Robert POV:
Nakahiga lang ako sa sofa samantalang sila Jasper ay tulog na sa kanilang kwarto. Hindi pa rin kasi ako makatulog at mapakali dahil sa nangyari kanina. Lalo na sa sinabi ni Lia na umaasa akong sana ako nga ang tinutukoy niya. Agad ko tuloy inalala yung time na nakasama ko siya.
💭 Papunta si Lia sa amin ng maaninag ko ang mukha nitong parang seryoso. Ng makalapit na ito at binati kami sabay upo at inom ng cotton candy marti. Alam kong nakatingin ito sa akin habang kausap ko mga kaibigan niya habng siya ay umiinom kaso hindi ko na lang pinansin. Mga ilang segundo ay agad itong tumayo at nagpaalam sa amin na lalabas lang saglit dahil magpapahangin lamang. Nakatitig lang ako sa kanya same din sa kanya ngunit una na itong nagbaba ng tingin sabay lakad palabas. Napakunot noo ko sa kanya kaya nagpaalam na din ako sa kanila Jasper na sasamahan ko na si Lia dahil walang kasama. Isa pa wala siyang kasama at mga lasing na ang iba baka mapano siya. Naglakad ako palabas at hinanap ito. Mga ilang minuto ay nahanap ko na din ito na parang malungkot hawak hawak ang kanyang sandals habang ang isang paa nito ay iniikot ikot sa tubig hanggang sa ankle lang ng kanyang paa ang taas ng tubig. Lumapit ako dito ngunit hindi pa rin ako nahahalata mukhang malalim ata ang iniisip nito.
"Hindi ka ba natatakot na mag-isa?.", sabi ko na agad namang napalingon ito. Tiningnan muna ako nito sabay talikod at lakad na parang hindi ako nito nakita at walang narinig. Bastusan lang?. Pero sinundan ko ito.
"Bakit ka nandito?.", tanong nito sa akin.
"Ok ka lang ba?.", imbes na sagutin ko ito ay tanong ang sinabi ko sa kanya.
"Yeah I'm fine.", sagot naman nito.
"May problema ba?.", tanong ko ulit. Mukha kasing bagsak ang magkabilang balikat nito habang sinusundan ko. At ayoko sa babaeng mahal ko na nakikitang malungkot.
"Wala nagpapahangin lang dito sa labas. Sige na susunod na lang ako.", lingon nitong sabi sabay ngiti sa akin. Alam kong may problema ito pero nakikita ko na kaya parin nitong ngumiti kahit nasasaktan na. Siguro dahil sa ayaw niyang may mga taong nagaalala sa kanya.
"Wag na samahan na lang kita.", sagot ko dito.
"Hindi na kaya ko naman.", Lia said while smiling. Nakangiti ito pero nakikita ko sa mga mata nito na malungkot ito.
"Ang kulit mo. Sabi ko sasamahan na kita.", nakangising sabi ko.
"Mas makulit ka. Sabi ko kaya ko naman kaya ok lang.", nakapamewang na sabi ulit ni Lia sa akin.
"Baka may mangyari pa sayo kaya sasamahan na kita.", nakangising sabi ni Robert.
"Nakainom ka ba Robert? Pwede gumising ka muna sa katotohan?.", natatawang sabi ni Lia sa akin. Hindi ko alam kong galit ba ito na ayaw akong makasama o naiinis na gusto niyang mapag-isa. Ewan.
Sinipa nito ang tubig sabay talsik sa mukha ni ko. Hinawi ko ang bass ng tubig sa mukha ko. Tumingin ako dito sa kanya na nakangisi habang siya ay gulat parin. Naglakad ako papalapit sa kanya kung kaya't napapahakbang paatras naman ito.
"Teka anong gagawin mo?", sabi ni Lia sa akin.
"Getting some revenge?.", nakangising sabi ko dito. Tinapon nito sa akin ang hawak niyang sandals kaya umilag ako para hindi tamaan samantalang si Lia ay tumakbo na palayo. Hinabol ko ito na tumatawa. Mukhang tumago ata ito sa malalaking bato kaya hinanap ko ito.
"Asan kana Lia? Babaeng mahilig magtago?.", tawang sabi ko sa kanya.
"Tingnan ko lang kung mahuli mo ko.", natatawang sagot niya sa akin.
"Lia malapit na ko.", sabi ko sabay punta kung saan narinig ko ang Bose's nito kaso wala naman ito dito.
"Andito ko!.", tawang sabi nito at binasa ako ng tubig sabay takbo.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...