RTA: Dance with You

69 4 0
                                    

Lydie POV:

Naguusap kami ng nagsalita si Britney.

"Hi Jasper!", nakangiting sabi ni Britney na ikinagulat ni Yil. Nagtaka man ako sa ikinilos ng aking bhestie ay pinabayaan ko na lamang ito sabay lingon namin sa aming likuran. Maya't-maya lumingon na din si Yil. He's hot and totally handsome tonight on which he's wearing a v-neck buttons behind the T-shirt, black pants same with his Nike shoes. Gwapo ito hindi na ako kokontra, fair complexion, at matangkad din siguro mga nasa 5'7 or 5'9 and tangkad nito.

"Hi guys!.", nakangiting sabi nito sa amin sabay tingin kay Yil na parang nagagandahan sa kanya. Wow ha? naoobserbahan ko tong dalawang to parang may something. May gusto kaya to si Jasper kay Yil? Hmm.. umamin na.

"San yung mga kaibigan mo?.", nagtatakang tanong naman ni Britney sa kanya. Oo nga mukhang nag-iisa lang ito.

"Kasama ata yung friends nila.", nakangiting sabi ni Jasper. Mukhang hindi pa sigurado sa sagot.

"Guys, dun muna ko sa sofa.", sabi ni Tallia.

"Sige ingat ka Bhest.", sabi ni ko dito. Malayo din kasi yung sofa na pwesto namin dahil sobrang lawak nito.

"Sige bye!.", nakangiting sabi ni Tallia at kumaway pa sabay talikod sa amin.

"Halika sayaw tayo.", nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay niya. Nabigla ako sa biglaang sabi ni Jasper. Niyayaya niyang sumayaw si Yil? Yung totoo?.

"Ha?! A-ayoko.", pagpoprotesta ng bhestie ko even though I saw her blushing.

"Sige na sayaw tayo. Tara na.", nakangising sabi ni Jasper sa kanya papunta sa gitna kung saan sumasayaw ang karamihan na studyante.

"Guys, maiwan ko muna kayo ha?!.", pahabol na sabi ni Yil sa amin. Gulat ako sa mabilis na pangyayari kaso ngumisi na lang ako sa kanya sabay tawa namin. Sumulyap ako sa kanila Yil habang hawak hawak parin ni Jasper ang kanyang kamay papunta sa mga nagsasayawan.

"Sige kuha muna ko ng inumin.", paalam ni Lia sa amin sabay alis nito.

Nakaupo lang kami sa side habang naguusap-usap kami ni Britney. Napakaganda ng music habang nagtatawanan kami. Actually hindi ko alam kung saan nagsimula ang aming usapan pero nag-enjoy naman ako na kasama ko ito. Medyo napatagal na din ang aming usapan kung kaya't naisipan kung pumunta sa mga bhestie ko kung nasaan.

"Mukhang napatagal ang usapan natin ha?.", natatawang sabi ni Britney sa akin.

"Oo nga eh.", tawa ko ding saad.

"Nag-enjoy ako.", she said while smiling.

"Ako din.", nakangiting sabi ko sabay inom ng all season juice. Tumingin ako sa mga nagsasayawan ngunit hindi ko makita sina Yil at Jasper sa kung saang pwesto sila sumasayaw. Lumingon ako kay Britney at nakasmile din ito nanunuod sa mga sumasayaw.

"Ah Britney.. maiwan muna kita ha? Hahanapin ko lang sila.", sabi ko dito.

"Oh sige.", sabi nito. Tumayo na ako at nakipagvesto dito.

"Bye.", paalam ko dito sabay alis.

Pumunta na nga ako sa sofa pero hindi ko nakita doon si Tallia. San naman kaya pumuntang babaeng yun? Hay san kaya hahanapin ko mga taong yun sa laki pa naman ng lugar na to sabayan pa ng madaming tao. And besides mahihirapan talaga ako at madilim sa loob at kusang mga spotlights lang ang umiilaw. Lumilingon lingon ako sa paligid at kusang umaasa na baka makita ko ang mga bhestie ko kaso wala eh.

"Asan na kaya sila?.", sabi ko na lumilingon lingon pa rin para mahanap kahit isa sa kanila.

"Sinong hinahanap mo?.", narinig kong may nagsalita at lumapit ito sa bandang likuran ko.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon