RTA: Stressed

76 5 0
                                    

Mrs. Lopez POV:

Nasa labas na kami ng office ng magsalita si Mrs. Illanza.

"Oh mare, mauna na ko sayo.", paalam niyang sabi sa akin.

"Oh sige. Ingat ka.", sabi ko dito.

"Ikaw din.", sabi naman nito sabay alis.

Pumunta ako sa car park kung saan nakapark ang aking kotse. Habang naglalakad ay hinihilot ko ang aking batok. Feel na feel ko ang pagod habang hinihimas himas ko ang aking batok pagpasok ko sa kotse. Nagdadrive ako ng biglang nagvibrate ang aking phone at sinagot ito.

"Hello.", sabi ko sa phone ko.

"Oh Hon musta na?", sabi ng nasa kabilang linya, ang aking asawa.

"Ok naman ako. Eeh ikaw musta na work niyo sa Cebu.", sabi ko sa kanya.

"Heto kakatapos palang at nagpapahinga na. Eeh ikaw?.", taking nito sa akin.

"Papunta na sa bahay.", sabi ko dito.

"Ingat kayo diyan.", sabi nito sa akin.

"Ikaw din magiingat ka din diyan Hon.", pagaalala kong sabi sa kanya.

"Sige magpapahinga na ko dahil bukas ng umaga may gagawin pa kaming plano sa bahay.", sabi ng aking asawa.

"Ok sige. Bye.", sabi ko bago i-off ang cp.

Maya-maya ay nasa harapan na ako ng bahay namin. Bumusina ako at agad namang binuksan ng among yaya ang gate at agad namang pumasok ako at ipinark sa gilid. Napabuntong hininga ako dahil sa wakas ay makakapagpahinga na ako. Agad namang sinalubong ako ng aking Mama at nakipagvesto dito.

"Oh anak musta na work mo?.", tanong sakin ni Mama.

"Heto mabuti naman.", walang ganang sagot ko dito.

"Kumain kana ba?.", tanong nito sa akin.

"Hindi pa Mama.", sabi ko dito.

"Oh siya pasok na tayo at ipaghahain kita ng pagkain.", sabi nito sa akin.

"Mamaya na lang siguro Mama. Wala akong ganang kumain.", sagot ko dito sabay lagay ng aking bag sa sofa.

"Ayan ka nanaman Alesha. Masyadong pinapabayaan mo ang iyong sarili. Bigyan mo din kasi ng kahit konting pahinga sarili mo. Puro ka na lang kasi subsob sa trabaho.", sermon ng mama ko.

"Ma hindi maiwasan eh tsaka madami akong ginagawa sa companya.", komento ko dito.

"Eh hindi naman porquet madami kang ginagawa eh hindi kana hihinto o kakain man lang. Pwede mo namang ipagawa yung iba sa mga kliyente mo.", sabi nito.

"Eh alam mo naman Mama na hindi ko pwedeng iasa sa kanila at may ibang ginagawa din sila.", sabi ko.

"Hay naku Alesha ayan ka nanaman kung nandito lang si Robert sesermonan ka nanaman nun. Tingnan mo nga sarili mo? Hindi kana bata para pagsabihan pa. Alam kong alam mo na kung ano ang tama. Oh siya halika ka dito at kumain ka. Di pwedeng pabayaan mo na lang sarili mo. At hindi din maganda na subsob ka lagi sa trabaho eh walang natatanggap na.pagkain ang tiyan mo.", mahabang litanyang sabi sa akin ni Mama na papuntang kitchen.

"Hayy.. Oo na po Mama.", sabi ko at sinundan ito.

"Nga pala sabay na tayong kumain. Kanina kasi wala akong kasama kaya hinintay na kita.", sabi nito sa akin ng pagupo ko sa harapan ng madaming pagkain.

"Ok.", tipid na sabi ko.

"Heto nga pala inumin mo para matanggal ang stress mo. Masarap yan at masustansiya.", nakangiting sabi nito sa akin.

"Salamat Mama.", nakangiting sabi ko habang kinuha ito.

"Oh siya sige kain na tayo.", sabi nito sa akin at kumain na nga kami.





















Mrs. Montañez POV:

Naglalaro ng remote control si Alliyah sa TV ng tawagin ko ito. Oras na kasi ng pagkain ay hindi pa pupunta sa hapagkainan ito.

"Anak tara na Kain na tayo.", sabi ko dito.

"Game over. Ano ba yan.", sabi nito at pinatay ang TV sabay punta sa mesa.

"Oh heto ubusin mo yan tapos inumin mo tong gatas na to. Tara kain na tayo.", sabi ko dito na tumango naman.




















Author's Note:

Pasensya na po kung medyo maikli itong chapter na to. Don't worry sa next update ko dadamihan ko. Daming silent readers from the previous chapter paramdam naman po kayo diyan. 😊

#RoyalTeenAcademy
#@NikitaGoldenViolet

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon