Pricillia's POV:
Nagising ako mga bandang alas 11 ng gabi. Alam kong tulog na ang mga studyante sa mga oras na to kaso kahit anong pilitin ko ay hindi na ako dinadalaw ng antok. Bumangon ako at lumapit sa malaking glass door. Isang malamig na hangin ang dumampi sa aking balat ng pagbukas ko ng glass door. Lumabas ako dito at nakita ang mga taong nag-aaliwan sa mga oras na yun. May mga babaeng sumasayaw na parang pang Shakira kung kumembot kembot. May nagbubuga ng apoy at iba pa. Kinuha ko ang makapal na jacket at cap sabay labas ng kwarto. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa elevator ay yabag lamang ng aking mga paa ang maririnig. Sumakay nga ako ng elevator pababa at dumaan sa main door ng hotel at binati ako ng isang crew bago ko makaalis ng hotel. Pakapunta ko sa beach ay natanaw ko nga ang mga taong masayang nagsasayawan at nagaaliwan. Dahil dun napangiti ako kasi sobrang galing ng mga itong sumayaw kahit madistansya ako sa kanila. Kinuha ko ang lampara na nakasabit sa gilid at pumuntang Tree Paradise. Dito kasi ang magandang spot na puntahan kung gusto mong magmuni-muni o kaya'y mag-stargazing. Habang tinatahak ko ang daan ay napapa-wow ako sa ganda. As in wow na wow. Pano ba naman kasi parang nasa fantasy world ka lang. Habang naglalakad ako ay nahahalata ko parang may nakasunod sa akin. Tumigil ako sa paglakad at biglang napalingon ako sa likod ko. Seriously?Napataas nalang ang isa kong kilay dahil wala namang tao sa likod ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad dala ang lampara. Mga ilang minuto ay may biglang kumaluskos medyo malapit lapit lang sa bandang likod ko. Agad akong kinabahan at napatigil ako sa paglalakad. Wag mong sabihing may ahas dito or wild animals. Diyos ko wag naman sana. Pagdadasal ko sa sarili ko. Lumingon ako at napasindak squirrel lang pala kala ko kung ano na. Nawala ang kaba ko dahil kala ko talaga kong ano na. Hay naku puro malaking akala nga naman. Mga ilang minuto habang tinatahak ko ang daan ay may naaninag akong anino na parang sumusunod sa akin. Kinakabahan man ako ay dahan dahan akong lumingon wala naman akong makita ay binilisan ko na ang aking lakad hanggang sa tumatakbo na ako papalayo sa kung saan may anino. Multo ba siya? May nagpapakita ba dito ng ganitong oras?. May multo ba dito?.
"Shit!.", mura ko sa sarili ko habang tumatakbo dahil may mga yabag akong naririnig na parang sumusunod sa akin.
Tulungan niyo ko. Naiiyak kong sabi sa sarili at napalingon sa likod ko pero hindi ko siya maaninag. Dahil sa pagkalito ko habang tumatakbo ay nahulog ko ang lampara. Maya-maya'y tumigil ako sa pagtatakbo at napaisip kong saan dadaan. Tumakbo ulit ako at tumago sa madilim na parte kung saan may puno. Nakita ko ang kahoy at kinuha ko ito for self defense. Higit ko ang aking paghinga hawak hawak ang kahoy habang hinihintay kung sino man ang sumusunod sa akin. Maya-maya'y nakita ko ang anino at may hawak hawak na lampara at papalapit ito. Bago pa man ito makalapit ay pinalo ko ito ng kahoy dahilan para mapaatras ito at pagkahulog ng lampara. Narinig ko itong umungol sa sakit hawak hawak ang kanyang pisngi sabay napatingin sa akin. Hindi ko man maaninag ang kanyang mukha dahil napatay ang sindi ng lampara na hawak nito batid kong galit ito sa aura palang nito. Inalis nito ang kanyang hood na suot-suot ng jacket na nakatingin sakin ng masama na para bang sasaktan ako. Inaaninag ko kung sino ito kaso masyadong madilim sa parts namin. Pupokpokin ko na sana siya ulit para makatakbo nailagan niya ito.
"Too slow.", sabi nito sa akin.
Hahampasin ko pa sana ulit siya ng kahoy kaso nahawakan nito ang dalawa kong kamay at pinahiga ako nito sa sahig. Nagpupumiglas ako para makaalis kaso mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko at mukhang magkakapasa ito. Maya-maya'y dinaganan ako nito ngunit nagpupumiglas pa din ako. Lord heto na po ba ang katapusan ko? Tulungan niyo po ako nasabi ko sa sarili ko at napapaluha. Naramdaman kong lumapit ang mukha nito sa akin sabay hawak sa aking mukha at tinanggal ang aking cap. Napaluha ako dahil anu mat anu pa man ay may mangyayaring masama sa akin. Tinanggal nito ang cap ko at nagsalita ito na ipinagtaka ko naman.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...