RTA: Confession

78 4 0
                                    

Pumunta si Pricillia sa front bar sabay upo sa stool.

"1 Ginger Cosmo please.", sabi ni Lia sa bartender. Ngumiti pa siya dito sabay tingin kanila Lydie at Albert na nagtatawanan. Lumingon siya sa bartender na ibinigay sa harapan nito.

Nakita ni Berna si Lia na nakaupo sa front bar.

"Excuse me guys.", maarteng sabi ni Pricillia. Pumunta ito sa front bar at nagsign sa waiter.

"Champagne.", sabi ni Berna sa waiter.

Sumisipsip lang si Lia sa martini glass habang nakatingin sa kanyang mga bhestie na nakangiti at nagtatawanan.

"Small world. At dito pa kita nakita.", sabi ni Berna kay Lia.

Tumingin lang si Lia sa kanya sabay lapag ng martini glass at akmang aalis kaso natisod siya nito. Buti na lang at hindi siya nadapa kung kaya't napalingon siya kay Berna na nakataas ang kilay.

"Oops! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo tingnan mo tuloy..", drama nito.

Sasagot sana si Lia kay Berna kaso agad siyang tinawag ni Tallia at lumingon dito.

"Best tara na tinatawag ka na nila.", sabi ni Tallia kay Lia sabay tingin kay Berna.

"Sige susunod na lang ako.", ngiti ni Lia kay Tallia.

"Oh sige.", sabi Tallia sabay alis sa kanila.

Tumaas ang kilay ni Pricillia at tumingin ulit kay Bernadette from head to toe.

"Baka nakakalimutan mo na may atraso ka pa sa akin.", galit na sabi ni Berna.

"At baka nakakalimutan mo din... stop bullying with my bestfriends.", galit na sabi ni Lia dito.

"I'm gonna do that if you stay away from Robert.", titig na sabi nito kay Lia.

"Are you insane?!.", galit na sabi ni Lia.

"Just to be fair.", sambit ni Berna while Lia scoffed.

"He's my friend.", diin kong sabi.

"Pero minamahal ko siya.", madiing sabi ni Berna kay Lia na parang nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Bumuga ng hangin si Lia at tumayo ng tuwid sabay talikod dito.

"Do whatever you want but I will not leave him.", matigas na sabi ni Lia at nagsimulang lumakad palayo kay Berna.

"I'll do everything to keep Robert away from you.", pahabol na sabi ni Berna kay Lia.

Pumunta na nga si Lia sa kanyang bhestie's kasama sila Jasper na nagtatawanan.

Umupo si Lia sa tabi ni Yil sabay kuha ng cotton candy marti. Uminom siya dito habang nakatingin kay Robert. Nilapag niya ito sa mesa sabay tayo.

"Guys labas muna ko saglit.", paalam ni Lia na napatingin silang lahat sa kanya.

"Bakit? Ano namang gagawin mo dun?.", tanong ni Tallia sa kanya.

"Wala magpapahangin lang saglit.", sabi ni Lia na nakatinging deretso kay Robert. Napailing na lang si Lia dahil hindi niya kaya ang mga titig na binibigay ni Robert sa kanya.

"Ok sige ingat ka Bhest.", nakangiting sabi ni Yil dito.

Tumango lang si Lia sabay alis sa kanila. Pumunta siya papunta sa dagat na nakaharap sa walang hanggang madilim na dagat. Nakatayo lamang siya sabay pikit ng kanyang mga mata at pagsinghot ng malamig na simoy ng hangin at agos ng tubig. Tinanggal niya ang kanyang sandals at lumakad lakad sa tubig hanggang sa paa lang ang level nito na hindi tataas sa kanyang ankle. Habang nilalaro laro niya ang kanyang isang paa sa tubig at may nagsalita sa likuran nito.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon