RTA: Confession and Refused III

67 5 0
                                    

Yil POV:

Nasa klase kami habang may seatwork. Nagsosolve ako dahil gusto kong maperfect ito. Yung iba nagpapaturo sa iba nilang kaklase nang may lumapit sa aking isang lalaki. Napatingin ako dito habang kumakamot ito ng ulo habang nakatingin lang sa amin ang iba kong kaklase. Alam ko na kung ano ang pakay nito.

"Pwede bang magpaturo? May hindi lang kasi ako gaanong hindi ko makuha.", saad nito habang pinapakita ang equation. Agad ko naman itong tiningnan at kukuhanin na sana ang notebook nito ng tumayo si Jasper papunta samin.

"Dude samin ka na lang magpaturo. Anong number ba yan?.", tanong nito ng makalapit samin.

"No. 15 Jasper.", saad nito ng ibigay sa kanya ang notebook nito. Sumulyap muna ito sa akin bago tumingin sa notebook ng kaklase namin.

"Mukhang alam naman niya yata ang sagot. May kelangan ka pa ba?.", sabi ko habang nakatingin sa kanya papunta sa kaklase ko. Agad naman itong umiling kaya nagfocus na agad ako sa ginagawa ko.

Umalis na rin ang dalawa sa tabi ko. Hanggang sa magrecess na kami nina Tallia, Lydie, at Lia. 

"Malungkot ka ata Lydie. May sakit ka ba?.", tanong ko dito ng hawakan ko ang noo at leeg nito. Normal naman ano kayang nangyari sa babaeng ito.

"Ok lang ako nagugutom lang kasi talaga ako.", saad nito ng mauna na sa aming pumasok papuntang canteen.

"So anong oorderin natin?.", tanong ko sa kanila.

"Special bihon ni Ate Lyrenne masarap daw iyon. Yun yung madalas bilhin ng mga studyante dito.", saad ni Pricillia.

"Sige yun na lang.", saad ko para pumunta sa counter. Agad namang napangiti si Ate Lyrenne ng makita ako nito.

"Kumusta kana? Ngayon na lang kita nakita.", saad ni Ate Lyrenne na ikinangiti ko. Tinuro ko ang special bihon nito na mukhang nahulaan naman nito para sa aming apat.

"Oo nga po eh bihira na po akong pumunta at madami po kasi akong inaasikaso.", saad ko dito na ikinatango naman nito.

"Ganun ba? Buti kompleto kayong apat ngayon.", sabi nito habang nagsasandok ng special bihon.

"Oo nga po eh.", sabi ko na lang.

"Sige upo ka na lang doon ako na lang pupunta sa table niyo.", saad nitong nakangiti.

"Sige po. Salamat Ate Lyrenne.", sabi ko sabay talikod dito papunta kanila Lia. Umupo na ako ng magsalita si Lia.

"Guys may gagawin ba kayo mamaya?.", seryosong tanong nito.

"Wala naman bakit?.", saad ni Tallia dito. Pati ako ay naguguluhan din para dito sobra kasing seryoso nito.

"Gusto ko sanang doon na muna kayo sa bahay matulog mamayang gabi dahil may sasabihin akong importante.", saad nito na ikinatahimik ko. Kung hindi ako nagkakamali ay alam ko na kung anong gustong pag-usapan nito.

"Bakit may nangyari ba?.", saad ko dito. Si Lydie naman ay tahimik lang at malayo ang tingin mukhang malalim yata ang iniisip.

"Wala naman gusto ko lang nang may kausap.", saad nito na ikinatango namin.

Kinumusta kami ni Ate Lyrenne ng dalhin nito ang order namin. Nagusap-usap kami nito ng ilang oras lang bago ito umalis dahil marami-rami na din kasi ang nakapila sa counter. Matapos ang klase ay nauna na sina Lia, Tallia at Lydie umuwi para makapagprepare ng pagkain mamayang gabi.

