Inside the classroom:
Habang nagsasalita ang teacher sa unahan ay nahahalata ni Britney na tahimik lamang sina Yil, Pricillia , Tallia at Lydie pati na rin sina Jasper, Robert, Alfred at Albert.
"Ang tahimik yata ng SAUGASHIMADA ngayon?", saad ni Britney kay Kurt.
"Huwag ka na lang makialam.", saad naman ni Kurt habang nakikinig sa guro.
"Nagsasabi lang naman.", sabay irap ni Britney. Napangiti si Kurt sabay pat sa ulo nito.
"Don't forget your assignment. Class dismiss.", Mrs. Cruz said.
Umalis na ang ibang studyante habang sila Yil ay nagaayos ng gamit. Lumapit sa kanila sina Jasper ngunit tila wala yata sa kanila ang pumapansin.
"Tara mga Bhest.", alok ni Lia sa kanila.
"Tara.", pagsasang-ayon naman ni Lydie dito.
"Teka sandali. Pwede ba namin kayong makausap kahit saglit lang?.", saad nito ng harangan sila Lia.
Nagkatinginan pa ang apat ngunit tila walang gustong makiusap sa kanila base sa expression ng mukha nila.
"Pasensiya na pero madami pa kasi kaming gagawin Alfred.", walang ganang saad ni Lia.
"Yil please?...", Robert pleaded.
"Sorry Robert pero madami pa talaga kaming importanteng kailangang tapusin.", Yil said then four leaves.
"Mukhang ayaw yata tayong kausapin...", saad ni Jasper na nakatanaw lang kay Yil sa malayo.
"Madami pang paraan mga dude. Tara.", Albert said then go.
Yil POV:
Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kesame. Agad kong sinulyapan ang sugat ko pero hindi pa rin siya gumagaling sariwa pa kasi ang sugat kaya medyo masakit. Tingin ko magkakapeklat ito dahil nahiwa ito pati na rin yung gasgas. Bumangon ako habang napapatingin sa bintana na tila yata may inaantay sa daan. Napaupo ako dito habang nakatingin sa langit na kung saan madaming sari-saring kumikislap na mga bituin. Napangiti ako dito pero alam kong pilit nga lang. Alam ko na masakit pa rin yung mga nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. Pero wala akong magagawa ganoon talaga ang buhay may kabiguan. Habang nakatingin dito ay agad namang tumulo ang aking luha sa hindi ko alam kung anong paraan. Marahil siguro dahil sa nararamdaman ko. Mga ilang minuto ay tumayo na ako papunta sa study table ko para buksan ang laptop ko. In-open ko ang Facebook at nagsearch ng magagandang destination na pwedeng puntahan ngayon summer. Wala pa kasi akong plano kung saan pupunta pero ang gusto ko sana ay maging masaya at makalimot sa kahit anong paraan. Maya-maya ay may nagchat sa akin-si Jasper.
Yil can we talk?. Sabi nito sa chat. Ano nanaman bang gustong pag-usapan nito? Tama na siguro ang mga sinabi niya sa akin pero ngayon heto nanaman siya magsisimula nanaman. Continuation nanaman ba to?
I think we don't have nothing to talk about. Send ko dito. Pagod na ako at ayoko na itong pag-usapan pa.
Not until you hear me first. Please Yil... Reply agad nito. Ang bilis magtype.
Not a chance Jasper. Send ko ulit dito.
Ashly tell me the truth. He replied. Heto nanaman tayo paulit-ulit na lang. Alam ko naman yung babaeng yun ang tama nun ay mali. Magaling pang magdrama at mapapaniwala ka kaya sino pa ba naman ang hindi maniniwala sa kanya?
YEAH IT WAS ALL MY FAULT AND MY INTENTION TO HURT HER!. I reply then send it to him. Caps Lock para maramdaman niyang galit talaga ako sa kanya. Aminin ko nang ako may kagagawan at kasalanan ko ang pagkahimatay niya tutal yun naman ang tingin niya sa akin eh... Naiiyak nanaman tuloy ako dahil doon.
Please don't say that. He replied. Pinunasan ko ang aking luha sabay tipa sa keyboard.
BUT YOU ALREADY DID!. I replied then send it.
Pagkatapos kong masend ito ay agad kong In-off ko ang WiFi sa laptop ko. Napahiga ulit ako habang tumutulo ang mga masasaganang luha ko. Maya-maya ay agad na tumunog ang cp ko ngunit in-off ko agad ito dahil alam kong kung sino ang tumatawag.
Kinaumagahan ay wala pa ring nagbago habang naglelesson ang aming guro. Tahimik pa rin kami kahit panay ang tingin sa amin ng mga kaklase ko. Siguro naninibago sila na hindi kami katulad noon sa kanila pero wala na din akong pakialam. Aaminin kong madami na ding nagbago sa akin kapag nagrerecite. Alam kong galit na rin ang iba sa akin marahil siguro sa nape-perfect ko ang ibang exam pero kapag tinatanong ako ng ibang kaklase ko sa math o sa chemistry kung paano ay sasabihin kong hindi ko alam. Nasa canteen na kami habang kumakain ng pasta ay panay tingin din ng ibang studyante sa amin marahil siguro tungkol sa kaguluhang nangyari sa garden pati na rin sa canteen. Wala pa rin kaming imik na tila yata may kanya-kanyang buhay at malalalim ang iniisip.
"Guys ok lang ba kayo? May sakit ba kayo?", tanong ni Britney dahilan para tumingin kami dito. Alam kong nag-aalala rin ito sa amin.
"Wala Britney wag mo na kaming pansinin.", Lia said habang iniikot ikot ang tinidor sa pasta. Mukhang wala atang ganang kumain.
"Sigurado kayo ah? Baka naman may problema kayo?.", saad ulit ni Britney. Alam kong nag-aalala ito sa amin pero masasabi kong magiging ok din kami.
"Wag kang mag-alala Britney wala kaming problema.", saad ko dito.
"Ok basta kung kelangan niyo ko nandito lang ako.", saad nito na ikinangiti namin.
Natapos ang klase ay umuwi na kami. Pinapasabay pa nga kami ni Tallia sa kotse niya kaso may pupuntahan pa ako kaya hindi muna ako sumabay. Sila Lydie at Pricillia din ata ay may pupuntahan hindi ko alam kung saan. Hindi ko na tinanong at baka personal.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...