Yil POV:
Naisip kong pumunta sa Mall para bumili ng pagkain na pwede naming gawing snacks habang gumagawa ng project. Bumili ako ng 2 malaking coke at iba't-ibang klaseng chippy, nova, potato chips, at piattos. Madami ang dala ko habang papalabas ng mall sabay punta sa gilid para maghintay ng taxi. Habsng naghihintay ng taxi ay sumusulyap-sulyap ako sa relo. Wala pa din kasing taxi ang nagpapasakay sa akin kung hindi sa may sakay ay nauunahan ako kaagad. Maya-maya ay may lumapit sa tabi kong isang lalaki. Napalingon ako dito siguro ay naghihintay din ng kotse. Bigla akong naalarma dahil hinawakan nito ang aking braso.
"Sino ka?.", sabi ko na nagpupumiglas dito.
Ngumiti lang ito sabay hula sa akin kung kaya't binigatan ko ang aking sarili.
"Bitawan mo ako!.", sabi ko dito ngunit parang hindi ako nito narinig.
Panay pa din ang pagpupumiglas ko dito ng hawakan nito ang dalawa kong braso dahilan para mahulog ang dala-dala kong pagkain.
"Bitawan mo ako sabi!.", singhal ko dito dahilan kung kaya't napasigaw ako para humihingi ng tulong.
Napapikit ako kasabay ng pag-alpas ng aking luha ng akmang susuntukin ako nito ngunit dinig kong may bumagsak malapit sa tabi ko. Aking iminulat ang dalawa kong mata at nakitang nakabulagtak na sa sahig ang lalaki na hindi ko kakilala. Isang suntok ang tumama dito ngunit sumugod ang kawalan para saksakin ang tumulong sa akin pero kanya itong nailagan. Nabigla ako dahil ang tumutulong sa akin ay ang lalaking matagal ko nang gusto. Aminin kong masungit ako dito sa una parati pero ginagamit ko lang ang aking kasungitan para hindi agad ako bumigay. Hindi ko aakalain na ang pagsusungit ko dito ay magiging kabaliktaran sa mangyayari. Mas lumaki lamang ito noong nandoon pa kami sa Virgin Island at mas lalong tumindi nang halikan niya ko sa noo nang gabing iyon. Napatakip ako ng aking bibig para pigilan ang pagiyak dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya. Ng dahil sa akin ay mapapahamak siya. Nakita kong gumanti ito ng suntok at sipa hanggang sa napatumba nito ang lalaki. Tamang tama ay may nakakita sa aming dalawang pulis na agad namang tumakbo palapit sa amin. Nagpapasalamat ako dahil walang nangyari sa kanya.
Jasper POV:
Pinaupo ko ito sa bench dahil tulala lang ito samantalang panay ang explain ko sa dalawang pulis. Nakaposas na ang lalaking humihila kay Yil ng pasakayin sa loob ng kotse. Lumapit ako dito na nag-aalala. Agad kong hinawakan ang kanyang mukha at pinahid ang kanyang mga luha.
"Ok ka lang ba?.", nagaalalang sabi ko dito. Alam kong hindi ito ok pero nagpapasiguro pa din ako.
"Oo.", sabi nito na naiiyak.
"Nasaktan ka ba niya?.", tanong ko ulit dito.
"Hindi naman masyado.", saad nito.
Nagpaalam na sa amin ang 2 pulis ng sumakay sa kotse kasama ang lalaki. Nakita ko na niyakap ni Yil ang kanyang sarili habang pinupulot ko ang mga binili ni Yil.
"Ang dami nitong dala mo. San ka ba pupunta?.", tanong ko dito.
"Kay Tallia.", sagot nito.
"Tara ihatid na kita at kung mapano ka pa sa daan.", sabi ko sabay hawak sa kamay nito.
Habang nagmamanehong kotse ay nahahalata kong mukhang takot ito at naiiyak habang nakadungaw sa salamin. Yakap nito ang kanyang sarili at tila nanginginig. Pinahinto ko ang aking sasakyan sa gilid kung saan may gwardyang nagbabantay. Naaawa akong hinawakan ang kanyang kamay sabay hawak sa mukha nito papunta sa akin. Napagtanto kong umiiyak nga ito dahil sa labis kong pagaalala ay agad ko itong niyakap sabay hagod sa kanyang likuran para tumahan na sa pagiyak.
"Tahan na wag kanang umiyak. Safe ka naman na at sigurado akong nakakulong na yon sa prisinto.", sabi kong malumanay.
"Salamat sa pagligtas mo sa akin ha? Kung hindi dahil sayo baka mas malala pa yung nangyari sa akin.", nahihiyang sabi nito habang pinupunasan ang kanyang luha. Binigay ko dito ang aking panyo at agad nama niyang tinanggap ito.
"Walang anuman.. Pwede wag kanang umiyak? ", saad ko sabay ngiti dito.
"Sorry...", sabi nito sabay punas ng kanyang luha sa gilid ng kanyang mata.
"Baka kasi paghatid ko sayo mahalatang umiiyak ka at ako sisihin.", saad ko dito kung kaya't napangiti ko ito sa wakas kasabay ng pagpaandar ko ng kotse.
"Mas gusto ko yung ikaw kapag ngumingiti kesa naman sa nagsusungit.", pagiiba ko ng usapan dito.
"Bakit?.", tanong nito sa akin.
"Mas maganda ka kasing tingnan pag ngumingiti kesa naman sa laging kang masungit.", ngiti ko dito.
"Ok.", tipid nitong sabi sabay tingin sa bintana. Napangiti ako dahil nakita kong nakangiti ito habang nakatitig sa labas.
Nasa labas na kami ng bahay ni Tallia ng pagbuksan ko si Yil ng pintuan.
"Salamat sa paghatid.", pasasalamat nito.
"Walang anuman.", nakangiting saad ko.
Pumunta ako sa likod ng kotse sabay kuha ng mga gamit na dala ng mahal ko este ni Yil.
"Ako na lang bibitbit niyan tutal kaya ko naman.", sabi nito.
"Wag na ako na lang. Dalhin mo na lang yang para sa projects mo.", sabi ko dito. Malamang ayoko siyang mahirapan.
"Ok.", she smiled.
Pumunta na nga kami ni Yil sa loob ng gate. Mga ilang minuto ay nasa harap na kami ng pintuan na sabay doorbell.
Maya-maya ay may bumukas ng pinto.
Nagulat kami dahil si Albert ang nagbukas ng pinto."Hi Yil.", bati niya kay Yil.
"Albert? Anong ginagawa mo dito?.", di makapaniwalang sabi ko dito."Long story pare mamaya ko na lang siguro sasabihin sayo.", sabi nito.
Agad kaming nagkatinginan ni Yil at napailing na lang ako.
"Tara pasok na kayo.", yaya ni Albert sa amin kung kaya't pinapasok ko muna si Yil bago ako.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...