Napahawak ako sa sling bag ko habang naglalakad papuntang garden para tumambay muna saglit. Napaupo ako sa bench sabay labas ng earphones at cellphone ko para magpatugtog. Habang nakikinig sa bagong music na Bón Appetit ni Katy Perry ft. Migos ay may narinig akong ingay sa kabila na tila umiiyak na babae. Hindi naman kasi malakas ang sound ng music ko kaya agad kong in stop ito habang lumilingon kung may tao nga ba talaga. Napatayo ako habang lumilingon kong saan ang mga ito. Natutop ko ang aking bibig dahil sa aking nakita. Hindi ko alam kong ilang segundo akong nakatayo sa harapan nila ng makita nila ako na may bahid ng pagkagulat. Tumalikod agad ako sabay lagay ng cp at earphones ko sa bag at takbo sa kanila papaalis.

"Yil sandali!.", sabi nito habang hinahabol pa rin ako ngunit patuloy pa rin ako nang lakad na parang walang narinig..

Hindi ko alam kung anong masasabi ko tungkol sa nakita ko pero masasabi kong galit ako.

"Yil sandali lang...", hinihingal pa ring sabi nito ng mahawakan ang braso ko.

"Jasper... bakit?.", pilit ngiting saad ko na nagbabakasakaling wala talagang nangyari. Naninikip dibdib ko dahil nagseselos nanaman ako.

"Yil let me explain...", nakakunot noong sabi nito.

"Explain what?.", pagsisinungaling ko ngunit nasasaktan pa din ako.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin nang masinsinan sa mga mata ko.

"Ashly and I are friends and above all wala.", explain nito sakin. Friends? Natatawa tuloy ako.

"....Ashly loved you and you know that.", matigas kong sabi. Seryoso ako habang nakatitig sa mukha nito.

Agad kong pinahid ang aking luha na agad tumulo ngunit pinipigilan ko lang ang mapahagulhol.

"Yil please...", sabi nito sabay hawak sa kamay ko ngunit agad ko naman itong binawi.

"Seeing both of you there is enough for me Jasper... You don't have to explain.", malungkot na sabi ko sabay ngiti pa din. Ngiting kahit nasasaktan ako ay ibibigay pa rin para sa taong pinakamamahal ko.

"But I would have too..", pagsusumamo nito sabay hawak sa kamay ko. Nagtitigan kami nito pero bigo pa rin ako kaya tumalikod agad ako.

"I-I have to go.", teary eyed kong sabi sabay talikod paalis. Natutop ko ang bibig ko para huwag lumabas ang ingay.

"Mahal kita!.", sabi nito kung kaya't napatigil ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayang hinawakan na pala ako nito sa nagkabilang braso sabay paharap sa kanya.

"Jasper please...", luhaang sabi ko sa harapan nito. Agad nitong pinunasan ang aking luha habang hawak hawak ang mukha ko.

"Did you think of me as more that a friend Yil?.", tanong nito sa akin.

"Jasper...", sabi ko kasabay ng pag-iyak ko sa harapan nito.

"Just answer me Yil..", sabi ni Jasper sabay pahid ng mga luha sa pisngi ko.

"Not initially. But I really couldn't help it Jasper.", sagot ko dito.

Napaluha ako ng yakapin niya ako ngunit nagpumiglas ako dito.

"Yil please...", teary eyed na sabi nito.

"I used to think that any girls who would let go of a guy like you... must definitely be crazy. But now I realize Ashly was right.", pagsasabi ko ng totoo sa kanya kung kaya't napaluha si ito sa sinabi nito.

"I think that if were really going to be apart. Let just be acquaintances..", iyak kong sabi. Tumalikod na ako dito paalis sa kinaroroonan nito ngunit niyakap agad ako nito habang nakatalikod.

"Yil please don't leave me...", luhaang sabi nito.

Napahagulhol ako sa iyak nang tanggalin ko ang mga kamay nito na nakapulupot sa bewang ko. Tumakbo agad ako paalis ngunit ng hindi ko na makayanan ay naupo ako sa gilid habang umiiyak.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon