tsk.", sabi nito na sa tingin ko nakatingin saakin. Kala naman niya dito narinig?. Halerr??

"Pano na yan di ko maco-contact Nanay ko gusto ko pa naman siyang makausap.", sabi ko na napaupo sa gilid na malungkot at may binubulong-bulong.

"Kahit sumigaw ka, magalit, mainis wala kang magagawa dahil walang signal dito.", sabi nito sabay upo malapit sa akin.

Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang mukha ni Jasper. Seriously???? Oh my gosh!!!!

"Jasper! Bakit ka nandito?.", mahinang saad ko sabay kuha ng cp at magtetext dahil may signal na kaso.

"Anong ginagawa mo?.", sabi nito saakin.

Tumingin lang ako dito pero inirapan lang ito. Sa aking text nakasaad ang:
Ma, sorry kung hindi ako makatawag wala kasi ditong signal eh. Isenend ko ito pero not send ang lumabas. Urggh! bumalik na naman sa dating walang signal. Huminga ako ng malalim sabay tayo at akmang aalis ngunit nagsalita ito ng mahina.

"Ang taray naman nitong babaeng to hindi namamansin.", mahinang sabi nito.

Akala niya siguro hindi ko narinig. Lumingon ako dito nakataray sabay alis. Bahala siya sa sarili niya. Nakasalubong ko ang mga kaibigan nito sa hagdan na nakatingin sa akin. Ano nanaman tingin tingin nito kala mo naman multo kong makatingin. In-snob ko lang ang mga ito hanggang sa nalampasan ko ito. Nang makita ko na wala sa paningin ko mga ito ay tumigil ako at napasandal sa pader sabay himas himas ng aking dibdib. At napabuntung hininga ako ng malalim. Muntik na ko dun ba't ba kasi ganun pagnakikita ko siya. Haisst But deep inside I'm happy to see him. Napangiti ako ng dahil sa nangyari sabay alis. 😊














Jasper POV:

Kinausap ko naman ito ng matino pero kahit anong sabihin ko hindi ako nito pinapansin. Magsasalita lang ako pero titingnan lang ko sabay tingin sa cp. Maya-maya at may tumaas, napalingon ako dahil si Alfred lang pala ito.

"Oh Jasper sino yung babaeng yun?.", sabi sakin ni Alfred. Napangiti na lang ako dahil chickboy ito pero tsismoso na din pala.

"Ang taray, snob pa.", dugtong pa nito.

Hindi na lang ako nagsalita bagkus ngumiti na lang.

"Teka siya ba yung nakilala mo sa mall?.", curious na sabi nito.

Wow ha? Pano nila nalaman? Alam pala nila. Alan kong isa lang ang may alam nito. Haisst si Robert talaga madaldal. Tumango na lang ako dito na nakangiti sabay akbay dito.

"Halika na nga baka hinahanap na tayo.", sabi ko na nakangiti.

Pumunta nga kami sa aming kwarto at nadatnan sila Robert na naghahanda ng pagkain. Maya-maya ay inalok na kami nito at kumain na. Nakangiti si Alfred habang kumakain.

"Oh Alfred ba't ang saya mo ngayon?.", sabi ni Albert.

"Ooy wala ah?.", sabi ni Alfred.

"Eeh.. Bakit ka ganyan?.", sabi ulit ni Albert.

"Wala lang naalala ko lang kasi siya.", nakangiting sabi ni Alfred.

"Kinikilig.", sabi ni Jasper sabay siko nito ngunit tumawa lang.

"Sabi na nga ba eeh... Sino siya?.", sabi ni Jasper.

"Si Althea.", sabi ni Alfred.

"Bakit siya?.", sabi naman ni Robert.

"Sweet kasi siyang kasama.", nakangiting sabi ni Alfred.

"Aahh!..", sabi nila Albert at Jasper.

"May pagtingin ka ba sa kanya?.", tanong ni Robert dito.

"Ewan.", sagot nito.

"Kunyari ka pa kita naman. Kung ngumiti wagas.", sabi ni Jasper sabay siko ngunit tumawa lang si Alfred.

"Oohhhy?!!!...", sabay na sabi nila Robert at Albert.

"Tama na nga yan. Kain na tayo.", sabi ni Alfred.






















Lydie POV:

Sunday na at nandito kami sa kwarto namin ng may magsalita sa speaker.

📢 All students, prepare your things because in several minutes were already in Virgin Island. 📢

Sa pagannounce nito at nagsigawan ang mga studyante at mukhang excited na excited.

"Oh malapit na tayo sa isla.", sabi ni Yil.

"Yes! Malapit na tayo.", sabi kong sumasayaw.

"Oh mga gamit natin. I-prepare na para walang makalimutan.", sabi ni Yil.

"Lahat prepare na. Charan!.", sabi naman ni Tallia.

"Thanks Bhest! Galing mo talaga.", sabi ni Yil sabay yakap kay Tallia.

Lahat kami nagyakapan at sabay ding tumawa.






















Bernadette POV:

Sa kwarto na kami lahat at ok na ang aming gamit.

"Guys this is it! I'm getting be excited.", masiglang sabi ko.

"Me too.", sabi naman ni Thea.

In 45 minutes may nagsalita sa speaker ulit.

📢 Students get out of your rooms now because were here at Virgin Island 📢

Pagkatapos magsalita ng speaker ay nagsigawan ang mga studyante sa excited.














Author's Note:

Welcome to Virgin Island Guys! Hope you enjoy, socialized with others, and discover new especially what's the secret behind there. Time for you to shine!

#RoyalTeenAcademy
#@NikitaGoldenViolet

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon