RTA: Worst Practice

64 4 0
                                    

Albert POV:

Panay ang practice namin dahil sa papalapit na City Meet kung saan maglalaban laban ang mga manlalaro sa iba't-ibang eskwelahan. Habang malayo pa ang City Meet ay hinahasa na kami ni Mr. Chao para ready kami sa kahit ano mang pwedeng mangyari sa loob ng field.

Maya-maya ay pumito agad si Mr. Chao para magsimula na ang laro.  Halos magdadalawang oras na kami sa kakalaro ng pumito si coach bilang sign na breaktime namin. Batid kong galit ito habang papalapit sa amin. Hindi kasi maayos ang paglaro namin. Madali kaming mapagod, karamihan sa amin ay naglalakad na lang, laging pasahan, laging nagbabanggan, yung iba naman umaasa na lang kung sino ang maggogoal.

Lahat kami ay nasa bench ng harapin kami nito. Hawak hawak nito ang mineral bottle pati na rin ang cap nito.

"Albert, Alfred, Robert at Jasper. Anong nangyayari sa inyo? Wala na ba kayong ganang maglaro?.", galit na sabi nito na agad kong ikinatingin sa malayo.

"Hindi lang kayo nagpractice ng 2 linggo ay mahina na kayo. Simpleng pag-agaw sa kateammates mo ng bola hindi mo magawa?", reklamo nito sabay upo sa harapan namin. Napabuntong hininga ako dahil pati na rin ako ay napapagod na rin.

"At simpleng instructions hindi kayo sumusunod sa rules and regulations.", dagdag nito sa amin. Hindi ko alam pero masasabi kong worst talaga ang practice namin. May nagkakabanggaan, out of bonds at laging may penalty kick.

"Ikaw Jasper, captain ka sa kanila dapat magpakita ka ng kakayahan na magpapagaya sa mga ka-teammate's mo. Nasaan ang angas mo sa paglalaro at determinasyon mo para maipanalo mo ang team mo sa opponent mo.", saad nito habang nakatingin kay Jasper. Nakayuko ito at alam kong malalim ang iniisip nito.

"At kayo aasa na lang kayo kung sino ang maggogoal?.", sermon niya sa ibang teammates ko.

"Sorry coach.", sabi ng ibang teammates ko kay coach.

Panay pa rin ang sermon sa amin ni coach hanggang sa pinauwi na kami nito. Yung iba naglalaro pa sa field habang kami naman ay nagaayos na ng gamit. Umuwi na din si coach dahil may important pa raw siyang gagawin kaya nauna na sa itong umalis.

"Pasensiya na guys wala kasi akong ganang maglaro ngayon.", saad ni Jasper sa amin. Alam kong madami din itong pinagdadaanan at kakagaling pa lang nito sa sakit kaya naiintindihan ko.

"Ok lang yun ano ka ba pare-parehas lang naman tayo.", saad naman ni Robert ng akbayan siya. Naglalakad na kami paalis ng field.

"Kumusta pala lakad mo Alfred kay Tallia?.", tanong ni Jasper kay Alfred. Agad kaming napatingin dito habang hinihintay ang sagot nito.

"Hindi ko alam dude hindi niya kasi pinapakinggan paliwanag ko. Sa ginawa ko mas lalong nasasaktan ko tuloy siya.", malungkot na sabi ni Alfred.

"Eh ikaw Jasper.", saad naman ni Robert dito.

"Ayun kinausap ko ng masinsinan si Ashly at sinabi niya sa akin lahat. Alam kong nasaktan ko rin siya pero pakonti konti pinapaliwanag ko sa kanya at mukhang naiintindihan naman niya.", saad nito na bakas sa mukha nito ang pagkalungkot. Sana magkaayos na sila ni Ashly at maintindihan naman ni Yil.

"Tara kain tayo sa canteen?.", alok ni Jasper sa amin.

"Sige ba basta libre mo.", nakangiting  sabi ko.

"Saka na. Kapag naayos na problema ko ililibre ko kayo kahit saan niyo gusto.", saad naman ni Jasper.

"Sinabi mo yan ah?.", Alfred said. Napangiti ako dahil alam kong isa lang naman ang gusto naming puntahan at yun ay ang sweet treat shops.

"Oo nga. Tara na sa canteen.", saad nito ulit. Tawa kami ng tawa papunta ng canteen.

Pumunta nga kami sa canteen at nag-order ng special bihon na alam kong luto ni Ate Lyrenne. Ngumiti pa ito ng makita kami at nagsign ng ok pati na rin kami. Maya-maya ay inihatid na nito ang pagkain pati na rin ang coke.

"Mukhang katatapos lang ng practice niyo. Alam kong gutom kayo kaya dinamihan ko na.", nakangiting sabi ni Ate Lyrenne sa amin habang inilalapag ang order namin.

"Salamat Ate Lyrenne.", saad ko dito.

"Walang anuman. Kumusta na kayo?.", saad nito.

"Mabuti naman Ate Lyrenne. Ikaw po?", agad na sabi ni Robert. Napangiti ako dahil doon.

"Ok naman ako dito. Nakikita niyo pa ba sina Yil, Pricillia, Tallia, at Lydie?.", malungkot na sabi nito.

"Bakit po Ate Lyrenne?.", saad ni Jasper dito na mukhang nagaalala katulad namin.

"Mukha kasing madalang ko nang nakikitang kumain ang apat na iyon dito simula nung nangyari ang hidwaan nila sa SAUGASHIMADA... Nag-aalala na din ako sa kanila kung ano ng nangyari sa kanila.", sabi nito ng maipatong lahat ng pagkain pati na rin ang toyo at lemonsito. Agad kaming nagkatinginan sa hindi namin maipaliwanag na dahilan.

"Hidwaan? Bakit ano pong nangyari?.", corcerned na sabi ni Alfred na mukhang malalim ang iniisip. Pati ako ay hindi makapaniwala na may nangyari dito.

"Hindi ba nila sinasabi sa inyo?.", takang sabi nito habang nakatitig lang sa amin.

"Na ano?!.", saad namin na ikinabigla ni Ate Lyrenne pati na rin ang ibang studyante ay nakatingin na sa amin.

"Sorry.", saad ni Jasper.

"Sige po Ate Lyrenne ipagpatuloy niyo na po.", kalmang sabi naman ni Robert.

"Wala ako sa posisyon para magsabi sa inyo nang lahat pero bilang nakakatanda sa inyo ay sa tingin ko sumusobra na ang SAUGASHIMADA.", saad ni Ate Lyrenne habang kami ay nakikinig lamang sa sinasabi nito.

"Alam kong malaki ang galit ng SAUGASHIMADA sa kanila pero hindi ibig sabihin nun ay pwede nilang saktan kahit kailan ng sapilitan ang mga batang iyon. Pero kahit alam kong ayaw nila Yil na makipag-away ay napipilitan silang gawin iyon lalong lalo na si Pricillia.", seryosong sabi nito habang kami ay nakaupo lang at walang imik.

"Kahit alam kong nasasaktan na sila ng sobra nakikita ko pa ding ngumingiti sila na para bang walang nangyari.", saad nito pero ramdam kong nasasaktan ako dahil alam kong may mali din akong nagawa sa kanya.

"Pero masaya ako sa kanila dahil nakikita ko silang masaya katulad ng dati marahil siguro dahil sa boyfriend nila.", saad ni Ate Lyrenne na ikinagulat namin.

"Boyfriend?!.", sabay naming sabi na gulat pa rin. Boyfriend??? Para tuloy akong nanghihina sa pagkarinig ko nun.

"Hindi ako sigurado pero sa jersey palang nung isa ay mukhang basketball varsity ang mga kasama nila. Sa pagkakatanda ko ay kasama nila sina Albie at Jacques raw ang pangalan.", saad ni Ate Lyrenne na ikinatingin namin ni Jasper.

"Sige ha? Maiwan ko muna kayo at madami na ang bumibili sa counter.", paalam ni Ate Lyrenne na ikinatango namin sabay alis nito.

Agad akong umalis kahit tinatawag ako ni Robert. Tuloy tuloy lang ako ng lakad dahil gusto ko nang umuwi sa bahay to punch that bastard pero mapaglaro yata ang tadhana dahil nakita ko si Lydie'ng nakaupo lang sa garden. Tila umiiyak ito habang pinaglalaruan ang hawak na bulaklak. Albie!!! Napakamao ako sa galit habang papalapit dito.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon