Mga ilang oras ang lumipas at magaalas 5 na ng hapon kung kaya't dali-daling kinuha ni Lydie ang mga importanteng bagay na kanyang dadalhin. Tinext muna niya ang kanyang bhestie na papunta na siya sa bahay ni Tallia saka nagpaalam sa magulang. Habang papalabas ng bahay nakita niya na may nakatayong lalaki sa labas ng kanilang gate. Nakapamulsa ito habang sumisipol sipol habang nakasandal sa kotse na para bang may hinihintay ito. Saktong pagbukas niya ng gate ay agad namang napalingon ito sa kanyang kinatatayuan. Humarap ito sa kanya at kumaway.
"Hi!.", sabi nitong nakangiti.
"Anong ginagawa mo dito?.", deretchong tanong ni Lydie sa kanya.
"Gusto sana kitang yayaing kumain sa labas kung ok lang sayo.", yaya ni Albert sa kanya.
"Huh? Uhmm...", saad ni Lydie na napapaisip.
"Ok lang kung hindi pwede.", saad nito na tila ba nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Hindi naman sa ganun Albert. Wrong timing kasi eh.", agad na napakamot si Lydie habang sinasabi ito.
"Bakit may pupuntahan ka ba?.", tanong ni Albert dito.
"Oo importante kasi eh.", saad niya na naiilang.
"Ganun ba? Tara ihatid na kita.", yaya ni Albert sa kanya.
"Naku wag na magtataxi na lang ako.", refuse ni Lydie dito.
"Hindi. Ihahatid na talaga kita.", Albert said.
"Hindi magtataxi na lang talaga ako. Kaya ko naman", sabi ni Lydie sabay talikod dito.
Napatili si Lydie ng kargahin siya ni Albert pabalik.
"Bitawan mo ako.", pagpupumiglas ni Lydie kung kaya't tumigil sa paglakad si Albert.
"Ang kulit mo kasi sabi ng ihahatid na kita.", nakangising saad ni Albert.
"Ok bitawan mo na ko. Swear magpapahatid ako sayo.", saad ni Lydie dito.
Agad naman siyang binaba nito sabay hawak sa kamay ni Lydie para hindi na makapagkomento at sumunod na lang sa kanya. Walang nagawa si Lydie kundi ang sumakay na lang sa loob ng kotse. Habang nagda-drive ay pumunta muna sila sa Drive-thru ng Jollibee. Um-order si Albert ng 4 yum hamburgers, 2 large fries and coke.
"Kuha ka na lang kung magugutom kana.", saad ni Albert kay Lydie habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Salamat.", she smiled.
Kumuha si Lydie ng yum burger at coke. Tahimik lang sila habang kumakain.
"San ka pala pupunta?", tanong ni Albert dito.
"Sa bahay ni Tallia.", agad namang sagot ni Lydie dito.
"Anong gagawin mo dun?.", tanong ulit nito.
"Yung dun sa album project natin kay Ma'am.", saad ni Lydie habang nakatingin lang siya dito.
Tumango-tango lamang ito habang nakatutok sa daan.
"Nakagawa ka na ba?.", agad na tanong nito sa kanya.
"Hindi pa.", saad nito habang nakakamot sa ulo.
"Huh? Last submission na bukas diba?.", Lydie said.
"Gagawin ko na lang sa bahay.", sabi naman ni Albert sabay ngiti sa kanya.
"Ok goodluck sa album mo.", Lydie smiled.
"Thanks.", Albert smiled too.
Lydie smiled then take a sip to the coke.
Jasper POV:
Kasalukuyang pababa na ako ng escalator at gusto ko ng umuwi ng bahay. Pagod na din kasi ako at gusto ko nang makapagpahinga. Magsasama sana kami nila Albert, Robert, at Alfred na magja-jamming kami kaso busy daw sila at may pupuntahan. Napapangiti na lamang ako dahil kung sino ang nagyayari ay yun naman ang mga wala. Hindi ko na lang nireplayan kung saan sila pupunta kung kaya't ako na lang muna ang pumunta sa mall ng mag-isa. Palabas na ako ng mall sabay punta kung saan ang car ko nakapark ng makita kong isang babae na ayaw magpahawak at sumama sa lalaki. Hindi ko maaninag ang babae dahil nakatalikod ito na sa tingin ko ay kaedadan ko lamang. Madami itong dala at mukhang gustong tulungan ng lalaki.
"Bitawan mo ko.", sabi ng babae habang hinahawakan pa rin siya ng lalaki.
Ningitian ko lamang ito dahil siguro may LQ lamang ang dalawa. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at papasok na sana ako sa sasakyan ko ng marinig ko na mukhang hindi tama at mukhang may mali sa dalawa.
"Bitawan mo ako sabi!.", rinig kong sigaw nito kasabay ng pagpupumiglas nito.
Maya-maya ay hinihila na ang dalawang braso ng babae kung kaya't nahulog sa sahig ang mga binili nito. Nagpupumiglas na ito at humihingi ng tulong kung kaya't napatakbo ako dito.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
أدب المراهقين- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...