RTA: Concerned

51 4 0
                                    

Soccer Field:

Nakaupo si Jasper sa bench na malayo ang tangin at tiwala. Tinawag ito ng kanyang coach para sumama sa laro. Tumakbo siya dito at sinimulan ang 1st quarter ng game. Habang naglalaro ay nahahalata ng kanyang coach na parang wala itong ganang maglaro, ni hindi nga ito makuha ang bola, madaling mapagod at naglalakad na lang sa kanyang teammate. Pumiti ito sa kanya at tinawag siya nito. Alam niyang pagagalitan siya nito kaya hindi na siya lumapit dito papunta sa bench. Kinuha niya ang tuwalya para magpunas ng pawis ngunit naiinis siya kaya naihampas niya ang tumalya sa kanyang bag. Nahilamos niya ang kanyang mukha sabay kuha ng bottle para uminom. Pagkatapos nagawa na lang niyang umupo para panuorin sila Robert na nagpapraktice. Nakatingin nga ito kanila Robert ngunit lutang ang kanyang iniisip. Naalala pa din niya nung kinakausap niya ito ngunit hindi ito kumikibo at ang ikinagulat niya bigla na lang siya nitong sinampal ng walang dahilan.

"Wag mo akong hawakan.", singhal nito.

"Yil anong nangyayari sayo?.", nakakunot ang noo ko dito na tila ba hinihintay ang kanyang sagot. Mukhang umiyak ito kaya nag-aalala ako para dito.

Napapaisip ako kung ano ba talagang problema nito ngunit wala akong mahagilap na dahilan kung ano ba talagang problema nito. Lately kasi masaya pa ito pero sa ngayon ay hindi ko na alam. Nawala lang ang iniisip ko ng may magsalita sa harapan ko. Tumingin ako at si coach nga ito.

"Jasper ok ka lang ba? Mukhang ang dali mong mapagod, imbes na tulungan mo ang kagrupo mo ay lumalakad ka na lang.", saad nito na konti na lang ay magagalit na.

Hindi ako sumagot bagkus ay uminom na lang ng tubig.

"Jasper may problema ba?.", tanong ni Coach. Sa totoo ay wala akong problema pero ng dahil sa malungkot ang importanteng babae para sa akin ay nalulungkot din ako.

"Pasensiya na coach madami lang po kasi akong iniisip lately.", saad ko. Napapaisip kasi ako kung kumusta na kaya siya?.

"Palalagpasin ko ang ginawa mo sa ngayon pero sa susunod na ginawa mo yan ay may consequences na yan.", saad ni coach sabay punta sa kanila. Nagtipon ang mga ito at nag-uusap habang tinatanggal ko ang damit ko. Nagpalit lang naman ako ng tshirt dahil ayokong matuyuan ng pawis.

"Dude! Anong nangyari at mukhang naiinis sayo si Coach?.", saad ni Alfred. Nakalapit na pala sila sa akin.

"Wala pagod lang ako.", saad ko habang kinukuha ang mga gamit ko.

"May problema ka ba Jasper?.", tanong ni Robert sakin.

"Wala akong problema Robert. Ok lang ako. Sige mauna na ako sa inyo.", paalam ko sa kanila sabay alis.

Habang naglalakad paalis sa kanila ay isa lang naman ang iniisip ko. Kumusta na kaya si Yil?
























Yil POV:

Ng makabalik ako sa bahay ay deretso agad ako sa kwarto ko at doon binuhos lahat ng hinanakit ko at nasasaktan ako kasi yung taong mahal ko ay mukhang nagkakamabutihan na pala sa babaeng ayoko ko-and that was Ashly.

"Yil anong nangyayari sayo?.", malungkot na saad ni Jasper. Nakakunot ang noo nito na tila ba hinihintay ang aking sagot.

Naalala ko ang katagang yan nung nasa 3rd floor ako na nakatingin sa dapawang couple. I feel jealous about them. Eventhough I smiled bitterly but deep on my heart is I'm totally loss. But then may tumapik sa likod ko kung kaya't agad naman akong napalingon. Sh*t! It's Jasper na nakangiti sa akin. Para kasing bumalik yung sakit na sinabi sa akin ni Ashly kung kaya't hindi ko ito inintindi na para bang hindi ko ito kilala sabay tingin sa di kalayuan ngunit nagsalita kaagad ito. Kinakausap ako nito ngunit hindi ako sumasagot. Bumaba na ako para umalis ngunit panay pa din ang tanong nito sa akin kung kaya't nainis ako dahil ayoko muna siyang makausap. Dahil sa galit ay nasampal ko ito. Nagagalit kasi ako dahil sa mga araw na nakasama ko ito ay laro lang pala. Akala ko ay gusto nito yung mga time na pagtumingin ito sa akin ay parang ako lang ang babae sa mundo. At higit sa lahat nung ipinagtanggol ako nito sa hindi niya kakilalang lalaki. Naramdaman ko ang takot at pagaalala sa kanya. Alam kong nabigla ito sa pagsampal ko ngunit nasasaktan kasi ako. Kita ko sa mga mata nito ang pagaalala nito para sa akin. Totoo kaya ang sinabi ni Ashly?. Pero iba ang sinasabi ng utak ko kesa sa puso ko. Hanggang sa nasinghalan ko ito.

"Yil kumain kana ba?.", katok ni Mama sa pintuan kung kaya't napabangon ako sabay punas ng luha sa aking mga mata.

"Ma! Mamaya na lang po. Tirahan niyo na lang ako.", saad ko dito na tumutulo pa rin ang aking luha.






















Royal Teen Academy

Pricillia POV:

Kasama ko sila Yil, Tallia at Lydie dito sa garden. Ito kasi yung tambayan namin kapag tapos na kaming kumain sa canteen. Habang nakaupo ay wala pa din kaming imikan. Ano kayang problema ng mga ito? Kapag tinanong ko naman sasabihin nila ok lang sila. Naalala ko nung isang araw na umiiyak si Yil. Hindi ko alam kung anong nangyari dito pero panay lang ang iyak nito. Pilit nitong magexplain kaso natatakpan ang kanyang boses sa iyak nito. Tiningnan ko ang aking relo at ilang minuto na lang ay swimming class lesson na kami. Siguro mamaya ko na lang sila kakausapin ng masinsinan pero bago muna yan ay makikinig muna ako sa bagong song ni Katy Perry ngayon na Chained To The Rhythm. 😊 Naeexcite kasi ako pag-pinapakinggan ko ito. I love it! ❤

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon