Yil POV:
*beep beep*
Tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Alam kong si Jasper iyon dahil nagtext ito sa susunduin ako.
"Mama nandiyan na po siya.", saad ko ng matapos kong uminom ng juice sabay kiss kay Mama.
"Naku anak. Sige na baka malate ka pa.", saad ni Mama ng makalabas kami ng bahay.
Nakita ko agad si Jasper na nakaabang sa labas ng gate habang nakapamulsa. Napabuga ako ng hininga ng makita kong nakangiti ito sa akin. Sa suot niyang simpleng jeans, tshirt at white shoes masasabi kong guwapo siya. Wala namang kasing nagbabago kahit anong ipasuot mo gwapo pa rin 'tong lalaking 'to.
"Good Morning po Tita.", bati niya kay Mama ng makalabas kami ng gate. Walang good morning sakin? Bastos to ah?
"Magandang umaga hijo.", saad ni Mama ng humalik si Jasper sa pisngi ni Mama pati na rin sa akin. Sweet naman ng bebe ko pero sakin wala. Huhuh.
"Sige Ma, una na po kami.", paalam ko dito ng buksan ni Jasper ang pinto ng sasakyan sa unahan.
"Ingat kayo papunta sa school.", saad ni Mama sa amin.
"Opo Tita.", rinig kong sabi ni Jasper ng makapasok na ako sa loob.
"Ready?.", nakangiting saad ni Jasper sa akin. Kumag talaga.
"Ready.", irap kong sabi sa kanya sabay tingin sa labas ng bintana.
"Ano nanaman yan?.", saad nito mahalata sigurong nagmamaktol ako.
"Wala..", saad ko habang napapangiting nakatingin sa labas ng bintana.
"Sorry na...", saad nito ng ikiss ang kalaiwang kamay ko habang nagdadrive.
"Oo na. Magdrive kana.", saad ko ng buksan ko ang bintana ng kotse.
Sikat na ang araw habang amoy na amoy ko ang mga preskong puno na tila kumakaway kasabay ng hangin.
Napasalimpak ako sa bintana ng kotse na tila inienjoy ko lahat ng madaanan namin. Akalain mo nga naman, ang dami naming pinagdaanan pero hindi ko aakalain na magsasama din kami nang kay tagal. Mga pagsubok na akala ko hindi na masusulusyonan ngunit maaagapan din pala. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam lalo na't kasama ko na yung taong mahal ko ng matagal.Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa campus nang lumabas nang kotse si Jasper at pagbuksan ako ng pinto. Sa dinarami ba naman kasi ng iniisip kong magaganda siyempre malilibang ka. Nang makapasok kami sa campus ay halos nakatingin sa amin ang mga estudyante. Yung iba tulala, yung iba parang nabigla, at yung iba naman ay parang naiinis marahil siguro ay may pagtingin sila sa boyfriend ko. Hahaha sorry na lang nauna na ako eh!. Agad akong napasulyap sa kanya ng i-holding hands ako nito. Pau-turn ang punta namin papunta sa room namin ng makasalubong namin sina Ashly na nagtatawanan. Mukhang nageenjoy ang mga ito sa kwento nila ng maputol ang tawa nito dahil nakita siguro ako. Maya-maya ay tumingin ito sa kamay namin na magkahawak sabay ngiti ng mapakla. Agad sumikdo ang dibdib ko habang nakahawak sa kamay ni Jasper ng mahigpit. May sinabi pa ito habang nakangiti ngunit hindi ko narinig. Malamang sa malamang tungkol iyon sa akin. Agad itong naglakad sa gilid ko ng mabagal kasabay ng pagkagulat ko.
"Tara na.", saad ni Jasper sa akin kung kaya't nagpatiuna ako.
Halos hiyawan ang mga kaklase ko pati na rin sina bhest sa amin. Nakakatuwang isipin dahil todo suporta din ang boyfriend ng mga bhestie ko at magkaklase pa din kami sa taong ito at madami akong gustong masasayang gawin habang kasama sila.
Natapos ang lesson namin para sa umaga kung kaya't pumunta kami sa canteen. Tinginan pa din yung ibang estudyante sa amin. Napakabilis talaga ng balita at alam kong alam na rin siguro ito nina Ate Lyra at Ate Lyrenne. Namiss ko na din si Ate Lyra pano ba naman kasi halos 7 buwan simula noong mag-aral siya ng Industrial Engineering at hindi ko na siya nakikita. Siguro busy na rin sa kakakalkula ng mga komplekadong mathematika kaya bihirang pumunta sa canteen.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...