RTA: Telephone Call

55 4 0
                                    

Northshore Hospital

"Ashly call my mom that I'm here.", sabi ni Jasper habang akay siya ng dalawang nurse papunta sa doctor. Tumango lang si Ashly sa kanya sabay lingon kay Yil ng pataray.

"Yil tawagan mo ang mommy ni Jasper na nandito siya sa hospital at babantayan ko si Jasper.", utos ni Ashly dito.

"Ashly wala akong cellphone number ng nanay niya.", sabi ni Yil dito.

"Pwes! Problema mo na yun. Sige na bilis.", sabi ni Ashly sabay alis.

Pumunta si Yil sa kung saan tanungan ng mga tao para sa kanilang dadalawin na pasyente.

"Uhm... Ate may listahan po ba kayo ng mga telephone number?. Yung libro po? Emergency lang po.", magalang na tanong ni Yil dito.

"Sandali lang miss.", sabi nito sabay talikod. Di mapakali si Yil hanggang sa humarap ang nurse sa kanya dala ang lumang libro.

"Miss heto po ba?.", tanong nito.

"Opo yan nga po Ate. salamat. Ate pwede pagamit lang po ng telephone saglit?", sabi ni Yil habang hinanap ang telephone number sa bahay nila Jasper.

"Sige.", sabi nito at tinalikuran na siya.

"Sana meron po Lord.", sabi ni Yil.

Nagdasal pa muna si Yil saglit bago pindutin ang numero sa telepono. Nagring ang phone

"Hello?", sabi ni Yil.

"Good Afternoon po Ma'am. Sino po to?", tanong sa kabilang linya.

"Good Afternoon din po. Si Yil po. Pwede ko po bang makausap si Mrs. Castroverde?.", sabi ni Yil.

"Sandali lang hija.", sabi sa kabilang linya.

"Ma'am may tawag po sa inyo.", rinig ni Yil na sabi ng babaeng kausap niya.

"Hello? Good Afternoon. Mrs. Castroverde speaking.", sabi sa kabilang linya.

"Good Afternoon po Ma'am.", bati ni Yil dito.

"Who's this?.", tanong sa kabilang linya.

"Si Yil po.", pagpapakilala ni Yil sa telepono.

"Sorry hija pero wala dito si Jasper. Nandun siya sa school. Is this Jasper girlfriend?.", masiglang sabi nito sa telepono.

"Po? Hindi po Ma'am. Kaklase niya po ako. Sa katunayan po napatawag ako dahil nasa hospital si Jasper. Kailangan ko po kayo dito.", paliwanag ni Yil.

"Ano?! Anong nangyari sa anak ko? Saang hospital ba yan?.", hestirical na sabi sa kabilang linya.

"Wag po kayong mag-alala Ma'am ok naman po si Jasper. Napilayan lang po talaga. Dito po kami sa Northshore Hospital at malapit lang po sa school.", pagpapaliwanag ni Yil para kumalma ito.

"Sige I'll be there.", sabi sa kabilang linya.

"Sige po Ma'am.", sabi ni Yil at ibinaba na ang telepono.

"Salamat po ulit.", paalam ni Yil.

"Walang anuman.", sabi nito.

Pumunta na si Yil sa room kung saan si Jasper. Agad naman siyang sinalubong ni Ashly na nakataas ang kilay.

"Oh ano na?.", walang ganang tanong ni Ashly.

"Papunta na yung mommy niya.", sabi ni Yil sabay upo sa bench.

"Ok.", sabi naman ni Ashly at umupo din sa gilid.

Mga ilang minuto ay nandito na ang Mommy ni Jasper.

"Good Afternoon po.", bati nila Yil at Ashly.

"Where's my son.", nagaalalang tanong nito.

"Nasa room pa po.", sabi ni Ashly ng biglang lumabas ang doktor.

"Kayo ba ang magulang ng pasyente?.", tanong ng doktor.

"Yes doc. Ako nga po. Kumusta po ang anak ko?.", tanong ni Mrs. Castroverde na agad namang napatawa ang doktor.

"Ok naman po ang anak niyo Misis. Katunayan pwede niyo na siyang bisitahin pagkatapos.", sabi ng doktor na ikinagalak ng tatlo.

"Salamat Doc.", sabi ni Mrs. Castroverde.

"Sige. Maiwan na kita Misis.", paalam ng doktor sabay tango ng Mommy ni Jasper.

"Salamat sa inyo mga ija sa pagdala niyo sa kanya dito.", pagpapasalamat ng Mommy ni Jasper.

"Walang anuman po.", naoangiting sagot ng dalawa.

Nagring ang phone ni Ashly at dali daling kinuha.

"Excuse me po.", sabi ni Ashly sabay punta sa kabilang gilid.

"Umupo po muna kayo.", alok ni Yil sa Mommy ni Jasper. Ngumiti naman ito at umupo sa tabi niya.

"Salamat. What's your name ija?.", tanong ng mommy ni Jasper.

"Yil po. Yil Montealegre ", nakangiting sabi ni Yil.

Samantang pumunta si Ashly sa Cr dahil sa tawag.

"Hello Ashly?.", sabi ni Berna sa kabilang linya.

"Oh bakit ka napatawag?.", walang ganang sagot ni Ashly.

"Asan kana ba? Ang tagal mo.", reklamo nito.

"Siguro may kasama kang iba diyan noh?.", tawang sabi sa kabilang linya kung kayat naparolled eyes naman si Ashly.

"Hoy Berna kung maglalandi lang naman ako eh dun na sa taong pili. At si Jasper yun.", mataray nasabi ni Ashly.

"Oo na alam ko pero nasan ka.", tanong nito.

"I take Jasper here in hospital.", sabi ni Ashly.

"Ano?!.", sigaw nito.

"Pwede wag kang sumigaw?.", reklamo ni Ashly.

"Sorry. Kumusta siya?.", nagaalalang sabi ni Bernadette.

"Ok naman sabi ng doktor kanina.", sagot ni Ashly.

"Punta kana dito.", sabi ni Berna.

"Oh sige. Hintayin niyo ako.", sabi ni Ashly.

"Oh sige.", sagot ni Berna.

"Bye.", paalam ni Ashly sabay end ng button.

In-off ni Ashly ang kanyang phone sabay punta kay Mrs. Castroverde.

"Ma'am pasensiya na po kayo kaya lang uuwi na ho ako. Emergency po kasi.", pagpapaalam ni Ashly.

"Oh sige. Ingat ka ija.", sang-ayong sabi ni Mrs. Castroverde.

"Sige po. Pakisabi na lang ho kay Jasper pagnagising umuwi na ho ako.", magalang nasabi ni Ashly dito.

"Sige.", sabi ni Mrs. Castroverde sabay tango dito.

Tumingin si Yil kay Ashly at tinarayan lang ito ni Ashly sabay talikod paalis.
















Author's Note:

Kawawa man si Jasper. 😑 Hi guys! Musta na kayo diyan. Malapit lapit na at matatapos ko na din tong story na to. Pasensiya na kayo kung walang kadating dating ha? Pagtiyagaan niyo na lang po. 😊😩

#RoyalTeenAcademy
#Nikita'sGoldenViolet

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon