RTA: Debating

51 4 0
                                    

Swimming Class

Pricillia POV:

Pinupunasan ko ang aking buhok ng tuwalya ng tawagin ako ni Yil kung kaya't napalingon ako dito.

"Bhest hindi ka pa ba sasama samin?.", sabi ni Yil.

"Sige na mauna na kayo. Susunod na lang ako.", sabi ko habang pinupunasan pa rin ang aking buhok.

"Sinabi mo yan ah?.", Lydie smiled.

"Oo promise.", sabi kong ngiti sa kanila.

Umiinom ako ng tubig ng mapagpasyahan ng tatlo na umalis na. Kumaway pa ako dito bago pumunta sa swimming pool. Nagwawarm-up muna ako bago magpractice. Huminga muna ako ng malalim bago magdive kaso may kung anong tumulak sa akin kung kaya't nahulog ako sa tubig.

"What the hell!.", sabi ko ng makahuma ako.

"How it feels?.", sabi ng demonya habang naglalakad paparoon paparito.

"Ano bang problema mo?.", angil ko dito. Sa totoo lang ako ang nahihilo sa kanya habang naglalakad.

"Pasalamat ka yan lang ginawa ko sayo.", sabi nito ng harapin ako nito habang nasa tubig pa rin ako.

"Ano bang ginawa ko nanaman sayo?.", sabi ko habang papaahon sa tubig.

"Madami.", mapaklang ngiti nito.

"Pwede ba Bernadette wala akong ganang makipag-away sayo.", walang ganang sabi ko sabay kuha ng gamit. Aalis na sana ako ngunit hinatak ako nito paharap sa kanya. Ano bang problema ng mga tao? Ayaw ka ngang kausapin hahatakin kapa pabalik sa kanya.

"Wag kang bastos at kinakausap kita!.", paangal na sabi nito sakin.

"Hindi sa pagiging bastos Bernadette! Sadyang marunong lang talaga akong lumugar.", paangil ko ding sabi sabay kabig ng braso ko na hawak nito.

"Why? Are you afraid?.", sarcastic nitong sabi sa akin. Naghahanap talaga ng kaaway itong demonyang ito.

"Hindi! Marunong lang kasi akong makibagay hindi katulad mo.", sabi ko ng sampalin ako nito. Halos mabingi ako sa sampal nito na tila ba nageecho sa loob ng swimming pool. Nagtatagis ang panga ko ng harapin ulit ito.

"Sadyang napakatulis ng dila mo kaya dahan-dahan ka sa pananalita mo!.", galit nitong sabi. Tamaan ka lang sana demonya ka. Pero lintik lang ang walang ganti! Masakit sampal niya hah!

"Pwes! Ayusin mo ugali mo! Wag mong sikaping maubos pasensiya ko sayo.", gigil na sabi ko dito.

"Isa lang naman kasi ang gusto kong gawin mo. Ayokong makita pagmumukha mo at huwag kang lalapit kay Robert.", sabi nito. Wow! Makautos talagang demonyang 'to. Feeler! Pero what?! Huh! Napangiti ako dito na parang loka-loka. Haler?! Ano ko utosan?! Nanay ko ngang hindi ako inuutusan ng ganyan? Ikaw pa kaya?! Nahihibang na ata itong babaeng to.

"Sadyang napakalaki ng campus ngunit napakaliit ng distansiya natin para hindi tayo magkita. Speaking of Robert. I don't think so.", sabi ko dito sabay alis.

"Hindi ako papayag na lumapit ka kay Robert! Ahh!!!.", sunod-sunod nitong sabi habang nililisan ko ang swimming pool. Inis na inis ito ngunit wala akong pakialam.














Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon