RTA: Someone's Bothering Me

112 6 0
                                    

Yil POV:

Nasa kwarto ako nakahiga. Suot ko pa rin ang P.E namin tuwing nageexercise kami kaya nagsuot ako ng jacket hanggang short kahaba at malamig lamig na din ang simoy ng hangin. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa sofa. Nakita ko si Tallia na nageexercise ng kanyang maliit na barell. Hindi ako nito pinansin dahil mukhang focus ito sa kanyang ginagawa kahit nakaharap ito sa akin. Ano kayang naisip o nakain nito at nageexercise pa kahit gabi na. Habang umiinom ako ng kape ay napasimangot ako dahil naalala ko na lagi na lang akong mataray at umiiwas kay Jasper tulad nung first encounter ko sa kanya sa barko, nung pagkatapos nung exercise at breaktime namin nun ng tumabi siya sa akin ngunit umalis ako dala ang aking malong, nung time na nakikipagtawan ako sa mga kaklase kong lalaki at napatigil ako sa pagtawa dahil nainis siya dun sabay alis. At ang mas malala ay yung tumatakbo kami sa tubig hanggang tuhod. Nadapa ako dahil pagod na ako nung time na yun at tumigil siya sa pagtakbo sabay hawak sa kaliwa kong braso para tulungan ako kaso pinilit ko sarili ko na tumayo at naiinis na inalis ang kanyang kamay sa aking braso at tumakbo palayo. Uminom ulit ako ng kape at napa nenenyenye or whatever face ako kasi naman hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Am I already falling for him? Or nadedevelop pa lang? Ugrhh hindi ako makaisip ng maayos. Well sa ngayon siguro I need to confirm kung ano nga ba talaga. Iinom sana ako ng kape kaso nawalan na ako ng gana. Inilapag ko ito sa mesa sabay alis para magpahangin. Napansin kong napatingin sakin si Tallia kaso hindi ko na ito nilingon at deretcho na kong lumabas.



















Jasper POV:

Nakahiga ako sa sofa kung saan malalim ang aking iniisip. Napakagat ako sa aking left finger at hindi mapakali dahil para bang nagflashback sa akin yung mga nangyari na tila ba iniiwasan ako ni Yil at lagi na lang itong nakasimangot sa akin tuwing nagkikita kami or makasalubong ko ito. Katulad nung nasa barko kinakausap ko siya kaso hindi ako pinapansin. Imbes na sagutin ako eh sumimangot ito at tinarayan ako. Pangalawa nung nasa St. Croix Adventurous kami natapos ang exercise at breaktime namin nun ng tumabi ako sa kanya ngunit umalis ito dala ang kanyang malong. Pangatlo ay nung time na nakikipagtawan siya sa iba kong kaklase lalaki kasama na dun si Kurt na panay ang kanilang pagtawa dahil diyan nainis ako sabay alis. At ang mas malala ay yung tumatakbo kami sa tubig hanggang tuhod. Nadapa siya nung time na yun at napatigil ako sa pagtakbo sabay hawak sa kaliwa niyang braso para tulungan ko kaso tumayo ito bigla sabay palis ng kamay ko na para bang naiinis at tumakbo na palayo. Pero nahahalata ko naman na pag-iba kausap niya nakangiti naman ito. Galit kaya ito sa akin? Pero sa paanong dahilan? Wala naman akong maalala na naoffend ko ito o anu pa man. Dahil sa hindi ako mapakali ay bumangon ako agad at lumabas. Pero bago ako makalabas ay alam kong nakasunod ang tingin nila Robert, Alfred, at Albert sa akin habang papaalis.

















Habang nagiisip si Yil ay hindi niya namalayang nakapunta na siya sa dagat. She crossed her arms while walking in catwalk. While walking she looked down then held her head high at nakita niya si Jasper na makakasalubong din niya. She stammered while Jasper smiled to her pero hindi niya pinahalata ito. Sabay silang napatigil at magkatabing nakatingin lang sa malawak na dagat ngunit tumingin agad si Jasper kay Yil na nakangising ngiti. Napalingon si Yil kay Jasper at nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Kitang kita ang mapuputi nitong mga ngipin. Tumingin ulit si Yil sa mga alon ng tubig at para bang pinipilit nito na hindi mapatawa kay Jasper pero tumingin siya ulit dito dahilan para mapatawa siya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Jasper na may kasamang maliit na tawa kay Yil dahil sa wakas napatawa niya din ito at pinansin na din siya. Dahil sa napasarap ang kanilang kwentuhan ay naupo sila sa naglalakihang bato na nakausli sa hanggang tuhod na tubig. Artificial ito at nilagay lamang sa part na yan for purposes. Habang nagke-kwentuhan ay tinaas ni Yil ang kanyang dalawang kamay na hands forward at nagtawanan sila. Maya-maya ay punta sila sa tubig habang naglalakad lakad. Maya-maya pa'y binasa ni Jasper ang kanyang kamay ngunit dahil sa kakulitan ni Yil ay sinipa niya ang tubig dahilan para mabasa si Jasper. Nagulat pa nga ito dahil sa malamig ang tubig at tumatawa si Yil sa kanya. Hanggang sa nagtatawanan ang mga ito habang nagsasabuyan sila ng tubig na para bang mga bata. Nakita sila ni Mr. Chao na nagsasabuyan ng tubig at napangiti sa kanila sabay alis.














Kinaumagahan ay same lang din ang routine nila magwa-warmup exercise, tatakbo sa tubig then langoy hanggang sa red flag then balik ulit sa sand. Habang tumatakbo sila ay tumabi si Jasper kay Yil at ngumiti dito dahilan para mapasulyap si Yil sa taong tumabi sa kanya at napangiti din kay Jasper. Nakita ito ni Ashly at tumingin sa kanilang dalawa. Napataray siya kay Yil habang tumatakbo.




















Naghahapunan ang mag-asawang Montealegre. Habang kumukain ay nagsalita ang babae.

"Kumusta na kaya anak natin?.", nag-aalalang tanong ni Mrs. Montealegre na ang tinutukoy ay si Yil.

"Sigurado kong nageenjoy yun sobra.", sagot naman ni Mr. Montealegre na agad namang napangiti ang kanyang asawa.

"Tawagan kaya natin?.", sabi pa nito

"Wag mo muna siguro Hon at baka busy yun sa ngayon.", pigil na sabi ni Mr. Montealegre.

"Kunsabagay.", sabi na lang ni Mrs. Montealegre at ipinagpatuloy nila ang kanilang hapunan.




















Authors Note:

Kaway-kaway naman diyan para sa team Jasper and Yil. Sa wakas napatawa na ni Jasper si Yil at napansin na din siya nito. Pero hanggang saan naman kaya aabot ang pakikitungo nila sa isa't isa. Hanggang friends lang ba? O more than friends?. Well abangan po natin yan sa next kong update. Please vote and comment na din po kayo kung may katanungan or nalilito sa plot ng story ko. Thank you.

#RoyalTeenAcademy
#@NikitaGoldenViolet

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon