Lydie POV:
Nagising ako mga bandang alas sais ng umaga. Nagmugmog muna ako saka nagtoothbrush. Agad akong nagbihis ng jeggings, sapatos and sports bra para magjogging. Tinali ko ang aking buhok kasabay ng paglagay ko ng earphones sa bawat tenga ko. Lumabas ako ng bahay kasabay ang pagwarm-up ko. Nagjojogging ako paikot-ikot lang sa daan. Para lang naman kasing Camella ang lugar namin pero hindi siya subdivison. Natatawa na lang ako kasi yung iba ay napapatingin na lang sa akin samantalang yung iba ay pasipol sipol pa. Hayy naku mga tao talaga makakita lang ng babaeng maganda o kakaiba magpapapansin na. Wala na bang mas ikakabago pa diyan? Napataas na lang ako ng kilay dahil sa totoo lang hindi ko sila type. Halos isang oras na akong paikot-ikot sa daan ng tumigil ako dahil pagod na ako. Habang naglalakad ay may nakita akong mga matatanda na nageexercise na sa tingin ko ay meditation. Agad akong napangiti sabay punta sa kanila para makisama. Sa likod lang ako habang sumusunod sa bawat galaw nila. First time ko itong gawin kaya sa una ay namamali mali ako hanggang sa namemorize ko na halos ang steps dahil paulit-ulit lang ito. Nakakatuwa naman siguro next time pupunta ulit ako dito. Natapos ang meditation namin ay nagjogging ulit ako pauwi. Agad kong binuksan ang gate sabay lock nito. Pumasok agad ako sa bahay para magbihis pagkatapos ay nagluto ako ng almusal. Ginisang kanin, pritong itlog at tinapa lang naman ang niluto ko dahil nababagay sa panlasa ko ngayon. Ganado akong kumakain ng may magdoorbell sa gate. Uminom muna ako ng gatas saka tumayo para buksan ang pinto. Agad kong tinanaw ang gate pero wala namang tao. Bababa na sana ako ng hagdan ng makita kong may bouquet ng bulaklak ang nakalagay sa baba. Agad ko naman itong dinampot saka inamoy ito. Agad kong binuksan ang card saka binasa ang nakasulat dito.
Dear Lydie,
I'm sorry and please forgive me.
Sincerely,
Albert
Agad akong napanganga sa sulat nito sabay tingin sa bawat sulok kung nasaan siya. Bagamat galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin maitago sa sarili ko na nasasaktan talaga ako. Ano nanaman bang pakulo mo Albert?. Agad kong sinara ang pinto sabay lagay ko ng bigay niyang bouquet sa mesa. Napapaisip nanaman ako habang kumakain. Magsisimula nanaman ba kami? Dumidistansiya na ako pero heto ka nanaman nagpaparamdam. Natapos na akong kumain sabay hugas ng pinggan na kinainan ko. Agad akong pumunta sa sala para manuod sana ng movie ng makita ko ang piano. Matagal tagal na rin na hindi ako nakakapagpiano ng lumapit ako dito sabay pindot sa mga keys. Pinatugtog ko ang Rainy Days dahil isa ito sa faborito kong kanta lalo na pagdating sa piano. Sa una ay mali mali ang keys ko hanggang sa nakabisa ko ulit ang tamang tunog. Paulit ulit lang ako sa pindot ng maisipan kong bumalik ulit sa intro para kumanta kasabay ang tugtog.
🎶
I wake up on the morning
Remember that you're gone
I wonder where the sun went, oohh
But can't we start again, oohhAnd I'm awake on this
Rainy days and I
Watching all my tears fall down a
window pane, yeah yeahDidn't I baby, treat you right
And I watch the rain it makes as
pure again, oohh oohh oohh
🎶Tumigil ako sa pagpiano ng mahalata kong tumutulo na ang aking luha. Agad ko itong pinahiram sabay punta sa kwarto para itago ang nararamdaman ko.
Jasper POV:
Kasalukuyan akong nagising dahil sa huni ng mga ibon na nakadapo sa sa may terrace. Bumangon ako sabay bukas ng sliding door na kung saan agad namang nagsiliparan ang mga ibon. Tanaw ko mula dito ang mga tao sa pool. May tumatakbong babae habang hinahabol ng kaniyang boyfriend, mga batang tumatakbo dala dala ang salbabida, may mga nagsusunblock lotion, at yung iba naman ay nakaupo lang sa bench. Nawala ang aking konsentrasyon dahil mukhang nagugutom na rin ako. Agad akong naligo pagkatapos ay lumabas na din para kumain. Agad akong pumunta sa restobar namin kung saan isa sa pagmamay-ari namin. Agad akong um-order ako ng pagkain sa waiter. Bumati pa ito sa akin ng makalapit ito para kunin ang order ko. Habang hinihintay ang pagkain ay tinext ko muna sina Robert, Albert, at Alfred na nandito ako sa resto bar namin. Ilang minuto lang ang text namin lahat ng makalapit ang waiter sa table ko. Agad akong napangiti dito ng ilapag nito ang order ko sabay pagcross sign ko. Habang kumakain ay napapaisip ako kung asan na kaya si Yil? Kumusta na kaya siya? Matagal tagal na rin simula nung RTA'eans Night ay yun ang huling pagkita ko sa kanya. Matapos ang kain ko sa restobar ay namasyal ako sa beach dahil matagal tagal na rin na hindi akong hindi nakapunta rito simula ng maghighschool ako. Napapangiti na lang ako dahil naalala ko yung mga time noong bata pa ako. Napaupo ako sa gilid kung saan ako lang ang nandito ng tumawag si Robert.
"Hello.", saad ko ng ipick-up ko ang tawag.
"Dito sa beach nagpapahinga. Ikaw?.", saad ko dito.
"Ok na ba siya?.", saad ko ng ibalita nitong may sakit raw si Lia.
"Mabuti naman kung ganun at tska congrats sa inyo.", nakangiting saad ko ng ibalita nitong ok na sila ni Lia.
"Hindi pa dude. Hindi ko pa siya nakakausap simula noong RTA'eans Night. Last time na punta ko sa bahay nila ay nagbabakasyon raw siya.", saad ko.
"Sigurado ka ba diyan?.", saad ko ng sabihin nito kung nasaan si Yil.
"Sige sige salamat Robert.", tuwang saad ko ng matapos ang tawag namin.
Agad akong pumunta sa kwarto para magimpake ng damit, toiletries, atm at cash pasigurado. Maya-maya ay pumasok si Kuya sa kwarto.
"Where are you going?.", saad nito ng makitang nagiimpake ako.
"I'm going to Bikol. Tell Mom and Dad that I have some important matter to meet there.", saad ko dito ng dalhin ko ang bagpack. Ngumiti ito sa akin ng lumabas ako ng kwarto.
"Are you taking plane?.", tanong ni Kuya.
"Yeah.", saad ko dito sabay paalam rito.
Habang tinatahak ko ang daan palabas ng hotel ay napangiti ako sabay pahatid kay Manong sa airport. Hang in there love alam kong magkakaayos din tayo.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Genç Kurgu- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...