Tallia POV:
Pumunta ako sa library para humiram ng libro. May assignment kasi at iba ang libro na ginamit ng teacher namin. Lumingon ako para tingnan kung nasaan ang assistant ngunit wala. Pumunta ako sa section kung saan ang hinahanap kong libro ngunit wala. Kanina nandito pa to eh.
"Asan na ba yun? Dito ko lang yun iniwan eh.", saad ko habang hinahanap ito.
"Looking for something?.", saad ni Althea. Kahit hindi ko linggunin ito ay alam kong siya ito. Ano nanaman kayang pakay nito.
"Althea, may kelangan ka ba?.", saad ko na patuloy pa rin ang hanap sa libro.
"I want you to stay away from him.", saad nito.
"With whom?.", saad ko habang hinahanap pa rin ang libro.
"Alfred.", saad niya. I stammered and clear my throat.
"Is that an order?.", lingon ko sa kanya.
"Yes coz' your flirting him.", she said. What?! Ako magflirt sa lalaki never!
"I'm not the one who hit guys first unlike you.", madiin kong sabi sabay talikod dito. Totoo naman hindi pa ako nagflirt sa kahit na sino. And remember sila ang kusang pumupunta sa akin hindi ako.
"Are you hitting me?.", galit na sabi nito habang nakahawak sa braso ko. Well, well, well bato bato sa langit ang matamaan ay wag magalit.
"Why are you guilty coz' it's true?.", pataray ko ding saad dito. Nagtitimpi lang ako dito parati pero ngayon hindi na.
"Wala kang pinagkaiba sa mga kaibigan mong mang-aagaw.", singhal nito kung kaya't agad tumaas ang dugo ko sabay kabig sa braso kong hawak nito.
"Wag mong isasama sa usapan ang mga bhestie ko dito!.", mariing sabi ko habang nakaturo ang daliri ko dito then suddenly she laughed. As liked as an evil laugh. Bagay nga sa babaeng to na kampon ata ni Satanas.
Napatingin kami sa likod ng may teacher na nagsabing "silence please".
"If you want Alfred to stay away with me then tell Alfred not me.", sabi ko sabay talikod dito.
"Hindi ako titigil hannga't hindi napapasakin si Alfred.", galit nitong sabi. Rinig ko pa din ito dahil hindi pa ako kalayuan sa kinatatayuan nito.
Galit na galit akong lumabas ng library. Sinasabi na nga ba't may gusto din ito kay Alfred. Anong magagawa ko eh parehas kaming umiibig sa iisang lalaki.
Samantalang habang naglalakad si Pricillia papunta sa building kung saan nandun ang kanilang classroom ay nakita niya si Yil na nakaupo sa barrier wall ng corridor. Mukhang malalim ang iniisip nito at tulala. Agad siyang pumunta sa 3rd floor para kausapin ito.
Habang nagpapahangin si Yil para makapagisip-isip ay may nakita siyang isang babae at lalaki na naglalakad. Maya-maya'y may kinuha ito sa bulsa at ibinigay sa babae. Sa tuwa ng babae ay niyakap ang lalaki at hinalikan sa pisngi. Ngumiti siya ng mapakla sa nakita ng may tumapik sa likod niya. Paglingon nito ay si Jasper ang nabungaran na nakangiti sa kanya. Hindi niya ito inintindi at tumingin sa di kalayuan ngunit nagsalita kaagad ito.
"Mukhang malalim ata ang iniisip mo at nag-iisa.", Jasper said.
Hindi pa rin nagsalita si Yil sa kabilang dako.
"Mukhang tahimik ka ata. Ok ka lang ba?.", Jasper said again.
Bumaba na ito sa kinauupuan niya. Aalis na sana siya ngunit nahawakan nito ang kanyang kamay.
"Ok ka lang ba?.", concerned nitong tanong.
Imbes na sumagot ay tumingin ito sa mga mata niya. Pagkatapos tumingin sa mga mata nito ay sa kamay niya na hawak pa rin nito. Hahawakan sana ang mukha nito ngunit hindi siya nagpahawak dito.
"May nangyari bang masama Yil?.", tanong ulit nito na mukhang sinsero.
Walang sabi-sabing sinampal niya ito. Nagagalit siya dahil sa mga araw na nakasama niya ito ay laro lang pala. Akala niya ay gusto nito yung mga time na pagtumingin ito sa kanya ay parang siya lang ang babae sa mundo. At higit sa lahat nung ipinagtanggol siya nito sa hindi niya kakilalang lalaki. Naramdaman niya ang takot at pagaalala sa kanya. Nabigla si Jasper ng sampalin siya ni Yil. Wala siyang mahagilap na dahilan kung bakit siya sinampal nito. Hahawakan sana niya ulit ito kung anong nangyari ngunit ayaw nitong magpahawak.
"Wag mo akong hawakan.", singhal ni Yil dito.
"Yil anong nangyayari sayo?.", malungkot na saad ni Jasper. Nakakunot ang noo nito na tila ba hinihintay ang kanyang sagot.
Agad bumati sa kanila si Pricillia. Pinakalma ni Jasper ang sarili at ngumiti kay Lia na paparating.
"Kanina pa kita hinihintay lalo na sila Lydie. Kaya pumunta na ko dito baka kasi kung anong nangyari na sayo. Buti nga nakita kita agad. Ano bang ginagawa mo?.", tanong nito.
"Wala. Nagpapahangin lang.",
"Next time wag kang uupo diyan ha? Baka kasi mahulog ka.", paalala nito.
Tumango lang ito at agad niyang kinilabit si Lia para umalis na.
"Sige ingat lang kayo.", paalam ni Jasper sa kanila.
"Ikaw din. Bye.", Lia said.
"Bye Yil.", he said.
Tumango lang ito habang nakatalikod sabay alis.
Pumasok na si Tallia sa canteen at doon nakita si Lydie na parang walang ganang kumakain. Padabog siyang umupo sa harapan ni Lydie at kumuha din ng coke sabay subo. Mga ilang minuto ay papalapit na din sa kanila sila Yil at Pricillia.
"Guys I'm sorry but I have to go.", seryosong saad ni Lydie sabay kuha ng kanyang mga gamit.
"Teka san ka pupunta?.", tanong naman ni Lia kaso dere-deretso lang ito sa paglakad.
"Guys anong problema at ang tatamlay niyo?.", tanong ni Lia sa dalawa ngunit hindi ito mga nagsasalita.
"Seriously guys anong problema.", nag-aalalang tanong ni Lia sa kanila.
"I'm sorry pero gusto ko nang umuwi.", saad ni Tallia sabay talikod sa kanila.
Agad ding kinuha ni Yil ang kanyang gamit. Aalis na sana ito ngunit nahawakan ito ni Lia.
"What's the matter Yil?.", tanong ni Lia sa kanya ngunit hindi ito tumitingin sa kanya.
"Yil anong problema niyo. Kanina ok pa naman tayo at nagtatawanan.", saad ni Lia sa kanya. Nakita ni Lia na lumuluha ito kung kaya't agad siyang hinatak nito papunta sa isang lugar na walang makakarinig sa kanila.
"Yil why are you crying? May masakit ba sayo?.", chineck siya nito sa katawan.
Pinilit ni Yil na magexplain kay Lia ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig. Dahil sa bigat ng kanyang dinadala ay napaiyak ito sa harapan ni Lia. Agad namang niyakap siya nito para tumahan sa pag-iyak ngunit humagulgol ito na para bang walang pakialam kung sino man ang makakita.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...